CHAPTER 3

5 1 0
                                    

thank you for waiting, hope you enjoy!

Chapter 3: Metaphoric.

Iyon ang huli kong naalala bago nagising sa sikat ng pang- alas sieteng araw.

Oh thank god it's friday yesterday.

Marahan kong inangat ang sarili paupo sa kama. Masakit ang ulo at pupungas-pungas pa.

Nilibot ko ang paningin sa loob ng kwarto. Malinis iyon, ang naghahalong kulay ng itim, puti at gray na mga furniture at fixture ay humihiyaw na lalaki ang may-ari no'n.

Lumaki ang mata ko at napanganga. Lalaki!? What?

Nagmadali ako sa pagtayo at muntikan pang mahulog sa kama sa mga naalalang pangyayari sa nagdaang gabi.

Lumingon ako sa bintana, bukas ang kurtina noon at hindi pamilyar sa akin ang tanawin.

Ano ba naman ang ginawa ko! Mayayari ako nito sa bahay. Hindi ko man lang nagawang ipaalam na hindi ako makakauwi kagabi.

Saan na ba kasi si Chaster at hindi man lamang ako ginising ng mas maaga.

Napangiwi ako. Napaka- ungrateful mo naman Ruesche Madeleine! Tinulungan ka na nga no'ng tao!

Nagmamadali kong binuksan ang pinto ng kwarto. Inilibot ko ang paningin sa pasilyong unang bumungad.

Maaliwalas ang buong paligid at malinis. Ang puting tiles ay nakahihiyang apakan sa linis.

May hiya pa pala ako? Piping tanong ko para sa sarili.

Ang kaharap na pinto at dalawang sumunod ay naging indikasyon sa akin na malaki ang bahay para magkasya ang apat na kwarto.

Base sa kwartong nilabasan ko ay malaki rin marahil ang iba.

"Chaster?" Tawag ko sa paos at maliit na boses.

Wala akong nakuhang tugon kung hindi ang maliliit na kalampag ng gamit na sa tingin ko ay sa kusina nagmula.

Dahan -dahan ang bawat hakbang na ginawa ng nakayapak kong mga paa.

"Chaster?" Tulad ng naunang tawag ay wala akong nakuhang sagot.

Napatalon ako sa gulat ng biglang humarang sa daan ko ang isang chowchow. Maliit pa iyon, mabalbon at ikinakaway ang maliit na buntot.

I giggled excitedly and so as the puppy, he also barked excitedly. The wiggled his little tail bago ako inikutan.

Yumuko ako at hinaplos siya. "Hi, baby, what's your name?"

Lalong kumuwag ang mga buntot nito. He barked.

"Silly me, as if naman masasagot mo ang tanong ko."

Binuhat ko ito at isinama sa pagtayo. "You're so cute." Sabi ko at patuloy na hinaplos ang balahibo niya.

Kasama ang aso ay sinundan ko ang pinamumulan ng maliit na ingay. "Do you know where is Chaster, baby?" Patuloy na kausap ko sa maliit na tuta.

Binaba ko siya, in hope that he will lead me to his master.

"Hi! Good morning!" Bati ko. Nadatnan ko siya sa kusina na naghahanda ng breakfast.

Tumango lang siya at pinagpatuloy ang ginagawa. Hindi man lang ako hinarap.

"What happened to you? You are noisy last night, what happened now?"

"Please, it's early in the morning, Fernandez."

"Anong early? Tanghali na kaya!" Sabi ko at namewang sa kaniya.

"Can you shut your mouth even just a minute? Kapag tulog ka lang yata tahimik."

Cruel SummerWhere stories live. Discover now