CHAPTER 19: MINERAL WATER

9 1 0
                                    


3RD PERSON POV

"Kahit anong gawin ko nakasunod parin siya sakin. Gusto ko sanang mauna sa audition at kailangan pang suotin ang weirdong uniform namin. Tss!" mabilis ang paglalakad ni Jenny at ngingiti-ngiti si Twinkle habang sinusundan siya.

"Alam mo ba Jenny. Ganito ang ginagawa ng magkaibigan. Palaging magkasama."

"Sinusundan mo lang kasi ako palagi." iritadong sabi ni Jenny at lalo pang binilisan ang paglalakad niya papunta sa Box Entertainment building.

Hindi maiwasang mapatingin sa kanila ang mga tao dahil sa suot nila. E 'di sila na ang sikat!

"Jenny, maglalakad lang ba tayo?" aba! nagrereklamo ka Twinkle.

"Kung ayaw mong maglakad. Sumakay ka nalang ng taxi."

"Hehe. Mas okay na 'to. Deretcho exercise." sabay jogging na nakasunod kay Jenny.

"Kahit kailang okay lang sa kanya ang lahat. Napaka positibo niya. Nasa panahon ako ngayon ng pagtitipid at kailangan ko talaga ng pera para sa tuition ng kapatid ko at ang tatlong buwan na hindi pagbayad sa renta. Nakakainis naman!"

"JENNY!" napahinto si Twinkle at hinablot ang braso niya. "Kain muna tayo ng ice cream."

Sa bilis ng pangyayari ay hindi na pumalag si Jenny dahil nakaupo na siya sa upuan. "Huwag kang mag-alala libre ko." at pumunta na siya sa counter.

Pagkadating ni Twinkle dala ang ice cream.

"Akala ko ba ililibre mo ako. Bakit isa lang ang binili mo?"

Inilapag ni Twinkle sa gitna ng lamesa ang ice cream at nginitian lang si Jenny. "Ang magkaibigan ay nagshe-share ng ice cream." sabay abot ng plastic na kutsara.

Hindi makapaniwala si Jenny kung ano mang mayroon si Twinkle. Siguro naiinggit siya sa pagiging confident at may kakayahan siya na pagaanin ang loob ng mga tao kahit sa kabila ng pagkagalit niya kay Gino.

Lalong lumapad ang ngiti ni Twinkle ng tanggapin ni Jenny ang kutsara.

"Isang subo lang ang kakainin ko."

Tuwang-tuwa na pinagmasdan ni Twinkle si Jenny habang kumukuha ng ice cream at maingat na sinubo ito. Siya naman ang sumunod na kumuha ng ice cream.

"Hindi ba weird na tignan na isang ice cream na pagsasaluhan  namin? Ibang klase talaga siya."

★★★★★

Pagdating nila sa audition area ay mainit na ang tingin sa kanila ng mga tao sa loob. E sino ba ang hindi mapapatingin sa suot nila na parang maglilinis lang ng kwarto at mukhang mga janitor.

"Bakit ngayon pa ang oras ng paglilinis? Dapat nagawa na nila yan kaganina pa." reklamo ng isang babae sa gilid.

"Escuse me.."

May tatlong babae ang sumalubong sa kanila at nanlaki ang mga mata ni Jenny ng makilala ang babae na nasa gitna.

"Tiffany?"

"I know you.." sabay turo kay Jenny ng babae na nagngangalan na Tiffany. Matangkad, golden brown ang kuloy at mahaba niyang buhok. Makinis at maputi ang balat. Maganda rin ang mukha. "Jenny Lee, right?" sabay taas ng isang kilay.

Sinamaan lang ng tingin ni Jenny si Tiffany. "Hinding-hindi ko makakalimutan ang pagmumukhang yan!"

FLASHBACK

SKIPBEAT (SUPERSTAR series: BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon