CHAPTER 21: FRANCIS KANG

23 1 0
                                    

Handang-handa si Twinkle para sa mission niya na siya muna ang magiging manager ni Francis. Tatanggi pa ba siya?

"Ito ang sched ngayon ni Francis." may iniabot sa kanya ni Supervisor Zhen at kinuha niya ito.

"Hmnn.. Supervisor Zhen, nasaan po si Jenny?"

"May iniutos sa kanya ni President Lopez." napanguso nalang si Twinkle.

"Sayang.. gusto ko pa naman siyang pasalamatan na binigyan niya ako ng +10 points.."

May biglang pumasok sa kokote niya ng maalala na naglagay si Jenny ng sim # sa cellphone niya.

"E t-txt ko nalang siya."

★★★★★

Hindi mapakali si Twinkle sa loob ng van na katabi si FRANCIS KANG. Para siyang naiihi o natatae sa tabi nito. Samantalang ang katabi niya ay kalmado lang na nakatingin sa bintana suot ang sunglass. Naka gray suit siya at puting v neck panloob. Ternohan pa ng black pants at isang mamahaling relo na kumikinang.

"Totoo ba yang muscle niya?"

Tumutulo na ang laway ni Twinkle habang tinitigan ang bakat ng muscle nito sa braso. Ang sagot sa kanyang katanungan ay ang dahan-dahan niyang idinikit ang hintuturo sa braso nito.

"Hluh! Totoo nga!" ilang ulit niyang sinusundot ang braso nito dahil naaaliw sa matigas na muscle. "Hehe! Matigas." tuwang-tuwa pa siya.

"What are you doing?" kunot noong napatingin si Francis kay Twinkle. Agad naman siyang umayos ng upo at nagkunwaring nagtutulogtulugan.

"Patay! Patay! Bakit ko ba kasi ginawa yon?"

Hindi na lang ito pinansin ni Francis at ibinalik ang atensyon sa bintana. Malalim yata ang iniisip niya.

Base sa schedule ni Francis ay may fan signing siya sa isang mall. Huminto ang van sa tapat ng entrance ng mall at may mga fans na nagkakagulo at naghihiyawan sa labas.

Unang lumabas si Twinkle at sumunod si Francis.

"WE LOVE YOU FRANCIS KANG!!" sigaw ng isang grupo at may mga nagtilian sa paglabas nito. Lalo pang nagkagulo ng simula ng maglakad papunta sa entrance si Francis. Nahihirapan ang mga security guard sa dami ng mga fans kaya hindi na nila ito makontrol.

Halos maipit na ang dalawa sa pagtuloy ng pagdami ng mga tao at ang mga flash ng mga camera.

"Aray.." natapakan ang paa ni Twinkle habang siya ay nasa likod ni Francis.

"Are you okay?" tanong sa kanya ni Francis. Halos humihiwalay na ng distansya sa kanya si Twinkle. Agad niyang hinigit ang bewang nito at niyakap para protektahan sa mga taong nagkakagulo. Imbes na ang mission ni Twinkle ay ang protektahan si Francis ay naging baliktad ang pangyayari.

Namula ang pisnge niya sa kahihiyan habang yakap-yakap at inalalayan papunta sa loob.

Pagkatapos nila sa fan signing. Pumunta na sila sa shooting area. Halos nanigas si Twinkle sa buong biyahe habang inaalala niya ang nangyari kaganina.

*Tog* Tog* Tog*

"Bakit ang lakas ng tibok ng puso ko?" sabay hawak sa dibdib niya at huminga ng malalim.

"Balita ko papasok ka sa university." tanong sa kanya ni Francis habang mina make-up-an ito ng make up artist.

Tumango lang si Twinkle.

"Ito. Para sayo." may iniabot ito sa kanya na paper bag. Napakunot ang noo niya at nagtataka kung ano ang nasa loob niyan. "Mga libro yan para makapag study ka. Next week may entrance exam ang UT. You need to be ready."

SKIPBEAT (SUPERSTAR series: BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon