chapter 15

2.3K 46 0
                                    


Nakatitig ako sa malawak na lupain ng mga Vizco sa sorsogon, hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatitig dito.

Ilang araw na rin ang lumipas, umuwi na sila papa at tita, ilang araw rin mula nong bumisita si adrian at cain dito at agad na bumalik. Pero babalik na naman ulit sila rito dahil naghahanda na kami para sa panganganak ko, araw na lang ang bibilangin bago iyon kaya hindi ko alam ang nararamdaman ko.

Naupo ako sa isang bench na nadoon, kita rin ang bulubundukin sa harap kaya magandang pagmasdan.

"Ate grace!"

"Hmm?"

"Magagabi na daw kaya pumasok ka na raw po at kakain na sabi ni mama."si tinay limang taon ang agwat ko sa kaniya habang ang sa kapatid naman niya pitong taon.

"Sige."sabi ko at unti unting tumayo agad naman niya kong inalalayan.

"Kailan ka ba manganganak ate grace?"

"Ang sabi ng doctor kailangan ko ng pumunta sa hospital ngayong linggo to."sabi ko at ngumuso.

Kinakabahan ako lalo.

"Kung ganon dapat pala bukas nabukas ay nandoon kana sa hospital."sabi niya nagmano muna ako kay lola na nasa sala at napatingin na sakin ng makita ako kaya ngumiti ako sa kaniya.

"Hihintayin ko pa ang pagdating nina papa."ngiti ko tumango naman siya at nagmano rin kay lola.

"Kakain na po tayo lola!"

Ilang minuto pang naghanda ng lamesa sina tinay bago kami kumain.

"Dadating mamaya nang madaling araw ang tita at papa mo grace. Naayos ko na ang gamit mo. Dahil bukas rin ang dederetso na tayo sa hospital at sasabay kami ng lola niyo dahil ipapacheck ko rin siya."si tita tin agad naman akong napatingin sa kaniya

"May sakit po ba si lola?"tanong ko umiling naman siya at tumingin kay lola na tahimik namang kumakain.

"Wala naman. Gusto lang naming siguraduhin na maayos lang siya at plano rin to ng papa mo. Para na rin ma bigyan ng vitamins si mama medyo pumapayat raw siya eh." Hindi na ako sumagot at tumango na lang, nagpatuloy naman sa pagkwentuhan sina tita.

Agad akong nagtungo sa kwarto ng matapos kumain at nagpaalam sa lahat.

Pagkatapos kong mag ayos para matulog ay tumitig ako sa bintana at nakitang madilim na. Marami ring bituin at bilog na bilog ang buwan.

Napa buntong hininga ako bago naglakad papalapit sa kama, pero agad ring natigilan ng marinig ang malakas na tunog mula sa cellphone ko.

Bago iyon binigay sakin ni adrian, bago rin ang simcard walang ibang number doon kundi ang number nila papa naroon rin ang number ni jenny. Wala na ang mga old numbers. Ang number niya.

Kinuha ko ang cellphone ko at sinagot ang tawag, si adrian.

"Hi sis! How are you?"

"Mm okay lang. Bakit ka napatawag?"

"Nothin' just wanna say goodnight and I won't be able to go there tomorrow but pupunta ako the next day mauuna lang sila mom."

"Why? How about cain?"

"I have things to do tomorrow with him, at Sabay kaming pupunta diyan."

"Oh? Okay then see you."

"Of course, i miss youu! Love you! Take care of yourself!"napangiti ako at tumango kahit hindi niya nakikita.

"Adrian! Who are you talking to?"narinig ko ang boses ni cain sa kabilang linya.

"Girlfriend ko bakit? Inggit ka?"natawa naman ako sa kanila.

"Wala ka namang jowa ah? Kailan ka pa nagka girlfriend? Is that grace?"

"Oh shut up!"

"Akin na paka usap!"

"Ayoko nga! Matutulog na raw siya oh! Wala na patay na, sige----hoy!"

Natatawa kong pinindot ang speaker at inayos ang kama ko bago naupo roon.

"Hi baby! Hi sis! how are you?"si cain naman ang nasa kabilang linya.

"We're fine!"

"Good! Mauuna na muna sina dad diyan dahil may aasikasuhin kami ni ad, okay?"

"Sure! Nasabi na niya."

"We'll see you the next day!"

"Mm. Ano nga palang gagawin niyo."

"It's nothing, don't think about it. You should go to sleep now. Wag kang magpupuyat!"

"Yes. Goodnight!"sabi ko at dahan dahang humiga sa kama.

"Goodnight! Sleep tight!"hindi na ako sumagot dahil inantok na ako.

Agad rin naman akong nakatulog.

Hindi ako nagising ng madaling araw kaya pagkagising ko ay naroon na sila tita yna nasa sala na nag uusap kasama sina tita tin. Habang si dad naman nasa labas at nagkakape habang nagbabasa ng dyaryo, kasama niya si lola na naka upo sa rocking chair niya katulad ng dati.

"Magandang umaga po."ngiti ko kaya napalingon naman sila sakin.

"Your awake, goodmorning hija!"ngumiti ako kay tita yna at saka sinilip ulit sila papa.

"Halika na rito at kumain kana grace."tumango ako kay tita tin at lumapit sa kanila, humalik muna ako kay tita yna bago naupo.

"How are you?"tanong ni tita habang inaayos niya ang makakakain ko kaya ngumiti ulit ako sa kaniya bago sumagot.

"Okay lang naman po."sagot ko bago nagsimulang kumain.

"Mabuti naman. Mamaya ay pupunta na tayo ng hospital, are you ready?"

"Kinakabahan po ako eh."

"It's fine ganyan talaga. Ganyang ganyan rin ako noong una ko."si tita tin tumango naman ako.

Nagpatuloy naman kaming mag-usap habang kumakain at maya maya pa ay pumasok na sila papa.

"Goodmorning hija."si papa at humalik sa noo ko ngumiti naman ako sa kaniya, bago tumayo at niyakap siya.

"I miss you po." Agad rin naman akong bumitaw at lumapit kay lola para magmano.

Ilang oras pa muna kami nag usap sa baba bago kami naghanda para sa pag-alis.

"Ano? Wala ba kayong naiwan? Tina! Nacheck mo ba lahat?"

"Opo!"

"Mauna ka nang pumasok sa kotse, grace."inalalayan ako ni tita papasok sa kotse.

Abala silang lahat sa pagtitingin kung may naiwan pa, katabi ko naman ngayon si lola sa sasakyan na nakatingin na naman sakin kaya ngumiti ako kaya tumingin na siya sa labas ng bintana.

Madalas siya ganito tititig sakin tapos hihintayin niyang ngumiti ako bago siya iiwas ng tingin.

Hindi rin madalas umuwi ang papa nina ayen at tinay, ang alam ko kasi isa siyang seaman kaya ganun.

"Tara na?" Pumasok sa kotse sina papa. Bumaling naman ako sa likod at nakita kong sumakay na rin sa kotse nila sina tita tin. Kaya tumango ako.

Nagbyahe na nga kami papuntang hospital.

_____

@ash_aries

Mafia's Baby [Gracianna Vizco  #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon