CHAPTER 20: SCHOOL

17 2 0
                                    


Ngingiti-ngiti si Twinkle pagkadating niya sa audition area at sakto ang pagdating niya na sila na ang susunod.

"May naisip na ako Jenny." ngiti-ngiti si Twinkle habang naglalakad na sila papunta sa stage.

"Ano ang gagawin natin?" bulong ni Jenny.

"Sasampalin kita."

"Baliw ka ba?" nanlaki ang mata niya at natawa lang ito.

"Pero mahina lang.. hehe."

Pagkarating nila sa gitna ng stage. Iniabot sa kanila ang mineral water. 

"Huwag nalang po. Meron na po akong mineral water." sabi ni Twinkle at may inalabas siya.

"In 5
4
3
2
1
ACTION!"

Tumalikod si Twinkle sa mga audience at nag-shake siya ng mineral water hanggang sa bumula ito. Bumalik siya sa pagkaharap kay Jenny.

Naningkit ang mga mata ni Twinkle kay Jenny na nagtataka kung ano ang susunod na gagawin nito. Binigyan siya nito ng malakas na sampal na muntik na niyang ikinatumba.

"Dugtong ba ito kaganina sa ginawa namin?" tanong sa sarili ni Jenny at ibinalik ang atensyon kay Twinkle pero bigla ito natawa ng malakas. Tawa na magpapagaan ng loob mo. Natuwa siya at hindi niya maiwasang mahawa sa tawa niya.

Unti-unti siyang natawa. Nagtawanan silang dalawa pero natigilan siya ng buksan ni Twinkle ang bote na hawak nito at sumirit sa kanya ang soda. Sa pagmumukha pa niya! Napaliguan siya ng soda!

Natutuwa si Twinkle na parang basang sisiw si Jenny.

"Ahh.. ganon." hindi rin nagpatalo si Jenny. Binuksan niya ang mineral water at isinaboy rin kay Twinkle. Pareho silang natatawa sa ginawa nila. Parang nagkasundo na sila!

Para silang bata na nagsasabuyan ng tubig at ang paghagikhik ng dalawa ay nasundan ng tawanan ng mga nanonood kasama na rin ang direktor.

Sa bandang huli. Nagsalitan sila ng ngiti at ininom ang mineral water.

"Bravo! Bravo!" napatayo ang direktor at pumalakpak siya sa ginawa ng dalawa pati na rin ang dalawang judges.

Natuwa ang dalawa sa pag standing ovition ng direktor at sumunod na rin ang dalawang judges.

"Nagawa natin!" sigaw ni Twinkle at nagyakapan ang dalawa isama pa ang patalon-talon nila sa stage.

★★★★★

Sa pag-uwi. Sumakay na sila ng bus at magkatabi na umupo. Hindi pa rin maalis ang ngiti ni Twinkle sa nangyari dahil sila na ang napili. Tumayo siya at..

"MAGIGING SUPERSTAR NA KAMI!!!" sabay taas ng kamao niya at nagsitinginan sa kanya ang mga pasahero. Si Jenny na ang nahiya para sa kanya at hinablot nalang ito paupo sa upuan niya.

"Nakakahiya yang ginagawa mo. Baka pababain tayo sa gitna ng highway ng driver." sermon sa kanya ni Jenny pero nginitian lang siya nito.

"Opo bestfriend." at niyakap nito ang braso niya. Gusto niya sanag bawiin ang braso niya pero hinayaan na lang niya ito. Kailangan nalang talaga niya masanay sa pagiging makulit ni Twinkle.

"Okay rin pala siyang kasama at naalala ko sa kanya si Windy. Ang bunso kong kapatid. Namatay siya kasama ni Mama at Papa ng lumubog ang barko na sinasakyan nila." gumuhit ang ngiti sa labi ni Jenny.

"May cellphone ka ba?" tanong niya kay Twinkle.

"Oo. Bakit?"

"Akin na."

SKIPBEAT (SUPERSTAR series: BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon