CHAPTER 17: MARIE AND THE CHICKEN

24 1 0
                                    

Hindi na mapakali si Twinkle sa paglabas sa feeting area ni Jenny. Dahil sinusuot nito ang kanilang uniform. Ang uniform ng Love Me section.

Lumabas na si Jenny at kuminang ang kanyang mga mata ng makita siya.

"Bagay sayo Jenny.." malaki ang ngiti ni Twinkle at iritado naman sa suot si Jenny.

"Bakit ba kailangan pa magsuot ng ganito?" reklamo niya at pinonytail ang kanyang mahaba at unat na itim na buhok.

"Itong uniform ay ang kina-iingitan ng lahat." pagmamalaki pa ni Twinkle. "Tara na. Simulan na natin ang trabaho! Kailangan makakuha kana ng points!" iniyakap niya ang braso niya sa braso ni Jenny at hinatak palabas kahit nakasaklay pa siya.

"Kung maka asta close kami sa isa't-isa." bulong sa isip ni Jenny. "Pwede bang huwag mo akong hawakan." tinanggal ni Jenny ang braso niya at napasimangot si Twinkle.

"Gusto ko kasing maging kaibigan ka." aniya na nakatingin sa kawalan. Pansin ni Jenny na nalungkot ito.

"Bilisan mo! Baka mahuli pa tayo sa acting workshop natin!" nauna ng maglakad si Jenny at tarantang sumunod ito.

★★★★★

"Oh.Oh. Bakit may janitor dito?"

"Magiging istorbo sila sa acting workshop natin." aniya ng dalawang babae na nakaupo at may binabasa sila na script.

Nasa theater room sila kung saan dito rin ginanap ang pa audition.

"Ano ang ginagawa nila dito? Maglilinis?" dagdag pa ng isang babae na kung makatingin ay diring-diri sa dalawa.

Hindi na natiis ni Twinkle ang pinagsasabi nila kung hindi lang siya nakasaklay siguradong sasabunuotan niya ang tatlong maarte.

"Kayong tatlo!" taas kilay na tinawag ni Jenny ang tatlo at nilapitan ang mga ito. "Hindi niyo ba alam kung sino kami? at ano kami ng LME?"

"Oo nga!" patango-tango si Twinkle sa likod ni Jenny.

Samantala ang tatlo ay parang gusto ng tumakbo dahil mukhang nag-aapoy na ang mga mata ng dalawa.

"Kami lang naman ang may special na talento at pinaka iingatan ng LME. Kami ang...

"AI WO BA BO!" sabay pa ang dalawa. E shimpre kasama rin ang kanilang signature move. Sa ganitong pagkakataon ay nagkasundo sila.

Biglang nagsilayas ang tatlo at parang natakot.

"Hahaha! Mga duwag!" hindi na mapigilan ni Twinkle na mapatawa dahil sa tatlo.

★★★★★

"Bakit ako? Mas magaling sakin si Jenny."

Ilang minuto niya ng kinakausap ang repleksyon niya sa salamin. Ang kulang nalang e sampalin ang sarili niya para bumalik na siya sa katinuan.

"Arggh! Nakakainis!" ginulo-gulo pa niya ang buhok niya at kinuha sa lamesa ang script.

Si Jenny rin naman ang pakana kung bakit siya ang una na isinalang sa acting workshop. Pinilit siya nito kaya hindi na siya nakatanggi pa. Nanonood rin si President Lopez at ang apo nito na si Marie.

Pagkalipas ng kalahating oras. Magsisimula na ang aktingan. Hindi na mapakali si Twinkle dahil kasama niya ang tatlong maldita na kinukutya sila kaganina. Siguro inaasahan niya na gaganti ang mga ito.

"Are you ready?" tanong ni Mr. Lim ang kanilang nagsisilbing guro at tumango-tango nalang si Twinkle.

"Kaya ko 'to. Kaya ko 'to. Gagalingan ko."

SKIPBEAT (SUPERSTAR series: BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon