Malapad ang ngiti ni Supervisor Zhen ng nakaharap silang dalawa ni Twinkle sa malaking pintuan ni President. Nang bumukas ang pintuan agad silang pumasok pero napahinto at parehong namilog ang kanilang mga mata. Aba! E sino nga naman bang magugulat kung ang couch, lamp shade at lamesa ay gumagalaw palibot sa iyo.
Halos mailuwa na ni Twinkle ang kanyang mga mata sa pagkagulat ng mapaupo silang pareho sa couch. Pareho silang nakangaga.
("Ang galing naman.....") hindi maiwasang mapahanga si Twinkle at napatanto niya na nandito sila ni Supervisor Zhen ay para pagkasunduan ang LOVE ME SECTION. Itinikom niya ang kanyang bibig at umayos ng upo. Tumingin siya ng deritso kay President na naka-upo sa king chair kuno at nakasuot ng puting Roman suit.
Nang papalapit ng papalapit sila kay President hindi pa rin humihinto ang couch kaya napakurap si Twinkle at napanganga dahil baka sila magbungguan at bago pa man mangyari iyon napindot ng palihim ni President sa remote ang STOP.
"Masyado naman pong malapit Mr. President?" tanong ni Twinkle
"Gusto ko kasing makita sa malapitan ang mukha mo." aiszt! Nagpapalusot pa e hindi mo lang naagapan agad ang STOP. May pinindot ulit siya palihim at napa-kunot na ang noo ng dalawa ng umatras ang couch at nasa harap na nila ang isang lamesa. Dito na maayos ang set up.
"Pwede na po ba magsimula na tayo Mr. President." tanong ni Supervisor Zhen. Tumango lang ito. Napatingin siya kay Twinkle na seryoso na nakatingin at nakangiti ng nakakaloko sa President.
"LOVE ME SECTION ay para sa isang katulad mo na may tinatagong galing sa paglikha ng isang sining Twinkle." napatango si Twinkle at nag thumbs up pa. "Ang score ay pagbabasihan kung ano at tama mong ginagawa sa taong tinutulungan mo. Kapag ikay nagkaroon ng mlaking score ikay ay magkakaroon ng isang propesyonal na pwesto sa industriya ng showbiz." umayos ng upo ang President. ''Love Me section is now open.''
*****
''HAAAAA???!!!'' pasigaw ni Twinkle kay sa pagmumukha ni Supervisor Zhen kaya napahilamos ito ng palad sa kanyang kulubot na mukha ng maramdaman yata ang laway na tumalsik mula sa bunganga nito. ''I-iyan susuotin ko? I-iyang pink na uniform? E hindi naman ako janitor? Superstar niyo ako at kailangan ko ng magandang uniform.'' pagmamatigas ni Twinkle.
Napabuntong hininga nalang si Supervisor Zhen at napayuko. ''Twinkle, alam mo ba kapag sinuot mo ito.'' at iniangat niya ang hawak niyang uniform sa harap nito. ''Magiging sikat ka rito sa LME. Lahat sila pagtitinginan ka. Pag-uusapan ka...''
Napanganga si Twinkle sa sinabi naman ni Supervisor Zhen. Pareho silang napatingala sa kisame na parang pareho silang nag-iimagination at nangangarap. Pero bigla nalang pumutok ang ulap na nasa itaas ng ulo nila.
''Supervisor Zhen, akin na po yan.'' ngumiti ng nakakalako si Twinkle at inilahad ang magkabilaang palad nito.
Napangiti naman si Supervisor Zhen at ibinigay ang uniform kay Twinkle.
******
Dali-daling lumabas si Twinkle sa dressing room at humarap sa malaking salamin. Inayos ang kanyang sarili at ngumiti siya sa salamin. Siguro sa tuwa ng kanyang nararamdaman dahil sa kabila ng kanyang pagsisikap sa pagpasok ng LME.
''AI WO BA BO?'' napakunot nalang ang noo niya ng matapos niya iyong banggitin. ''Parang mas magandang bigyan ng timpla ang ai wo ba bo.'' humugot siya ng malalim ng hininga at someryoso sa pagharap sa salamin.
''Ai.'' at inilagay ang magkabilang kamay sa taas ng kanyang ulo na parang nakahugis puso.
''Wo.'' napakunot noo ulit siya ng hindi niya na ulit alam kung ano ang susunod niyang gagawin.
''Wo?'' napatingin siya sa hinlalaki niya sa kanang kamay at na parang thumbs up at itinutok sa kanyang puso sa dibdib.
''Wo Ba.'' at hinalikan niya ang kanang palad niya.
''B-bo!'' alinlangang ininat niya ang braso niya at kumurte ng pa-L ang kanyang hintuturo at hinlalaki.
''Ai Wo Ba Bo!'' ulit niya at shimpre di mawawala ang action niya. ''Ai Wo Ba Bo! Ai Wo Ba Bo!'' pauli-ulit ulit niya at natutuwa sa kanyang sarili sa salamin.
TWINKLE POV
Ang simula ng trabaho ko ay tagatanggal ng bubble gum sa sahig. (''-_-) ganito ba nila ako tinuturing superstar? Pero ok na ito. Gino Park! Malapit ka ng mapisa!
May nakita akong bubble gum sa sahig. Agad akong lumapit ron at umupo. Sinimulan ko na siyang kudkurin gamit ang pangkodkod. Pero! Urgh! Inuubos ang pasinsya ko nito. Ayaw magpatanggal! ''Matanggal kana... Urgh!''
''Talagang palaging mataas ang rating natin kaysa sa mga ibang network....'' patay! Bawal sila dumaan rito. Madulas ang daan. Kakalinis ko palang. Nag-bunot talaga ako at pinatingkad ko ang sahig. Hluh!
''HUWAG POOO!!!'' sigaw ko sa kanila. Mga anim yata sila. Napalingon sila sa akin habang silay naglalakad. Umiling ako para suminyas na huwag sila tumulo pero napakunot noo lang sila.
Nanlaki ang mga mata ko at napakagat sa mga daliri ko ng namilog ang mga mata nila at...
''AHHHHHHHHHH!!!'' sigaw nilang lahat. Madulas nga ang sahig. Ayon nagtalsikan ang mga hawak nilang papel at natumba sila sa sahig. Lagot!
Napahampas ako sa sahig. Alam ko na ang mangyayari sa susunod. ''May -10 na ako. Huhu...''
******
Halos sumayad na ang nguso ko sa sahig habang tinititigan ang -10 ko sa small notebook ko. ''-10? Kailan kaya ako makakakuha ng +10?''
''Diba yang uniform na suot niya ay para sa Love Me section?'' rinig ko habang kamiy magkakasalubong sa daan.
''Oo. Haha! Ang pangit ng uniform niya pink? Para siyang janitor o astronot. Haha!'' nag-init ang tainga ko sa sinabi ng isa. Napatingin ako sa dalawang babae. Empleyado pala sila rito sa LME.
Lumapit ako sa kanila. Hindi nakakatawa ang Love Me section. Kailangan gamitin ko na ang power ko. ''Ako po ay kabilang sa! AI(inilagay ko ang magkabilang kamay ko sa ulo na korting heart) WO(thumbs up sa kanang kamay na nakatutok sa dibdib) BA(halik sa palad) BO(ininat ang kanang kamay at kinorting L ang daliri) Section.''
(A/N: gawin niyo yong AI WO BA Bo! Dali! Siguradong pag nakita nyo na yon sa TV. Mapapagaya kayo. Isa iyan sa mga nagustuhan ko sa SKIPBEAT. AI WO BA BO!)
Ngumiti ako sa kanila pero bigla silang lumayo sa akin na parang nandidiri pero ngumiti pa rin ako at kumaway. ''KAPAG NAGING SUPERSTAR AKO BIBIGYAN KO KAYO NG AUTOGRAPH!''
Nagpatuloy ako sa paglalakad pero napahinto ako ng marinig ko ang isang napakagandang tugtug mula sa piano. ''Ang ganda naman non...''
Sumilip ako. Naalala ko ang theater room na to. Dito ako nagsimula kaya pumasok na ako. Naaninaw ko ang isang Anghel na babae na nakaputing damit habang siya'y nagtutog ng piano sa stage.
Hindi ko maiwasang mapatulala at mapahanga sa kanya. Para talaga siyang anghel. Napakaganda niya. Ang kotis gatas na gatas ang kulay. Ang maikli niyang buhok na kulot ay bumabagay sa kanyang magandang mukha.
Habang pababa ako para makita siya sa malapitan lalo lang akong nabighani sa kanyang kagandahan. Anghel talaga siya.
Nang nasa baba na ako. Malungkot niyang tinapos ang huling pyesa sa piano. Napakalungkot ng mukha niya at tumingin sa aking ang kanyang anghel na mga mata. Napatayo siya.
Napanganga ako. Ang taas pala niya. Suot niya ang maiksing puting damit na parang isang prensisa ng mga Anghel. Humakbang siya papalapit sa akin at huminto sa harapan ko. Iniangat ko pa ang tingin ko para makita ang kanyang magandang mukha. Napaka-perpekto na yata niya.
''Siguro, member ka ng Love Me Section.'' aniya at nag cross arm.
----------------
A/n: ano kaya ang papel ng anghel na babae na sinasabi ni Twinkle? Hmnnn....
Tnx pala sa pag add nito and vote. :)
Ipapalabas nanpo siya bukas mga 5:15 pm.
Whatif1996
