Twinkle POV
Napatulala ako ng lagpasan ako ni Ms. Eunice. H-hinahamon niya ako at kaganina minamaliit. Iyan ang hindi ko gusto.
Tinaas ko ang kanan kamay ko. ''PAYAG AKO!'' alam ko na napatingin ang lahat sa akin sa sinabi ko at narinig ko ang paghinto ng pagbagsak ng mga paa ni Ms. Eunice. ''Sorry ka, hindi ako marunong tumanggi.'' sabay harap sa kanya.
Nagsalit-salitan ang tingin niya sa mga tao sa paligid at tumingin sa direksyon ko na nanlilisik ang mga mata at padabog na umalis. Huh! Akala mo aatras ako matapos mo akong pahirapan kaganina. Pwes! Nagkakamali ka.
****
Hindi ko maiwasang ma-excited dahil me-make-up-an ako ng dalawa kong kasamang make-up artist. Ano kaya ang magiging itsura ko? Kapag nakita ni Gino...
Gino? Bakit kailangan ko pa siya isipin?
Napahinto ako. Kumulo dugo ko ng maalala ko ang kutong lupa na iyon. Nagsilabasan ang mga kapatid ko dahil sa namumuong galit sa puso ko. Nagpaparamdam sila.
''Nararamdaman mo ba yon?'' sabi ng babae sa kaliwa ko.
''Oo nga e.'' sabay yakap sa sarili ng isa. ''Parang lumamig ang paligid.'' at sabay silang napatingin sa direksyon ko.
Agad nagtago ang mga kapatid ko at lumingon-lingon ako na parang may-tao sa likod ko at tumingin sila at ngumiti.
''Tara na, papagandahin ka na namin.'' hinablot ng isang babae na naka blonde ang kanyang buhok na pula papasok sa isang dressing room.
*******
FRANCIS POV
Hindi ako mapakali. Pumayag si Twinkle sa hamon ni Eunice. May pilay siya sa paa at hindi niya makakayanan ang ibang scene na gagawin lalo na sa Tea Ceremony.
''Handa na raw si Twinkle. Nasa labas na siya.'' napatingin ako sa nagsalita ang isa sa mga staff. Napalingon ako kay Derektor. Seryoso ang mukha niya. Mukhang may interes rin siya sa kanya.
''Sige! Magsisimula na tayo. Ihanda ang Camera 1 Camera 2 at Camera 4. Patayin ang isang ilaw sa kaliwa!'' napasunod naman ang mga utos niya.
Sana makaya niya.
''Ok! Be ready! In 5-4-3-2-1! ACTION!'' nagsimula ng gumalaw ang camera. Seryosong nakatotok ang aking mga mata sa tatlong maliit na T.V sa harap namin ni Dereketor.
Hindi ko inaasahan. Napakaganda ng pagdadala niya sa kanyang emosyon. Lalo siyang gumanda ng maayusan siya. Pinusod ang buhok at naiwan ang side bangs siya. Nakasuot siya ng kimuno. Dahan-dahang inihakbang ang kanyang paa pero hindi siya nakatakas sa aking mga mata. Nasasakatan pa rin siya sa kanyang pilay pero kaya niyang itago. Gaano ka ba kagaling Twinkle?
Nagsimula na siyang pumasok rito sa loob ng kwarto at naghihintay ang isang babae bilang kanyang ina. Napahinto siya sa harapan nito at ngumiti. Katam-taman na ngiti. Ngiti na sapat na para pawiin ang lungkot ng isang tao base sa script at nagawa niya ng tama. Sinimulan niya ng magbigay galang sa pamamagitang nga dahan-dahang pagyuko.
''CUT!'' napatingala ako ng tumayo si Derek at pumapalakpak. ''Magiling Twinkle! Good job!''
Napahanga ang lahat pati ako. Lumaki ang ngiti ni Twinkle na nagtagumapay siya.
Napatingin ako sa isang direksyon si Eunice matalim ang tingin kay Twinkle. Iyan ang napala niya dahil sa paghamon niya.
b********
TWINKLE POV
Hindi ko maiwasang mapangiti habang naalala ko ang nangyari kaganina. Sabi na nga ba ang laking pakinabang ang tinuro sa akin ng Mommy ni Gino noong nasa hotel pa nila ako.
