TWINKLE POV
Sa tuwing makikita kita. Kumukulo dugo ko! Lahat ginawa ko para masoportahan kita sa pangarap mo. Hindi na nga ako nakapag college para lang magtrabaho at matulog ng limang oras lang. Halos lahat na ng trabaho napasukan ko para lang makapera tayong dalawa dahil alam kong isa kang anak ng nagpalaki sakin. Pinangako ko sa kanila na aalagaan kita ng mabuti pero WALA KANG UTANG NA LOOB!
"Isuot mo na yang ulo mo. Malapit ka ng pumasok sa eksina." bulong sakin ng staff at agad kong sinuot ang ulo ng manok. Hindi naman niya yata ako makikilala at humanda ka sa pasabog ko at sisiguraduhin kong mapapahiya ka!
"Ready na ba kayo?" tanong ng host sa mga audience na naghihiyawan para sa question and answer.
Wuhaha! Ipapahiya ko yang ini-idolo niyo!
"Chicken! Pasok!" naku.. tinatawag na ako.
Pumasok na ako at rinig ko ang pagpalakpakan nila at hiyawan. Ikini-kembot-kembot ko ang pwet ko at tumalo-talon para maaliw naman sila. Para lang nasa children party ako. Naging trabaho ko na dati na maging payaso at mag mascot.
"Handa ka na ba Gino?" tanong ng host sa katabi kong Gino. Katabi ko na siya ngayon at sana ay nabogbog ko na ito pero maraming nakatotok na camera. Baka sugurin ako ng mga fans niya wala pa namang gate sila Kelly.
"Handang-handa na!" aba! Ang lakas ng energy. Hmp! Tingnan natin mamaya. Hehe.
"Bumunot ka na."
Lalo siyang lumapit sakin at nakikita ko ang mukha niya. Naku! Bakit nanginginig ang kamay ko? Kinakabahan ako.
Bumunot siya ng isa at tiningnan niya ako. Parang gusto ko ng tumakbo. Baka makilala niya ako! Tumalon-talon ako at inalis na niya ang mga mata sakin. Whoa!
"Ito na." pagkabukas ng maliit na papel ng host. "Kailangan mong ubusin ang limang piraso ng strawberry jelly sa loob ng 30 segundo."
Wahaha! Ano ka ngayon Gino. Nabigla ka noh. Hindi siya mapakapaniwala at lumaki lalo ang mata niya. Hehe.. Ako ang gumawa ng dare na yan. Wuhahaha!
Kinuha ko agad ang hinanda kong strawberry jelly.
"Gamit lang ang bibig." dugtong pa ng host at muntik ng lumuwa ang mata ni Gino. Ito na ang paghihiganti!
Tumingin-tingin pa siya sa camera at ngumiti lang ng plastic.
"Are you ready?"
"Ready!" aba! Full compident ka pa ha.
"In
5
4
3
2
1
Go!"
Sa una nag-alinlangan siya at naghiyawan ang mga audience. Bakit parang ang saya-saya pa nila? Dapat nadismaya sila!
Sinimulan niyang hinigop ang isang piraso at nagsunod-sunod na. Nagpalakpakan pa sila. Nakakainis! Dapat ikinahihiya nila ang idolo nila na napaka weirdo! Babawi nalang ako sa susunod. Hehe.
"Facts about Gino Park." nagulat siya sa sinabi ng Host. Siguro... Alam na niya ang susunod na sasabihin nito. Isinulat ko rin ang.. "He loved strawberry foods."
"PABORITO RIN NAMIN ANG STRAWBERRY!" sigawan pa ng mga audience. Ano ba ito ang ginagawa ko? Dapat sinisiraan ko siya. Bumaliktad!
"Its true." at natawa pa siya.
"Wow! Napaka unique naman non." komento pa ng host. Naiirita na ako.
"The truth is. I wanted to make an advertisment for strawberry jelly." bakit napakakalmado lang niya.
