chapter 26

2.1K 51 2
                                    

Pagkatapos mangyari iyon, naghanda kami sa pag uwi ng gumabi, bukas na bukas ay aalis kami.

"Are you sure about this?"pang ilang tanong na ni papa sakin iyon, siya na rin ang nagpaliwanag kila tita, hindi man natuwa sina cain at adrian wala pa rin sila nagawa.

Gray was so happy, ilang beses niyang kinukwento kay ayen at tinay na magkikita na raw sila ng daddy niya. Hindi siya mapakali na kanina pa niya ko kinukulit kung ano raw ba ang susuotin niya para bukas.

"Mommy please?"

"Ill prepare it when we arrive, wag kang makulit, gray"

"But mom! I want to be---"

"Oo nga! You want to be handsome  when you meet him and you need a cool outfit kaya nga I'll prepare it kapag nakarating na tayo sa bahay okay?"

"Yes but not cool i want to be the coolest!"hindi ko na maiwasang matawa.

"Of cource! Now I want you to sleep."

"Yes mommy!"sabi niya at nahiga na sa kama.

Madali lang siyang nakatulog habang ako walang ibang ginawa kundi titigan siya roon.

Hindi ako masyadong nakatulog kinaumagahan kaya antok na antok ako noong sumakay kami sa plane.

"Tita mazi don't talk to him po, he's a playboy!"dinig kong sabi ni gray kaya napalingon ako sa kaniya.

Napataas ang kilay ko ng makita si adrian kausap na naman ang babaeng flight attendant.

"Gray! Haha don't mind him! Anyway binigay mo nga number mo di mo naman ako nireplyan."

"Ah sorry sir."

"I told you don't call me 'sir', adrian is fine"

"would you like to meet my tito cain po ba?"

"Don't even try!"si adrian at tinignan ng masama si gray. Nangunot ang noo ko ng makitang pareho silang nakatayo sa harap ng F.A. na mukhang naguguluhan na sa kanila.

Hindi ko na sila pinansin at natulog na lang sa upuan ko.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog pero nagising na lang ako noong nakarating na kami.

"Let's gooo!"unang una sa lahat si gray noong bumaba kami.

Sobrang excited niya talaga na nakalimutan na niya ng maleta niya.

"Let me."si cain at kinuha ang bagahe namin.

"Thankyou."tumango lang ito kaya lumapit na ako kay gray.

"Mommy! Don't forget about my clothes!"paalala na naman niya.

"Right! Do you wanna go to the mall first?"

"Yes po." Tumango ito kaya ngumiti ako.

"Where are we? Mom?"Palabas na kami ng airport ng matigilan ako. N-nasa manila kami...

"I-I think we're in manila, baby."sabi ko at agad naman siyang tumango.

"Dito po ba nakatira si daddy?"agad akong tumango.

"Meron siyang bahay sa iba't ibang lugar."

"Really po?"tumango ulit ako, bumaling ako kay papa.

"Pupunta po muna kami sa mall."sabi ko

"Makikipag kita ba kayo agad?"

"Hindi po."

"Sige, I'll go with you later. Call me okay?"sabi pa niya tumango naman ako at nagpaalam na muna sa iba.

Mafia's Baby [Gracianna Vizco  #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon