chapter 9

2.8K 51 0
                                    


"Welcome po madam."bati ng mga katulong isang araw na pumunta ako kasama si jenny sa bahay ni raven.

"Hello."ngumiti ako sa kanila "wala ba si raven?"

"Wala po siya rito madam. Maaga po siyang umalis para magtrabaho."

"Ganun ba?"

Ngayon kasi ang 8th months pregnancy ko kaya pupunta ako ng hospital for check ups at napag planohan na rin namin na wag na munang alamin ang gender ng baby para surprise na lang.

"G-gusto niyo po bang tayo na lang magpa check up ate grace? Mukhang busy po si sir eh."si jenny napanguso naman ako.

"Pupuntahan natin siya. Kuya! Pwede niyo po ba kaming samahan?"tanong ko sa isang butler agad naman itong tumango.

"Ikukuha ko po kayo ng sasakyan, madam."sabi nito kaya tumango ako at agad na itong umalis

"Sige ate mauna na muna kami pupuntahan ko na lang siya."paalam ko sa kasambahay agad naman itong tumango at nagpaalam na rin.

Nang magpark ang sasakyan sa harap ko agad na kaming sumakay. Ilang minuto rin ang tinagal ng byahe bago kami nakarating sa isang Kompanya. Ito ata ang first time kong pumunta sa opisina ni raven.

Dati kasi ang gusto ko lang gawin ang maging house wife, gusto ko rin namang magtrabaho pero ayaw naman ni raven kaya nanatili na lang ako sa bahay.

Sa bahay rin kasi madalas nagtatrabaho si raven. Nagdadala ang secretary niya ng kung ano anong papeles at doon siya sa study niya magtatrabaho.

Dahil mabait akong asawa syempre hindi ko siya iniistorbo at bibigyan lang siya ng kakailanganin niya. Nagbago lang naman ang lahat simula ng araw na iyon.

Ngumiti ako ng mapait at bumaba na ng sasakyan. Pumasok ako sa building at dumeretso sa receptionist nila naka sunod lang naman si jenny.

"Goodmorning po, ano pong kailangan nila?"tanong nito kaya ngumiti ako.

"Nandito ba si Raven Dalton?"tanong ko

"Bakit po?"

"I want to see him."ngumiti ako pero agad napawi ang ngiti ko ng ngumiwi ito at umirap.

Aba't?---

"Hindi po kasi tumatangap ng bisita si sir, ma'am. Ngayon po kasi kasama nito ang girlfriend niya."sabi nito na ikinakunot ng noo ko

"Girlfriend? What? I am his wife?"

"A mistress maybe?"bulong nito na narinig namin.

"What the?"

"Ate grace tama na po. Ang butler na lang po ang pakausapin mo sa kaniya bawal kayong ma stress."pigil ni jenny sakin pero hindi ako nagpaawat.

"Sinong girlfriend ang tinutukoy mo? And for your information I am the wife of Raven Dalton at wala siyang ibang girlfriend kung hindi ako lang."inis kong sabi sa kaniya agad naman itong naka attract ng attention.

"Si miss ellen zeliando po ang tinutukoy ko."kahit na magalang ang pagkakasabi niya nararamdaman ko pa rin ang inis sa boses niya.

"My husband said magmemerge ang dalton at zeliando group. Siya ba ang head ng zeliando group? I really really need to talk to Raven."mas lalo lang umiinit ang ulo ko.

"Madam? Anong nangyayari rito?"dumating ang butler at agad na tinignan ng masama ang receptionist.

"What floor?"baling ko sa butler

"30th madam."

"Take care of the rest here i need to talk to Raven."sabi ko sa butler at naglakad na paalis.

Mafia's Baby [Gracianna Vizco  #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon