CHAPTER 2

8 1 0
                                    


I

sang jeans, black graphic t-shirt at combat boots ang napili kong suotin ng gabing iyon. Sandali lang din naman ako dahil hindi ako pwedeng gabihin.

Mahigpit kasi ang mga magulang ko pagdating sa mga ganitong bagay.

Nanlamig pa ang mga kamay ko ng kapkapan ng bouncer nang dumaan kami doon. All of my other teammates have lied flawlessly about their age and so did I.

"Relax, Rum!" Dinig kong tawa ng isa nang masilip ang ekspresiyon ko.

"First time ko kaya!" Sambit ko at sumabay sa pagtawa niya.

"Talaga ba? Sa galing mong mang-asar tungkol sa mga mature na gawain ay hindi ako naniniwalang first time!"

"First time ko nga!" Giit ko na tinawanan niya.

Hinawakan niya ang kamay ko bago ako hinila patungo sa iba pa naming kasama.

Inilibot ko ang tingin sa buong paligid. Siguro ay maaga pa nga ang punta namin dahil wala pang masyadong tao.

"France!" Tili ng mga nasa lamesa matapos makita ang kasama ko.

Buong galak akong pinakilala ni France sa grupo. Gusto ko sanang tandaan ang bawat pangalan nila ay marami sila upang kayanin ko.

I'm bad with names.

Tumaas yata lahat ng kayang tumaas sa akin nang makarinig ako nang malamig na boses mula sa stage ng bar.

Nanlaki ang mata ko matapos maaninag ang pamilyar na buhok at hulma ng katawan na kumakanta roon.

In his denim jacket and a muscle tee under it, Chaster dominate the stage with his cold voice.

Lumayo siya sa microphone stand para sa simula ng first verse ng kanta at naghanda sa pamamagitan ng pagtikhim. He licked his lips and put a smirk on it when his bandmate– I think– says something funny.

Got to change my answering machine,

Now that I'm alone, 'cause right now it

says that we can't come to the phone

"Holy shit..."

Hindi lang ata ako ang napalingon sa kanila nang magsimula ang kanta. Ang malamyos niyang boses ay parang dinuduyan ang makaririnig noon.

"Marunong pala siyang kumanta." Usal ko sa hindi makapaniwalang tono.

"Kilala mo?" Tanong ng lalaki na isa sa mga kasama namin sa upuan.

"Classmate..." Sambit ko at muling nabaling ang tingin sa entablado.

Napaupo ako sa bakante ng couch, nakatayo na ang iba at buong hanga na nakatunghay sa stage.

Kinuha ko ang isang inumin na nakahanda na sa mesa at mabilis na tinungga iyon.

"Classmate? Bakit anong year mo na ba?"

"I'm on my last year of senior high school." I said.

Tama nga at napunan ng mainit na hagod nito ang kung ano mang nararamdaman ko. Naisandal ko nag likod sa couch ng magbago tono ng gitara't drums.

Ramdam ko ang paglapit ng kausap. Tumawa ito at idinikit ang braso sa akin.

"Oh? Highschool ka pa lang?"

Tumango ako. "Oo."

"Hindi halata!" Tumawa siya at mas lalong lumapit sa akin. "Sa tangkad mo at itsura, hindi halatang highschool ka lang!"

Peke akong natawa at inilayo ang sarili mula sa kaniya. Hindi na ako nagiging komportable sa lapit at pang-uusisa niya.

"Ilang taon ka na nga pala?" He asked not clearly seeing the hint I am giving him.

Cruel SummerWhere stories live. Discover now