THIRD PERSON
THIRD PERSON
Hindi maalis ang tingin ni Twinkle sa puting babae na naka-upo sa back seat. Nasa kotse po sila on the way sa shoting area.
''Hindi ba nangangawit ang mata mo sa kakatitig sa akin? Alam ko na maganda ako.'' bahagya niyang binaba ang sunglass niya para silipin si Twinkle at inayos ulit.
''Hehe, ang ganda po kasi ninyo.'' halata naman kay Twinkle na sobra niyang hinahangaan ang babae na si Eunice. Isa itong artista na gumagawa ng sariling pangalan sa industriya. Bata pa ito mga 21 pa ang edad, matangkad nasa 5'6'', gatas ang balat, maikli ang buhok pero wave ito at malakas ang dating sa mga mata ng tao at isa na si Twinkle ang napahanga niya sa kanyang alindog.
''Hmmnn... Ms. Pia, ano po sekreto ni Ms. Eunice sa kanyang balat?'' hindi maiwasang mapatanong si Twinkle kay Pia ang manager ni Eunice.
''Hindi lang iyan nagpapasikat sa araw kaya maganda kotis niya.'' paliwanag naman nito habang nakatoon sa mga papel na binabasa.
''Ahh... Alergy po pala siya sa ultraviolet. Ms. Eunice!'' lumingon siya sa likod. ''Ako bahala po sa inyo. Pro-protektahan ko po kaya sa araw.'' ngiting labas ngipin si Twinkle pero hindi siya pinansin ni Eunice dahil busy sa paglalaro sa Iphone niya.
Napahinto bigla ang kotse.
''Ano ang nangyari manong?'' tanong ni Pia sa driver.
''E, ma'am mukhang flat na po kasi ang gulong dahil mabato po kasi ang dinadaanan natin.'' kamoy ulo na sagot ni manong.
''What?! E, medyo malapit na tayo sa shoting area. Magagalit nito si derek.'' pagkakadismaya ni Pia.
''We need to go outside at gumawa ka ng paraan Ms. Pia.'' aniya ni Eunice at lumabas sa kotse.
''Ah.. E-e, Ms. Eunice bawal ka sa araw!'' natarantang lumabas si Twinkle at sinundan si Eunice para sumilong sa puno. Walang kabahayan sa paligid dahil kabundukan lang.
''Pwede bang paki-kuha ng mauupuan kay manong at payong.'' utos niya kay Twinkle.
''Hehe, opo.'' agad namang itong lumapit kay manong at bumalik na may dala ng malaking payong at upuan. ''Ito na po.'' inilapag ni Twinkle ang upuan at pinayungan pa si Eunice.
Parang wala lang pakialam si Eunice sa paligid niya. Naka-cross legs at arms pa kung maka-upo sa upuan na parang walang problema.
(''Kahit naka-upo lang siya. Isa pa rin siyang anghel na pinababa sa lupa.'') bulong sa isip ni Twinkle.
''Eunice, pwede ka bang maglakad. Total malapit lang dito ang shoting area natin. Ikaw nalang daw ang inihintay ng lahat.'' aniya ni Pia ng lapitan niya si Eunice.
''Ayuko, mainit.'' pagmamatigas nito.
''Eunice...''
''Sasamahan po kita Ms. Eunice papunta sa shoting area. May payong naman po na malaki.'' aniya ni Twinkle. Pero tiningnan lang siya ni Eunice. ''Kayo nalang po ang hinihintay nila.''
Bahagyang napa-isip si Eunice. ''Ok, ill go with you.'' tumayo na ito at napangiti ng sobra si Twinkle. ''Lets go.''
Sumunod naman ito agad at itong pinayungan. ''Shortcut ba to, Ms. Eunice?''
''Yap.'' matipid na sagot nito.
Tahimik silang naglalakad sa damuhan. Hanggang sa..
''Ouch!'' napasigaw sa sakit si Eunice.
''A-ano po ang nangyari sa inyo Ms. Eunice?'' nataranta naman itong si Twinkle.
''Masakit na ang paa ko sa kakalakad. Ouch....''
