CHAPTER 16: NEW MEMBER

30 1 0
                                    

3rd Person POV

Biglang napabangon si Twinkle. "ARAYYY!" nakalimutan niya na may pilay pala siya sa paa.

"Gising ka na pala Twinkle."

Hindi alam ni Twinkle na nasa van na siya kasama si Ms. Pia at si Eunice.

"Hindi pa tapos ang pagiging artista ko." napanguso nalang si Twinkle. Nakatulog pala siya at nagising na papauwi na pala sila.

"Huwag kang mag-alala. Tinapos na ni Eunice." nginitian siya ni Ms. Pia. "Alam mo ang galing mo kaganina."

Lumapad naman ang ngiti ni Twinkle sa papuri na narinig.

"Talaga?! Hehehe!"

"Oh.." napalingon si Twinkle kay Eunice na katabi lang niya sa backseat. May inabot sa kanya na small notebook. "Thank you for everything." she said without looking at her. Dahil alam niyang napahiya siya sa paghamon kay Twinkle.

Agad binuksan niya ang small notebook at nanlaki ang kanyang mga mata. "10 points?" pumikit-pikit pa siya. "Totoo nga! Yeahey! May 10 points na ako!" napatalon sa tuwa si Twinkle at hindi niya namalayan na may bubong at nauntog siya. "Aray.." napahimas nalang siya sa bukol sa ulo niya.

Palihim na napangiti si Eunice sa pagiging childish ni Twinkle at si Ms. Pia at ang driver ay natawa nalang. Siguro natuto na siya sa buhay.

Huminto ang kotse sa harap ng isang ingranding hotel. Hindi maiwasang mapanganga at mapalula sa taas ng gusali si Twinkle. Ngayon lang siya makakapasok rito. Kasalanan ito ni Gino Park! Kung hindi siya inuulila nito at sa batang edad na nagbabanat ng buto para lang sa mga gastusin niya. Ang kawawang Twinkle Choi.

Bawat taong nakakasalubong ni Twinkle. "Hello!" panay ang bati niya kahit paika-ika siya at nakasaklay. Lahat nalang ay napapangiti sa pagiging positive niya na

isa sa mga kinahahangaan ni Eunice.

Nakarating sila sa isang kwarto kung saan may nangyayaring pictorial. Kung saan may mga nahuhulog na mga pink rose petal at ang background ay isang lawa. May bench pa ito.Naiwan siya sa tabi ng bench dahil kailangan ng ayusan si Eunice para sa photoshoot.

"Ikaw ba si Twinkle?" lumapit sa kanya ang photographer at nakangiting tumango si Twinkle.

"Kilala niya ako? Sikat na agad ako! Hehe!"

"Im Jason Pranco. Ang photographer. Sakto naka kimuno ka at nakaayos pa ang buhok mo."

"Hindi ko po pinatanggal make-up ko kasi first time ko po inayusan nga ganito. Sana kung pwede hindi nalang maligo para hindi mabura. Hehe."

"Ahh.." natuwa si Jason sa pagiging palangiti ni Twinkle. "Kukuhanan kita ng litrato. Umupo ka sa bench."

"Talaga? Sige! Sige po!" inalalayan siya na umupo at tinabi ang saklay niya.

"Rez! Ang payong!" ilang sandali palang inabot na ang payong na japanese traditional umbrella kay Twinkle. "Ipayong mo yan.." sinunod naman ang utos niya kahit sabihing mong ngumiti ka ay hindi na kailangan. "Good.." nagsimula naman sa pagkuha ng litrato si Jason at tuwang-tuwa naman si Twinkle. "Look up....Good.."

"Hmnn.. Escuse me." napatigil si Jason ng lumapit sa kanya si Manager Kim ang manager ni Francis Kang. May ibinulong siya sa photographer at natawa ito at tumango.

"Manager Kim!" sabay kaway ni Twinkle at nilapitan siya nito.

"Gusto mo bang magdinner?"

SKIPBEAT (SUPERSTAR series: BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon