A/N
PASINGIT NAMAN..
SALAMAT SA MGA SILENT READERS NA UMABOT RIN SA 1000 READS..
__________________________________-
SUPERVISOR ZHEN POV
''Good morning, Honey.'' mmnnnn... Ang bango ng niluluto ni Honey ng mapadaan ako sa kusina. Ang sarap naman ng almusal.
Pumwesto na ako sa dining table namin at nagbasa muna ng dyaryo.
''Honey, papasok na ako sa trabaho. Tapos na ako mag almusal.'' e shimpre bago siya umalis hinalikan niya ako. ''Malapit na yong maluto.'' umalis na siya at ano ang ibigsabihin niyang malapit ng maluto?
''Honey?!'' tawag ko sa kanya bago pa siya lumabas.
''Bakit?'' lumapit ulit siya sa akin.
''Sino ang nagluluto?'' ako
''Sabi niya nag pa home service ka raw. Kaya salamat Honey ang sarap talaga ng pinaluto mo.'' tssuupp! Hehehe! Naka 2 points na ako. ''Sige bye.'' ayon umalis na siya at wala akong maalala kung nagpa home service ako.
''GOOD MORNING! SUPERVISOR ZHEN!!''
WAAAHHHHHHHHH!!! Pa-paano siya nakapasok sa bahay ko?? Mautak talaga itong babae na ito.
''Kain na po kayo ^_^''
Waahhhhhhh! Nabigla naman ako ng mapuno ng almusal ang lamesa. Ang bilis naman. Ano ba ang gagawin ko sa kanya.... Huhuhu...
''Di maaga po pasok niyo kaya damihan niyo po ang pagkain.'' umagang-umaga wagas ang ngiti.
''Lumayas ka nga! Babayaran ko na lang ang mga niluto mo.'' kinuha ko ang wallet ko sa bulsa at inabutan ko siya ng 1000 pessos.
''Kulang po yong bayad niyo.'' aba! Kumuha pa ng calculator saan ba iyang nakalagay yong mga gamit nito. ''American ham 679.99, Turkey's egg 1309.85, tapos... Yong.. Langgonisa 456.45...''
Wala akong masabi sa kanya. Tsk! Tsk! Binibilang talaga niya yong mga nagastos niya. Aiszt! ''Ibigsabihin ganyan rin ba ang niluto mo sa asawa ko?'' siguro dodoble ang bayad ko.. Urrggh!
''Opo! Inubos nga po niya lahat ng pagkain sa lamesa e. Masarap daw kasi ^_^'' talagang dinadaanan niya ako sa ngiti. ''Cow milk 289.89.... Hotdog 564.45...'' napindot-pindot na naman sa calculator. Talagang wala akong laban sa kanya.
''OO NA!'' napahinto siya sa pagtotot ng calculator at napatulala sa akin. ''Suko na ako. Payag na akong maging contestant ka ng talent audition sa LME.''
''THANK YOU SUPERVISOR ZHEN.'' hinawakan niya ang dalawa kong kamay habang kumikinang ang kanyang mga mata. ''Kain na po kayo.'' may kinuha siyang ham. ''Masarap po ito made in america. Hehehe' tapos inabot naman niya sa harapan ko. ''Ito itlog ng turkey.'' inabot niya ulit sa harapan ko. Hayyyyyyy...... (-_-)
------------------------------
TWINKLE POV
Saya! Saya! Nakuha na ako. Parang pwede na ako tumalon sa san juanico bridge. Pero tataposin ko muna ang mokong na yon.
''Application form para sa audition mo bukas. Kailangan mo ng 1x1 picture para diyan at huwag mong ipagkalat na tumatanggap pa ako kasi mapilit ka lang. Ayuko ko ng magdusa. Maliwanang?'' dito na kami sa Office niya at pagitan namin ang table niya. Hehehe!
APPLICATION FORM *O* i love you... Hawak ko na siya! Yes! Magkakapaghiganti na ako. GINO PARK!! HUMANDA KA NA! BUAHAHAHA!
''Pwede ka ng umalis. 101 ang # mo.'' ang bait talaga ni Supervisor Zhen.
Napatayo ako sa kinakaupuan ko at nag vow. ''SALAMAT SUPERVISOR ZHEN!''
''Oo na. Umalis kana.'' dahil iyon ang sinabi niya lumabas ako ng office niya habang nginingitian ko ang application form ko.
''Magiging superstar na ak-
(-_-) ang kj! May biglang humablot ng love kong application form. Sino ba iyon?! Urrggghh!
''Paano mo nauto si Supervisor Zhen?'' napatingin ako sa lalaking naka tuxedo. Talagang ang sama talaga nito. Siya yong nagtaboy sa akin papalasbas ng LME. Itong si Francis Kang. Akala kung sino. TcHe!
''Nagsikap kaya ako.'' sinamaan ko siya ng tingin. Pero bali wala lang sa kanya.
''Siguro ginayoma mo siya noh.'' anong ginayoma?
''Bahala ka diyan sa pagiisip kung ano ang ginawa ko kay Supervisor Zhen. Ibigay mo nalang kasi ang application form ko.'' aagawin ko na sana sa kanya ang AF ko ng hawakan niya ako sa noo ko para hindi makalapit sa kanya. Nakakainsulto siya ah.. Porke matangkad lang at mahaba ang mga braso nito. ''Akin na sabi e! Urrggh!'' grabe! Ang lakas niya. Tsk!
''Bakit ba kasi pinipilit ang sarili mo sa showbiz? E wala ka namang ka talent-talent?'' nakakainsulto niya talaga ito. Minamaliit niya ako. Kumukolo na ang dugo ko. ''Tumigil ka nalang kaya sa pag auditon. Total hindi karin naman matatanga-
''HINDI PWEDE! MAGHIHIGANTI PA AKO KAY GINO PARK!!!'' di ko na matiis ang galit ng sabihin niyang tumigil ako. Di yon pwede marami akong sinakripisyo. ''MAGHIHIGANTI AKO!''
Napasama nalang ang tingin niya sa akin at sinamaan ko rin siya ng tingin. Na parang magkakaroon ng kuryente pagitan sa mga mata namin pero tumalikod siya. Tss! E duwag pala ito.
Humarap ako sa kanya pero napansin ko na may pinipindot siya sa touch touch niyang cellphone.
E baka kasi ereport ako sa pulis. Nakitingin ako sa cellphone niya at may sini-search siya. ''Medyo sa baba pa. Kasi ibang Gino Park yan.'' turo ko sa kanya. Teka?? Waaaahhhh! Hindi niya kilala si Gino Park. Di ba sikat yon? Nag search pa talaga siya sa web. ''Hindi mo pala kilala si Gino Park? Magaling kaya yong kumanta, sumayaw at gumawa ng kanta kasi yon yong hobby niya. Yong bosses non parang Chris Brown lang ang dating (teka! Mali-mali! Erase! Erase! Di ba haters na niya ako bakit ipinagmamalaki ko pa siya.) urrgghhh! Dapat nagagalit ako sa kanya. Mayabang kaya yon.''
''So naging fan ka pala dati ni Gino.'' napatingin naman ako sa kanya. ''At ngayon haters ka na niya. Kaya gusto mong pumasok sa showbiz para lang maghiganti? Sinasayang mo lang ang oras ko.'' tumalikod na siya at umalis. T-teka? Yong application form ko dala-dala niya. Sinundan ko siya para agawin ang application form ko. Pero huminto siya paglalakad kaya napatakbo ako pabalik sa kinkatayuan ko kaganina. Baka kasi isiping na idol ko siya. Tss! Asa!
Ito pasipol-sipol ng lumingon siya sa akin at lumapit.
''Application form mo.'' agad kong kinuha ang application form ko at doon ako nakahinga ng maluwag.
''I miss you.'' yinakap ko pa ang papel. Hehehe! E bumalik na siya sa akin.
Umalis na ang panget na yon. Urrggg! Talagang iyang lalake panira! Balakid siya sa kasikatan ko. Tss!!
