prologue

10.6K 121 0
                                    

"where is she?"

Agad akong napatago sa likod ng kabinet ng marinig ang boses ng asawa ko.

"S-sir wala po si m-madam sa kwarto niya."dinig ko ang kinakabahan na boses ng isang katulong.

I need to get out of here! Fck! Ayoko na!

"Find her!"

"O-opo!"agad akong tumakbo palabas sa likod mansion ng umalis ang mga ito.

Pero napaatras ako ng bigla na lang bumuhos ang napakalas na ulan pero wala na akong sinayang na oras ng marinig ang mga yabag na papalapit.

"Gracianna!"napatingin ako sa likod ng marinig na may tumawag sakin at doon nakita ang galit na si raven. "Stop right now grace or else!"

Hindi ako nagpatinag at mas lalo lang binilisan ang pagtakbo kahit nanlalabo ang mata ko dahil sa ulan.

"For fcksake gracianna your pregnant! Stop running!"hindi ko pa rin siya pinansin at agad na pinara ang isang taxi na papalapit agad naman itong tumigil kaya nakasakay agad ako.

"K-kuya bilisan niyo po, papatayin ako ng lalaking yan! Please!"sigaw ko pero hindi agad ito nagdrive kaya tinignan ko ulit si raven na papalapit samin.

"Ayos ka lang ba miss?"tanong ng driver.

"Kuya nagmamakaawa po ako!"sabi ko at pinagdikit ang dalawang kamay habang nakaharap sa driver.

"Gracianna!"nagulat ako ng maglabas ng baril si raven nakita iyon ng driver kaya agad itong nagmaneho palayo.

"D-dederetso po ba tayo sa prisinto maam? Irereport natin ang lalaking iyon!"suhesiyon ng driver pero umiling ako at nagsabi ng adress.

"Ayoko ng magharap ulit kami ng lalaking iyon!"nasabi ko at unti unti ng tumulo ang luha ko.

Agad akong bumaba at nagbayad sa driver ng maihatid niya ako sa tamang lugar.

Tinignan ko ang mataas at lumang apartment. This is where I supposed to be. Sa skwater!

"Jusko mahabanging diyos! Gracianna!"sigaw ni lola ng makita akong basa ng ulan.

"Lola!"umiiyak kong sabi

"Anong nangyari hija?"

"Lola ayoko na po doon! Natatakot na po ako doon."sabi ko naupo sa sahig.

"Ano ka ba naman grace, tumayo ka nga diyan! Sandali at kukuha ako ng damit!"

Hindi ko siya pinansin at humagulgol lang doon.

Ayoko na doon, natatakot nako marami silang baril.

Paano na lang kapag nanganak ako? Lalaki siya sa ganung klaseng pamilya? Ayoko! Hindi ako papayag!

Magtatago ako! Hinding hindi ako papayag na lalaki ang anak ko na may amang katulad niya at mas lalong ayaw kong matulad ang anak ko sa kaniya! Masama siyang tao!

Isa siyang sindikato! Marami na siyang napatay dahil siya ang boss ng isang mafia organization.

_

@ash_aries

Mafia's Baby [Gracianna Vizco  #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon