CHAPTER 3: PAIN

600 17 5
                                    

 TWINKLE POV

''Dalawang ramen at dalawang coke medium.'' sabi ko sa counter. Ito trabaho ulit. Pero dito ako sa CHUA RESTAURANT dito talaga ako nagtratrabaho. Yong kahapon, hehehe' extra lang yon. Janitor lang naman ako don e. Mga 3:00 pa naman ang pasok ko don.

''Ito na, Twinkle.'' ay, nandito na pala. Iyan kasi e, pinapadaldal niyo ko.

''Salamat'' dumeretsyo na ako sa table #3. Ang cute nga ng dalawa e. Mag syota, dito nila pinili mag date. ''Masarap po ang ramen na ito. ^_^'' habang nilalapag ang dalawang bowl.

''Hehe, salamat po.'' yong boy. E si girl nahihiya pa. Hehehe, ang cute no. First date yata nila ito.

''Enjoy your food.'' tapos iniwan ko na sila. Baka maka estorbo pa ako.

''Twinkle, papunta naman sa mamahaling condo mo oh.'' napalingon ako kay Kelly. Yong kakambal ko sabi nila. E magkapareho kami ng style ng buhok na mahaba, nakapony tail at may side bangs hehehe. Siya rin ang kaisa-isang anak ng nagmamay ari ng restu na 'to. ''Bakit ba ayaw mong sabihin na kung saan ang condo mo?''

''Ah...'' e, doon nakatira si Gino. Paano na yan... Sasabihin ko na ba?

''Teka..'' hluh! Bigla nalang tumaas balahibo ko. Anong balak nito? ''May tinatago ka noh?''

''W-wala.'' ako

''Siguro, may boyfriend ka na noh. Tinatago mo siya sa condo mo. Aminin mo!''

''Wala.'' sabay nabusy-busyhan sa pag-ayos ng mga baso at pinggan. Para hindi niya mahalata na nagsisinungaling ako sa kanya. ''Ako lang talaga ang nakatira ron.''

''Sino tinatago mo? Model ba? Singer ba? Business man ba? Dancer ba? Artista ba?'' lalo pang lumapit sa akin si Kelly. Parang mangangatay na ng tao to pag hindi ko sinabi ang totoo. Grrruuuu..' katakot.

''KELLY! BILISAN MO MA LE-LATE KA NA!!'' sigaw ni Mama Helen. Opo pati po ako nakiki mama narin sa mama ni Kelly. Kapal ko no.

Nataranta bigla si Kelly. ''Oo nga pala. Ano ba yan!'' ayon lakad takbo na umalis. Nasa kolehiyo na siya. Buti pa siya no. Nakakapag-aral samantalang ako. Ito kayod kalabaw para mabayaran ang condo ni Gino.

''TWINKLE!! MARAMING KOSTOMER!!'' aghkltgdftyrt! Grabe, muntik na malaglag puso ko. Sa sigaw ni Mama Helen.

''Opo! Parating na po diyan!''

***************

''Green world restaurant po ay may discount bawat order.'' sabay abot ng mga papel sa mga dumadaan sa harapan ng restaurant. Ano kasi promo po iyan. Pag omorder ka at 500 ang amount ng bill mo e may 30% discount ka. Kaya punta po kayo rito sa greenworld restaurant. Hehehe!

''Ate, ang green world restaurant po ay may promo. Salamat po. ^_^'' ayon kinukuha naman nila ang papel na inaabot ko sa kanila. Pero impernes mainit. Ang taas ng sikat ng araw. Kahit hapon na. Pero kailangan maubos ang mga papel na ito.

''Alam niyo ba si Gino Park may concert sa Anderson Mall.'' t-tama ba narinig ko? Malapit lang yong mall na iyon dito. Hehehe. Pupuntahan ko siya mamaya pa. Kailangan muna maubos ang mga papel na ito. Lumapit ako sa tatlong babae na naguusap tungkol sa kay Gino.

''Hello girls, may promo ang restaurant namin.'' binigyan ko sila tag dadalawa at naubos na. YEAHEY! Pupunta na ako sa concert ni Gino. Excited na ako.

SKIPBEAT (SUPERSTAR series: BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon