chapter 11

2.5K 51 1
                                    


Sobrang badtrip akong buong linggo na kahit sino hindi ko gustong makita, kahit si raven na araw araw pamupunta dito hindi ako makausap.

"Baby---"

"NO!"sigaw ko kahit wala pa naman siyang sinasabi.

"I just wanna ask you if----"

"I SAID NO!"sigaw ko ulit at tumalukbong sa kumot. Agad rin naman inalis dahil mainit.

"Grace?"kumatok si cain.

"What!"

"mom's asking you if you want to eat something?"tinignan ko ang pinto ng marinig ang sinabi niya.

"Wala!"sigaw ko ulit at tumayo naglakad lakad akong sa buong kwarto nagiisip ng maaring gagawin pero nainis lang ng wala akong naisip.

"Kasalanan to ni raven! Ayoko siyang makita!" Bulong ko at masamang tinignan ang pinto.

Alam ko namang wala siyang masamang ginagawa pero sa lahat ng galaw ko siya ang sinisisi ko, hindi ko rin alam kung bakit.

Basta na lang akong nagkaganito. Madalas akong nagugutom kapag may naguusap tungkol sa pagkain pero sumusuka naman kapag may nakikita o kaya may naamoy na pagkain. At lahat ng iyon sinisisi ko kay raven o kaya kay adrian at cain.

Kaya wala silang nagawa kundi hayaan ako sa gagawin ko at magsosorry sila kapag sinisisi ko sila sa maling ginagawa ko.

Sa sumunod na araw,

Gusto kong kumain ng ice cream kaya nagpasama ako sa dalawa kong kapatid bumili pero hindi ko inaasahan na nasa bahay pala si raven kaya sumama samin.

Pumunta kami sa isang mall at bumili ng ice cream.

"Ang hirap pala mag-alaga ng buntis no?"bulong ni adrian kay cain at sabay silang tumawa. Tinignan ko sila ng masama at bumaling ang tingin ko kay raven.

"It's your fault."sabi ko at hinampas siya.

"Sorry wife."sabi ni raven hindi ko na siya pinansin at pinagpatuloy ang pagkain ng ice cream.

Marami pa akong pinabili sa kanilang pagkain at wala naman silang reklamo at sinamahan lang akong bumili.

Magagabi na ng nakauwi kami. Pagod na kasi ako kaya agad akong bumalik sa kwarto ko ng walang pinapansin at agad nakatulog ng nahiga sa kama.

Hindi ko man lang nakain ang ibang pagkain na nabili ko kaya kinaumagahan hinanap ko iyon.

"Manang nasan po yung pagkain ko?"tanong ko ng makitang wala ito sa ref.

"Iyon bang binili ninyo kagabi?"tumango ako at tumingin sa kaniya. "Pasensiya na hija kinain kasi iyon nina adrian at cain."

Nangunot ang noo ko at binalik ang tingin sa ref.

'Kumain rin kaya si raven? Oo nga pala nasaan ba iyon?'

"Nagugutom na po ako manang..."sabi ko at ngumuso.

"A-ah sige ano bang gusto mong kainin?"nagkibit ako ng balikat at naupo sa lamesa.

"Kahit ano po."nagaalangan itong tumingin sakin kaya ngumiti ako at tumango sa kaniya.

Agad na itong naghanda ng makakain ko.

"Nasaan nga po pala sila tita at papa?"

"Maagang umalis sina maam at sir, ganoon na rin si cain, tingin ko nandoon pa si adrian sa kwarto niya."tumango lang ulit ako sa kaniya.

Kinuha ko ang bowl na puno ng strawberries na nasa mesa at iyon na muna ang pinagdiskitahang kainin.

"Anong oras nga po pala umalis si raven?"tanong ko ulit habang tinititigan ang strawberry na hawak ko.

"Agad rin namang umalis si sir raven noong nakatulog ka."nilagay niya ang pagkain ko sa mesa at napangiti ng magustuhan ko iyon.

"Nasan po si jenny?"tanong ko ulit habang tinitikman ang pagkain.

"Ang alam ko umalis siya kagabi, hindi pa siya bumabalik hanggang ngayon."

"Bakit naman?"

"Hindi ko rin alam narinig ko lang na nagmamadali itong umalis at sinabing emergency baka may problema sa kanila."tumango tango ako sa sinabi niya.

Ano kayang nangyari? Bumaling ako sa sala ng marinig na may naglalakad roon.

"Goodmorning!"nagsalubong ang kilay ko ng makita si adrian naka pantulog pa ito.

"Wala ka bang klase?"tanong ko umiling naman siya.

"Babantayan kita buong araw."sabi niya napailing naman ako. Tinapos ko na ang pagkain ng naupo ito sa harap ko. "Tapos kana?"

Ngumuso ako at masama siyang tinignan at kumuha ang maraming strawberries at umalis na ng hindi siya sinasagot. Bumalik ako sa kwarto at tinignan ang gamit na binili namin ni tita yna at raven.

Puro puti ang binili namin dahil hindi pa nga namin alam ang gender, parang gusto pa nga atang bilhin ni raven lahat nung hindi kami makapili ng kulay kung hindi ko lang siya napigilan.

Napangiti ako habang inaayos iyon sa loob ng hospital bag na dadalhin ko. Kompleto na lahat doon weeks before my due date sa hospital na kami mananatili at maghihintay na lang.

Gumanda ang mood ko pero panandalian pero agad rin pala itong mapapalis.

Bumalik si jenny hapon na mukhang maayos naman siya. Tinanong ko rin siya kung ano ang nangyari pero sabi niya problema lang raw sa bahay nila kaya tumango na lang ako at hindi na nang usisa.

Nasa kwarto lang ako kasama si jenny na nonood ng TV habang ako naman nakahiga lang sa kama habang nagiiscroll sa Cellphone. Wala akong magawa narinig ko sa mga katulong na umalis si adrian.

Babatayan magdamag my ass.

Hanggang ngayon rin hindi pa bumabalik sila tita. Hindi rin pumunta si raven buong araw pero naka tanggap ako ng tawag at text sa kaniya.

Raven:

I'm busy. I don't think I can go home tonight. I'll see you tomorrow love.

Napangiwi ako ng mabasa iyon at agad na napairap. Hindi ako nagreply kaya tumawag siya. Pero hindi ko rin sinagot kaya muli itong nagtext.

Raven:

You asleep? I won't disturb you then, call me when you wake up. I love you.

Kinagat ko ang labi para pigilan ang ngiti at hindi na nagreply at scroll na lang sa facebook. I tried searching for raven's name pero puro dummy account at fake account lang ang lumalabas. I remembered him deactivating his account dahil nagseselos ako sa mga babaeng nagchachat sa kaniya. At hanggang ngayon pala hindi niya pa naibabalik.

Napanguso ako at nagtingin na lang ng mga news about sa kaniya.

Nakita ko ang ibang information tungkol sa kaniya.

Raven Gyzler Dalton

29 years old

194 cm

graduated from shinyoung University

course BS Civil engineering and have bachelor's degree in business.

topped the board exam

always a Dean's lister

once played Basketball National and represent their school.

Na alam ko naman lahat dahil kasama niya ko...Kasama niya ko habang nakukuha niya lahat ng achievement na iyon. Napangiti ako.

Raven Dalton the second generation rich man and the first born of the Dalton is already married! Click here for more details.

Raven Dalton reach the expectations of all in the business world. Click here for more details.

Tataposin ko na sana ang pagbabasa ng mga iyon kung hindi ko pa nakita ang isa pang balita post iyon galing sa isang sikat na magazine na lifestyle.

Nakakunot ang noo ko at salubong ang kilay habang tinitignan iyon.

Raven Dalton's cheating? Click here for more details.

______

@ash_aries

Mafia's Baby [Gracianna Vizco  #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon