chapter 14

2.3K 46 2
                                    

Chapter 14

Umiiyak pa rin ako pauwi hanggang sa maka balik kami ng bahay. Sinubukan pa akong patahinin ng tatlo pero hindi ako natigil sa pag iyak.

"Ayoko na! Ang sakit sakit na! Gago siya!"sigaw ko at pinagtatapon ang mga unan na nasa kama ko.

"Gago nga!"si adrian at masama ang tingin sa kung anong ginagawa sa cellphone.

"What are you doing Adrian!"si cain

"Ano pa? Edi sisirain ko ang dalawang yon! Humanda sila! Gago tong mga to!"sabi niya at patuloy na nagtipa sa cellphone hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy lang sa pagiyak.

"Ate grace please! Tumahan kana masama yan sa baby mo!"si jenny hinahagod ang likod ko pero umiling lang ako at umiyak ng umiyak.

"Ayoko na dito! Ayoko na siyang makita! Ang sama nila!"sigaw ko at nangigil na sinira ang kumot na nasa higaan iniisip na si raven at ellen iyon.

"Sure! You will leave this house! Hide! Don't let that fucking bastard see even a glimpse of your child!"galit na sabi ni cain natahimik ako sa sinabi niya kasabay naman nun ay pagbukas ng kwarto at pagpasok ni tita at papa.

Muli na naman ako napaiyak ng niyakap nila ako.

"It's fine honey! We're here for you! Don't be sad! Everything will be fine!" Si tita

"Aalis ka! Itatago kita grace! Itatago ko kayo ng anak mo! Hanggang hindi na kayo muling magkita pa!"galit rin si papa habang sinasabi ang mga salitang iyon.

Kumalma ako ilang oras pagkatapos noon. May pinatawag na doctor si tita para tignan ang kalagayan ko. At Nalaman ko ring muling bumalik si raven at nasa labas na naman siya ng bahay. Tinatawag ako. Pero hindi ko siya pinansin, ni hindi ako sumilip para lang tignan siya.

Dahil imbis na maawa sa kaniya... Mas naawa na ako sa sarili ko. Masyado na akong nagpapakatanga. Ang tanga tanga ko para maniwala sa kaniya.

Ang sama sama nila.

Muli akong umiyak gabi nang mapagisa na lang sa kwarto at iniisip ang sulusyong naisip nila papa. Pumayag akong umalis ng manila. Sabi ni papa maninirahan ako sa Sorsogon kung nasaan ang pamilya niya at kung saan siya pinalaki.

Pumayag ako para sa ikakabuti ko. Masyado na akong naiistress dito at sabi ng doctor kailangan kong magpalamig, dahil masyado na akong naiistress at sobrang nakakasama na raw ito sa baby. Doon ako kinabahan.

Ganoon nga ang nangyayari. Bumyahe kami manila hanggang Sorsogon. Minabuti naming wala si raven dahil paniguradong susunod iyon. Tinignan rin ni adrian at cain kung may mga tauhan ba ni raven na malapit sa bahay at naka kita nga sila at nailigaw rin naman namin sila.

Nakarating kami sa lugar ng tahimik at walang gumagambala. Kasama ko si jenny, tita yna at daddy.

"The more I want you and the baby to stay safe, grace, the more that I want to take care of you...but for now I want you to do it yourself and don't stress yourself too much! Think about your baby for now, grace."sabi ni papa kaya tumango ako sa kaniya

"Sorry po..."naibulong ko

"Don't be sorry hija. Alam naming stress ka lang kaya sana ingatan mo na ang sarili mo."si tita tumango na lang ako

Nakarating kami sa bahay nina lolo at lola ng tahimik. Hindi na ulit nagsalita ang kahit sino samin. Nang tignan ko si papa mukhang malalim ang iniisip ganon din si tita pero panay ang tingin sakin.

"Nandito na silaaa!"napatingin ako sa malaking bahay ng may marinig na sumigaw.

"Oh tinay ayusin mo na ang lamesa!"

"Ma naman! Hoy ikaw na ayen!"

"Eish! Ikaw kaya sinabihan!"

"Ano mag-aaway kayo? Sumbong ko kayo sa papa niyo!"

Sinilip ko ang looban at may nakita akong dalawang babae na nag-aaway pa, lumabas naman si tita tintin ang kapatid ni papa. Iyon ata ang mga pinsan ko.

"Nako! Ang laki laki mo na grace ah! Kamusta? Naaalala mo pa ba ko? Nako pasok kayo, hija, kuya papasukin mo na si ate yna!"sabi nito at hinawakan ang braso ko.

"A-ah opo, kayo po si tita tintin."ngumiti ako sa kaniya.

"Oo! Alam mo ba noong nalaman kong buntis ka at kailangan mong magpahinga ay nagpresenta agad ako na ako ang magaalaga sa inyo, medyo matagal tagal na rin kasing nagkaroon ng baby ang bahay nato at nakakamiss, ang lalaki na rin kasing nitong si ayen at tinay kaya ayon."medyo maingay siya at marami pang sinasabi at tinatanong pero hindi naman ako nakakasagot agad siyang magtatanong ng bago kaya napanguso na lang ako.

"Ano kamusta ba ang mama mo?"tanong niya.

"Ah hindi ko po---"

"Nako itinaboy kaba? Hayaan mo na iyon! Puro lang talaga pera ang nasa utak noong babaeng yon! Panigurado hindi ka rin niya naaalagaan kaya nasa papa mo ka ngayon!"natigilan ako bago unti unting tumango dahil tama naman siya. "Eh iyong lola mo? Maayos pa ba siya? Naalala ko siya mabait iyon di tulad ng mama mo."

"Opo--"

"Bakit nga pala hindi sumama sina cain at adrian! May klase ba sila? Kuya?"

"Ano ba tin puro ka tanong tumahimik ka nga muna!"pagalit na baling ni papa sa kaniya kaya natahimik ito at napanguso na lang. "Bibisita rin sila rito hindi nga lang ngayon dahil may inaasikaso sila."

Napatingin ako kay tita yna ng hawakan niya ang braso ko at bahagyang hinila kaya napalapit ako sa kaniya.

"Halika na rito grace pupuntahan natin ang lola mo."sabi niya kaya tumango ako matagal ko ng hindi nakikita si lola kaya medyo excited akong sumama kay tita. "Mama."

Napatingin ako sa matandang nakaupo sa isang rocking chair na nasa sala nanonood siya ng TV, mukhang hindi narinig ang pagtawag ni tita.

"Mama nandito na po kami."medyo malakas ng tawag ni tita. "Pasensiya na medyo mahina na kasi ang pandinig ng lola mo." Tumango ako sa kaniya.

"Kristina!"tawag ni lola

"Yna po! Mama!"si tita at bahagyang tumawa. "Makakalimutin na din siya." Lumapit kami sa kaniya nagmano si tita sa kaniya kaya ganun din ang ginawa ko.

Nakatitig lang ito sakin kaya ngumiti ako sa kaniya.

"Kamusta po?"tanong kong medyo nilakasan para marinig niya. Ibinigay ni tita sakin ang isang upuan kaya tumabi ako kay lola.

"Gracianna..."nanlaki ang mata ko nang sabihin niya ang pangalan ko, ngumiti ito sakin at hinawakan ang pisngi ko. Wala sa sariling napangiti na lang rin ako. "Ang ganda ganda mo... Ang tagal mo namang bumalik...saan ka ba nang galing bata ka?"

"Pasensiya na po!"sabi ko at niyakap siya unti unti na lang bumagsak lahat ng luha ko. Parang piniga lahat ng luha ko nang humagulgol sa tabi ni lola.

Ang sakit! Ang sakit sakit! Hindi ko alam kung anong kasalanan ba ang nagawa ko para matanggap ang lahat ng sakit na to. Lahat ba talaga ng masayang pangyayari agad agad na napapalitan ng sakit? Hindi ba pwedeng dere-deretso na lang na maging masaya?

Nakikiusap naman po ako oh...kahit isang beses lang...hayaan niyo naman akong maging masaya ng walang nararamdaman na sakit at lungkot.

____

Ash_Aries

Mafia's Baby [Gracianna Vizco  #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon