CHAPTER 7

3 0 0
                                    

Chapter 7: help

"Ang ganda pala ng kamay mo." Kinuha ko ang kamay niyang nakapatong sa lamesa. Hindi man lang siya nag-angat ng tingin at patuloy na nagtake notes gamit ang kabilang kamay. "Mas maganda siguro 'to kung laging hawak ko." Natigil siya. Mabilis niya akong tinignan, at tumitig sa mga mata ko.

We stare at each other. Ako na nakangiti nang malawak sa kaniya, habang siya'y seryosong nakatingin sa akin.

"Okay..." He muttered. Pinagdikit niya ang mga palad namin na parang pinagkukumpara ang size nito, he slowly clasped it together.

Namula ang pisngi ko habang siya'y tumuloy sa pagsusulat. Dito kami dumiretso sa library matapos ang klase. Dapat ay doon kami sa bahay niya pero umayaw ako, hindi naman sa may gagawin kaming masama pero mabuti nang hindi na muna ako pumunta sa bahay niya baka makatulog pa ako't hindi na naman makauwi.

It's been weeks since he cleared out what he feels.

Mabilis ang mga pangyayari, siguro ganun naman talaga kapag masaya ka at kuntento sa nangyayari.

Nakadikit ang mata sa amin ng mga kaklase pero mabuti at hindi sila nagtanong dahil wala naman akong maisasagot.

Anong nga namang sasabihin ko? Ah dinala niya ako sa ospital at nagkadevelopan kami habang naghihintay ng tests result. Baka husgahan lang nila nang sobra ang ganda ko at sabihing ginayuma ako ni Chaster. Masisira lang ang reputation ng bibi ko.

Nakatitig lang ako sa kaniya. Hay, what a ball of beauty in front of me.

"What are you thinking?"

"Hmm?" Tumingin siya sa akin at tinaasan ako ng kilay.

"I asked about what's running on your mind..." He said dropping the pen and putting it beside his book.

"You.. kanina ka pa tumatakbo sa isip ko, nag-aalala nga ako baka mapatid ka tapos dumiretso ka sa puso ko." Hinila ko ang magkahawak naming kamay at pinatong ang baba d'on. Hindi na gaanong masakit ang mga pasa at sugat ko, hindi katulad noong umagang 'yon na halos mamilipit ako sa sakit.

Siya naman ang namula. Cute parang kamatis. "I'm serious."

"I am too. Magtatanong ka tapos hindi ka naman pala maniniwala." Tinarayan ko siya. "Ano pala 'yang ginagawa mo? May nakalimutan ba akong assignment na'tin?"

He slowly shake his head and pick up his pen. Itinuloy niya ang pagsusulat. "Wala ka namang nakalimutan, kapag may mga gagawin tayo ipapaalala ko na lang sa'yo para hindi ka nahuhuli. Also, this is for you..."

Tumaas ang kilay ko. Nabingi ata ako ng saglit kaya pinaulit ko sa kaniya.

"Read and review this notes, so you can answer if ever we'll have recitations and quizzes."

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Ito ang unang pagkakataon na may gagawa nang ganito sa akin. Growing up, I always depend on myself, because who else I can rely on? No one, but me.

Hindi agad ako nakapagsalita.

"Totoo ka ba talaga? Alam mo feeling ko gawa-gawa lang kita."

His pearl white teeth make its appearance as he laugh about what I said. Once it died down he look at me soulfully. "I'm hundred percent, I'd give my two hundred even just to let you know I'm legit serious about this. I know what I feel and can identify it. I like you."

Cruel SummerWhere stories live. Discover now