chapter 16

2.1K 52 0
                                    

Kabado ako habang nakatingin lang sa mga tao sa paligid ko.

Nakahiga na ako ngayon sa isang hospital bed, Hindi na ako pinasama ni papa sa check up nila lola.

"Okay ka lang ba, ate?"nilingon ko si ayen agad akong umiling sa kaniya.

"Kinakabahan kasi ako."sabi ko hindi ko alam kung saan ako hahawak, nanginginig ako.

Wala sina papa dito dahil sumama sila kay lola. Kaming tatlo lang ni ayen at tinay ang narito.

"Pwede mo bang kunin ang cellphone ko?"sabi ko kay tinay na agad namang sumunod at binigay sakin. "Thankyou."

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko habang tinatype ang number na iyon at dinial.

Nilagay ko sa tenga ko iyon at hinintay na may sumagot.

"Hello? Who is this?"

Hindi ako sumagot... Babae?

"Put it back."natigilan ako ng biglang tumili ang babae.

Hindi ko na napigilan ang umiyak. Tinakpan ko ang bibig ko.

"Ate grace! Okay ka lang po ba?"sabi ni ayen agad ko namang pinatay ang tawag, at dinial ang number ni cain.

"Hi baby!" Bungad ni cain

"H-hindi ba talaga k-kayo pupunta ngayon?"naiiyak ko pa ring tanong

"Umiiyak ka ba? What happened?" Hindi ko na napigilan ang sariling humagulgol. "Grace? It's fine what happened?"

"K-kinakabahan lang ako."pagsisinungaling ko at pinunasan ang pisngi ko. "Pumunta agad kayo rito ha? Namimiss ko na kayo."

Ngumiti ako kay tinay ng bigyan niya ako ng tubig. Agad naman akong bumangon at uminom.

"Of course. Baka mamaya ay makahabol kami dyan."

"Thankyou." Sabi ko at binaba na ang tawag muli akong nahiga at natulala na lang sa kisame.

Hindi mo na ba talaga ako mahal? Makalimutan mo na ba ko? Bakit ganon? Ang sakit.

"Ate grace tahan na po."

Hindi ko napansing tumulo na naman ang luha ko kaya Dali dali ko rin itong pinunasan.

Hindi ko matanggap na ganon na lang kadali ang lahat para sa kaniya. Sana ganon rin ako pero hindi eh. Bakit? Hindi ba niya naiisip na may baby kami? Pano na lang ang baby namin?

Akala ko okay na ang lahat. Hindi pala panandalian lang ang lahat! Hindi ko naisip na ganito pala kasakit. Ang sakit nga naman talagang mag-mahal, napakahirap.

Ilang araw ang lumipas at dumating na rin sina cain ganon na rin ang araw na pinaka hihintay namin. Nanganak ako.

Lalaki ang anak ko. Napapangiti ako habang naiisip siya.

"Ang gwapo niya ano?"si tita tin hawak hawak ko ngayon ang baby ko, naka dungaw silang lahat samin.

"Hala ang tangos ng ilong grabe! Ang gwapo!"si tinay

"Oo nga!"sang-ayon ni ayen

Tinitigan ko ang anak ko. Naiiyak na naman ako. He's so cute. Hinaplos ko ang pisngi siya.  Nagulat ako ng bigla itong ngumiti.

"Oh! He smiled!"si tita yna.

"Kamukha ko no?"sabat ni adrian natawa naman ako.

"Kapal."si cain

"Omo! Let me carry him please!"si tita yna natatawa naman akong tumango sa kaniya.

Pinagkaguluhan nilang lahat si baby, bumaling ako kay papa dahil tahimik lang itong nakamasid sa gilid ko pero nagulat ako ng makita siyang maluha luhang nakatingin sakin.

"I'm so proud of you, grace! Thankyou for making it!"sabi niya niyakap at hinalikan ako sa noo, naiiyak naman akong yumakap pabalik sa kaniya.

"Nakaisip ka na ba ng pangalan niya?"bumaling ako kay tita ng magsalita siya agad naman akong tumango at bumitaw kay papa.

Binigay ulit nila sakin ang baby ko kaya muli ko siyang tinitigan.

"Gray... Gray gyzler!"ngiti ko nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko kaya mas lalo akong napangiti.

"Nice name!"si cain

"GG!"si adrian

Nagtawanan kaming lahat at nagpicture taking na rin. Pinakita rin nila sakin ang videos na kinuha nila habang nangangak ako. Natatawa naman ako sa sarili ko habang pinapanood iyon pero napangiti rin sa huli.

Hindi ko na muling naisip pa si raven. Sinakop na ni gray ang buong isip ko, para sakin siya na lang ang pinaka mahalagang tao para sakin.

Kahit ganon ay Dalton pa rin ang pinagamit kong apelyido kay gray kahit hindi sang ayon sina papa at ang mga kapatid ko pero wala rin silang nagawa.

Ilang araw rin kaming nagstay sa hospital bago kami umuwi sa bahay.

Wala akong ibang ginawa kundi titigan ang anak ko. Hindi rin ako sanay. Pero natutuwa ako kapag nakikita siya. Nageenjoy ako kapag naaalagaan ko siya. Unti unti rin akong natututo sa mga ginagawa ng isang ina.

Kaya sobrang tuwa ko kapag nakikita kong nakangiti si gray. Na wala na akong naiisip na iba kundi siya.

Bumili ulit ng gamit sina papa para kay gray. Hindi pa man lumalaki si gray iniispoil na nila maging sina cain at adrian binilhan agad nila ng laruan.

Nagalit nga sina papa ng bilhan ni adrian si gray ng PS4.

"Ano ka ba naman?" Si tita yna habang nakatingin sa hawak ni adrian.

"Para kay baby?"sabi niya agad naman siyang nakatanggap ng batok kay cain.

"Pano naman niya lalaruin yan?"

"Syempre pipindot pindotin niya dito!"sabi niya habang nakaturo doon sa ps4 natatawa naman akong nakatingin sa kaniya

"Baby pa si gray, adrian how can he play that?"si papa

"Edi si tito muna lalaro habang baby pa siya! Diba baby gray?"sabi niya at nilaro pa ang kamay ni gray na hawak ko.

"Baby pa lang tinuturuan mo na nang ganyan? Pano pag natulad sayo yan?"

"Edi maganda mana kay tito!" Sabi niya nilalaro pa rin siya.

Natatawa kong hinampas si adrian dahil sa pinagsasabi niya.

"Aray! Huhu baby oh inaaway ako ni mommy mo!"napatingin kaming lahat kay gray ng bigla itong tumawa.

Tumingin ako kay lola ng makita kong nakatitig na naman siya sakin ay ngumiti ako at lumapit sa kaniya. Sinilip niya si gray at ngumiti doon.

"Gray..."napangiti ako ng maalala niya ang pangalan ni gray. Napatitig ako kay gray ng makita kong titig na titig rin siya kay lola.

"Kumain na muna kayo!"si tita tin

"Kakain na raw ho!"sabi ko kay lola kaya napatingin ito sakin.

"Ako ng bahala kay mama, grace pumunta ka na roon."si papa kaya tumango ako.

Sobrang saya ko kasi dumating si gray sa buhay ko. Okay na ang lahat! Masaya na ulit ako... kahit wala siya.

______

@ash_aries

Mafia's Baby [Gracianna Vizco  #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon