chapter 2

4.8K 66 1
                                    

"Geanna hihi, alam mo bago lang ako dito kaya hindi ko alam ang pasikot sikot dito galing kasi akong davao at nandito lang para maghanap ng trabaho."

"Ganun ba?"awkward akong ngumiti sa kaniya hindi naman kasi ako nagtatanong.

"Pwede mo bang akong i-tour dito?" Nagugulat akong tumingin sa kaniya. Bakit ko naman gagawin iyon?

"A-ah kase---"tinignan ko ang tiyan ko kaya napatingin rin siya doon.

"Hala omg! Buntis ka? Hala sorry okay lang kung hindi!"sabi niya at nataranta.

"Hindi okay lang, pero siguro minsan lang. hindi kasi ako masyadong l-lumalabas saka isa pa temporary lang naman ako diyan sa inn!"ngumiti ako sa kaniya

"Ganun ba? Sige okay na yun thankyou ah!"ngumiti siya sakin

"Uhm."tumango ako at naglakad ulit.

"tsk! Malay kong buntis pala tong pinapabantay nila sakin'" medyo may binulong pa ito na hindi ko narinig.

"Ano yun?"nilingon ko siya.

"Ah wala, nasaan nga pala yung inn na sinasabi mo?"tanong nito at ngumiti tinitigan ko siya at tinuro ang inn.

Agad kaming pumasok sinamahan ko siya sa babaeng nakarahap ko kagabi at agad naman siyang ngumiti ng makita ako.

"Hello ma'am may Kailangan po ba kayo?"tanong nito sakin pero umiling ako at tinuro si Lea

"Hi?"

"Hello po!"

"Magchecheck in ako!"ngumiti si lea

"Mauuna na ako ah!"sabi ko at agad na tumalikod hindi na hinintay ang sasabihin niya.

"What's her room number?"dinig kong tanong ni lea hindi ko na siya pinansin at agad na bumalik sa kwarto ko.

Kinabukasan naman ay agad akong bumaba para magalmusal ganun pa din madami pa rin ang binigay nilang pagkain ang kaso lang---

"Woah mukhang masarap! Bakit parang andami? Mauubos mo ba to?"si lea napailing ako ng tignan siya. "Sasabay ako sayo ah!"

"Okay"sumangayon naman ako dahil hindi ko naman kasi mauubos to.

"Mamaya nga pala may pupuntahan ka ba?"tanong niya nagisip naman ako.

"Wala naman!"sabi ko at nagpatuloy sa pagkain.

"Gusto mo bang sumama sakin? Magiikot ako!"

"Sige." Pinagbigyan ko siya. Wala nakong magagawa i promised to her.

Pagkatapos naming kumain bumalik na ako sa kwarto, nagbihis ako at agad ring lumabas nagulat ako ng lumabas din siya sa kabilang kwarto.

"Hi ready kana pala, tara!"excited nitong sabi at kumapit sa braso ko napailing na lang ako.

Sumama ako kung saan niya gusto, sobrang ingat ko na huwag ma stress dahil sa kaniya. Nagikot ikot kami sa malapit na lugar, kumain rin kami ng mga street foods.

Sa huli na punta kami sa mall at muli na naman nagiikot. Nang may bigla na lang tumunog ang cellphone niya.

"Wait may tumatawag."

"Sige!"naupo ako sa isang upuan na pinakamalapit dahil napapagod na ako sa kakalad namin. Kung saan saan na kami na napupunta.

Sinubukan pa niya akong dalhin sa isang baby things shop. Hindi na rin nagtagal doon dahil hindi pa naman ang tamang oras para doon.

"O-opo pasensiya na!"dinig ko ang boses ni Lea kaya nilingon ko siya pero binaba na niya ang tawag at agad na lumapit sakin. "Sorry geanna! Napagod ka ba? Gusto mo na bang umuwi na tayo?"

"Okay lang naman, bakit may gagawin ka ba?"tanong ko

"U-uh o-oo eh! Pinapatawag kasi ako ng b-boss ko!"sabi niya hindi na ako nagtanong at agad na lang na tumango

"Pwede ka namang mauna!"sabi ko at ngumiti

"H-ha? Eh hindi ihahatid na muna kita sa inn, b-baka kasi m-mapagalitan--- este m-mapahamak ka pa!"sabi nito na ikinakunot ng noo ko

"Okay lang talaga, may gusto rin kasi akong puntahan."sabi ko at napaisip.

Okay lang kaya? Hindi naman malalaman ni mama. Siguro! Hindi ba siya magagalit?

"Sige ah! Ingat ka!"sabi ko at agad na tumayo, naglakad ako papunta sa sakayan ng taxi at pumara ng isa.

"Saan po kayo maam?"tanong nito ng makasakay ako, agad kong binigay ang address sa kaniya.

Hindi rin nagtagal ay dumating na kami. Bumaba na agad akong pagkatapos magbayad.

Napabuntong hininga ako at tumitig sa malaking mansiyon nila, matagal na rin ng huli kong makita ang bahay na to.

Madalas akong pumunta dito noon para tignan kung nandito ba siya, lagi ko siyang nakikitang masaya kaya wala rin sa sariling napapangiti ako kapag nakikita ko iyon.

Muli pa akong huminga ng malalim para ihanda ang sarili saka pinindot ang doorbell.

Everything will be fine...

__

@ash_aries

Mafia's Baby [Gracianna Vizco  #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon