CHAPTER 4: FIRST STEP

558 15 3
                                    

KELLY POV 

''KELLYYY!!!'' 

BOOGGGSSSHHH!! 

''Put*!!'' kainis! Nahulog tuloy ako sa sahig. Ang sarap ng tulog ng tao e. 

''KELLY! BUKSAN MO ANG PINTO!!'' 

Sino ba yon? Ang aga-aga nangbubulabog na ng mga tulog. 

Bumaba na ako agad parabuksan ang pinto. ''Ano ba problema mo?!'' ayan napasigaw rin ako. 

''Kelly...'' anong ginagawa rito ni Twinkle? Ang aga naman niyang pumasok. 

''Ang aga mo naman pumasok?'' ako 

''Ehhh...'' anong nangyari sa babaing to? Ngayon lang nahiya. Dati kapal moks to e. Sama ko noh. Pero kaibigan ko pa rin yan. ''Kasi.. Kelly, wala na akong matitirhan.'' hindi siya makatingin sa akin ng maayos. Siguro may problema to. 

''Oh! Twinkle, di ba mamaya pa ang pasok mo? Ang aga mo naman.'' singit naman ni Mama. Nakikitsismis rin pala ito. ''Pumasok ka muna malamig diyan sa labas. Kelly, pagtimpla mo kami ng kape.'' eee.. Ano ba iyan e. Gusto ko pa matulog. 

''O sige na nga.'' inis kong sabi. ''Twinkle, pumasok ka at sabihin mo kung bakit lumayas ka na sa condo mo?'' 

''Ah, oo.'' talagang si Twinkle di ko maintindihan. Nakaya niyang mag rent ng mamahaling condo. 24/7 kung magtrabaho e walang time sa pag-aaral at hindi ekinekwento ang personal life niya. Ang daming sekreto nito. 

Ito na sa iisang table kaming apat. Nagkakape habang si Twinkle nakayuko ang ulo na parang ewan. 

''Bakit ka umalis sa condo mo?'' sabi ni Mama. Siguro naguguluhan rin siya kay Twinkle. 

''G-gusto ko po kasing...'' sabay tingin sa aming tatlo. ''su-superstar.'' waaaaaaaaaa!!!! Ang imposible naman ng gusto niya. Gusto niyang mag superstar? Biglaan naman. Napatingin ako kay Mama at Papa. Hahahahaha! Nakakatawa ang reaksyon nila. Nanlaki ang mga mata at nakabaksak ang panga. Hahahaha! Napatingin ulit ako kay Twinkle. Nakakatawa talaga tong babaing to. ''B-Bakit?'' 

''HAHAHAHAHAHAHAHAHA! XD Ang ganda ng joke mo!'' di ko na tuloy mapigilan. Hahaha! 

''Huh? Kelly, hindi ako nagbibiro. Kasi ganito ang nangyari.'' umayos muna siya ng upo at parang napaseryoso kaming tatlo sa sinabi niya. ''Si Gino Park yo-yong kasama ko sa condo pe-pero wala kaming relasyon. Kaibigan ko lang siya simula pagkabata. Siya ang dahilan kung bakit trabaho ako ng trabaho. Halos sinakripisyo ko na lahat para lang matulungan siya bago pa siya sumikat. Pero....'' 

''Sige, ituloy mo.'' ano ba iyan nagkwekwento na nga lang binibitin pa. 

''WALANG HIYANG LALAKING YON!!'' nako!! Lagot nagalit. Nag-aapoy yong mata niya. ''PINAGSABIHAN NIYA AKONG BUMPKIN GIRL. SABI NIYA WALA AKONG KWENTA, SUNOD-SUNORAN, BALIW, HINDI SEXY, PANGET DAW AKO!'' tumayo siya bigla. Hluh! ''SABI NIYA PUMASOK DAW AKO SA SHOWBIZ PARA MABAWI NIYA ANG PINAGSASABI NIYA. KAPAG NAKAPASOK AKO HUHUGUTIN KO SIYA PABABA! TITIRISIN KO SIYA NA PARANG KOTO! (talagang umaksyon pa sa pagtiris. Hluh! Nakakatakot rin pala to!) TATAPAK-TAPAKAN KO SIYA NA PARANG IPIS! IIHAW- 

''Twinkle... Tsk! Tsk!'' napatingin ako kay Papa na naka cross arm at seryosong nakatingin kay Twinkle. ''Mali iyang naiisip mo. Lumaban ka ng maayos. Kung sinabi niyang pumasok ka sa showbiz. Pumasok ka! Para maisip niya na hindi ka talonan. Kailangan FIGHTING!'' napatayo narin si Papa. AiszT! Talaga magka vibes itong dalawa na to. 

''Opo! FIGHTING!'' si Twinkle. Sila pa ang mas close e. 

''Umupo nga kayo.'' saway naman ni Mama. Umupo naman ang dalawa. ''Seryoso ka ba diyan sa desisyon mo, Twinkle?'' 

''Opo, Mama. Di ba walang imposible kung gagawin mo.'' -Twinkle. 

Napabuntong hininga nalang si Mama. ''O sige, dito ka muna tumira. Pero, magtratrabaho ka pa rin dito sa resto. Kapag naging superstar ka na. Huwag ka ng magtrabaho rito. Malinaw?'' 

''Opo! Opo! Malinaw. ^_^''

TWINKLE POV 

Ito na ang simula nang paghihiganti ko sa Kutong lupang yon. Buahahahaha!! 

''Magkano po itong sandal?'' tanong ko sa sales lady. Di ba papasok ako sa showbiz kailangan pormal ang suot ko. Para maatrack sa akin ang mga tao. Hehehe! Para mapadali ang pagpisa ko sa kanya. 

''10,899.00 pessos, Ma'am'' 

''*O* waaaaahhhh!!! Ang mahal naman. Pwede bang tawaran?'' nagbabakasakali lang na magpatawad ang GIBI SHOES hehehe! ''Sigena.. Please..'' puppy eye effect. 

''Ma'am, actualy naka reserved na p- 

Lumohod ako at hinawakan ang kamay niya. ''Sige, bibilhin ko na. Huwag mo namang ipa reserved sa iba. Superstar kaya ako.'' sabay tayo. ''Oo, magiging superstar ako.'' sabay pamiwang at tumingala. Talagang magiging superstar ako. Paninindigan ko iyan. 

''Sigurado po kayo diyan?'' -sales lady. Nakakainsulto to ah. 

''Ibigay mo na yang sandal na iyan.'' binigyan ko siya ng matalim na tingin. 

''O-o sige po.'' oh! Papayag rin pala e. Yong sandal na binili ko wedge siya may 5 inches ang taas. Kulay black at may design na parang patulis na bakal. Pang ROCK N' ROLL no ang dating. 

Nandito na ako sa counter at nilabas ko ang piggy bank ko hehe! ''Pwede ko bang dito ko basagin? ^_^'' as in dito ko talaga siya babasagin. Hahaha! Dito kasi lahat na naipon ko kahit papaano. 

Tumango nalang ang sales lady. ''Salamat ^_^''ako

CCRRRAAAAACCCKKKK!!! 

Iyan sinimulan ko nang magbilang. Pero ang daming barya piso-piso. ''Ate, pwede magpatulong?'' tanong ko na para siyang ewan na nakatingin sa akin. 

Tumango siya ulit. Hehehe! Ayon nagsimula na kaming magbilang. Simula sa tagpipi-so, tag-lilimang piso, tagsasampong piso, tagbabajenko, tagbebente, tagsisikwenta, tagiisang daan, tag dadalawang daan, tag lilimang daan at tagiisang libo. 

''10,896-10,897-10,898 at 10,899!!'' iyan hehehe! Natapos rin. 

Inabot na niya sa akin yong paper bag malamang nandon na ang sandal ko. ''Salamat!'' nag vow pa ako. 

Pagkatapos sa shoe shop. Punta ako sa beauty salon. Para ipagupit ko ang mahaba kong buhok na ilang years kong pinahaba. Pero disidido na akong ipaputol to. Para sa paghihiganti ko sa kutong lupang yon. ''KUTONG LUPA!!! NAGSISIMULA NA AKO!!! BUHAHAHAHA!!'' sigaw ko. 

O_o napahiya ako don ah. Ang daming nakatingin sa akin. Paano kasi sumigaw ako sa side walk. Nakakahiya naman. Hehehe! Kaya ito nakayokong naglalakad. 

''Anong gupit Ma'am?'' dito na ako sa salon nakaupo at nakaharap sa malaking salamin. ''Gusto niyo po nang layer o yong highlight?'' 

Teka.. Ano yon? Di ko yon alam ah. Ano bang gupit na bagay sa akin?? Hmmmnnn.. Parang gusto ko ng highlight. Kasi di ba ibigsabihin ng highlight. Mataas na liwanag. Kung ganon para siyan star. ''Gusto ko hightlight ^_^'' sana maganda ang kalalabasan nito. 

SKIPBEAT (SUPERSTAR series: BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon