chapter 18

2.2K 53 0
                                    

Pinalabas na muna nila papa si mama nanatili naman ako sa loob ng bahay at pinapakalma ang sarili.

"Stop crying na please. Your son is looking for you."napa tingin ako kay adrian ng sabihin niya iyon, agad ko namang pinunasan ang luha ko at napatayo.

"Can you take care of him first please? Pupunta lang ako sa kwarto."sabi ko agad naman itong tumango kaya pumunta na ako sa kwarto namin at inayos ko ang sarili ko doon.

Halatang umiyak ako dahil sa namumula kong mata at namugto pa. Napailing ako at napatitig sa sarili sa salamin.

Makakaabot kaya sa kaniya to? Malamang sasabihin ni mama. Tsk! Siya pa eh kailangan nga niya ng pera. Hindi ata mabubuhay yun ng walang pera.

"Mommy!"gulat ako napa tingin sa pinto ng bigla itong bumukas at pumasok si gray.

"Y-yes baby?"ngumiti ako sa kaniya agad naman siya lumapit sakin at bigla akong niyakap.

"Did you cry? Are you okay?"tanong niya at tumingin sakin, ngumiti ako sa kaniya at binuhat siya.

Ang bigat na ng baby ko.

"I'm sorry for making you worry."mahigpit ko siyang niyakap. "Happy birthday my love."

"Thankyou mommy!"

Pinaupo ko siya sa kama at tinititigan.

"Gray..."

"Mm?"

"Have you...ever thought about your dad?"mahinang tanong ko at iniwas ang tingin sa kaniya.

Tumabingi ang ulo niya na parang nagtataka sa sinabi ko.

"No po." Nagulat ako sa sagot niya kaya agad akong napalingon sa kaniya.

"No? Kahit isang beses?"

"Hindi po. Tito said he's my tito dad na so I don't have to look for my real dad!"masayang sabi niya natawa naman ako at ginulo ang buhok niya. "Tito also said that it will make you sad kaya... I don't need him."

"Kung ganoon ayaw mo siyang makilala?"tanong ko pa ulit, agad naman siyang tumango . "Why?"

"Do you love him, mom? I mean my daddy?"natigilan ako ng itanong niya iyon, hindi ako nakasagot.

Napa buntong hininga ako at tumingin sa labas ng bintana.

"I don't know... Y-your dad is a---"

"He's a bad guy po ba?"muli akong natahimik at tumingin ulit sa kanya sa huli natawa na lang ako at ginulo ang buhok niya.

"Malalamin mo rin. For now, I want you to grow up and be a good man."

"Yes mommy." Tumango at ngumiti siya kaya tumayo nako at hinawakan ang kamay niya.

"Let's go? Baka hinahanap ka na ng friends mo."tumango siya at lumabas na kaming dalawa sa kwarto.

Hindi ko na nakita si mama noong bumaba kami at nagulat na lang ako ng sabihin ni adrian na umuwi na sila.

"Kumain ba sila?" I asked him while looking at my son.

"No, umuwi sila pagkatapos nilang mag usap ni dad. Umiiyak ang lola mo noong umalis sila at humihingi raw siya ng tawad sa ginawa ng mama mo. Im really sorry. I didn't know this would happen. " mahabang lintaya niya. Ngumiti lang ako at tumango.

"It's not your fault. Ganito man ang nangyari but still thankyou. Kahit na ganun ako kanina masaya pa rin naman akong makita sila. Lalo na si lola ang tagal rin naming hindi nagkita."kumaway ako kay gray nung tumingin ito sakin. "Ang laki na niya hindi ba?"

"Oo nga. Parang dati lang karga karga mo lang siya."

"Mm."

Natahimik kami pagkatapos noon. Natapos ang araw na yun kahit papano ay sumaya naman ang lahat. Masaya rin si gray habang nagbubukas ng mga gift. Nakatingin lang naman ako sa kaniya habang masaya ito sa nakuhang gift.

"Why don't you go on a vacation grace? Baka sa susunod na taon ay mag-aaral na itong si gray at hindi makapag-enjoy."si papa kaya napatingin ako sa kaniya."

"O hindi kaya magvacation tayong lahat."suggest ni tita

"Oo nga naman. Matagal na rin nung huli tayong nagbonding."

"Mag beach kaya ulit tayo!"

"beach? Like lola's birthday?!"natahimik kaming lahat ng isigaw ni gray iyon. "Yehey!"

Nakagat ko ang labi at bumaling sa anak bago ngumiti.

"Do want to go to the beach?"

"Yes mommy! Please! Daddylo? Mommyla? Please!"

"Of course baby boy!"ngumiti sa kaniya si tita saka naman siya bumaling sakin. napabuntong hininga naman ako at tumango.

"We'll go to the beach then."ngumiti ako sa kaniya.

Isang taon na ang nakakalipas, Lola died pagkatapos naming icelebrate ang birthday niya sa isang beach resort. It so sudden na hanggang ngayon ay hindi pa rin namin nakakalimutan iyon. Ang saya saya ni lola ng araw na iyon. Hindi namin alam na pag kauwing pagkauwi namin...babawian siya ng buhay.

Pagkatapos naming magplano para sa bakasyon ay pumunta na ako sa kwarto, bitbit naman ni adrian si gray sabi ay sa kwarto daw niya ito matutulog pero sigurado naman akong mamaya ay kakatok na yun sa kwarto ko at tatabi sakin matulog.

Madalas siyang ganun kapag sinasabi niyang  matutulog siya katabi ni ayen o ni tinay. Babalik siya kapag madaling araw na.

Naligo na muna ako sa banyo. Medyo natagalan pa ko kasi inisip ko ang nangyari kanina.

Hindi naman sana makaabot kay raven ang nangyaring ito. Pero kapag nalaman ba niya kung nasaan ako pupuntahan ba niya kami?

Medyo matagal pa bago makabalik ng manila sila mama kaya medyo nag-aalala rin ako sa kanila.

Ang plano ay pupunta kami ng Australia, tita suggested whitehaven beach Queensland. Agad namang sinang-ayonan ng lahat dahil lahat naman ata kami gustong pumunta doon. Matagal tagal na rin nung huli labas ko ng bansa kaya nakakamiss.

Napabuntong hininga ako bago ko tinapos ang pagligo at lumabas na ng banyo kaso nagulat ako ng makita si gray na naka upo na sa kama at hawak ang cellphone ko habang nanonood ng kung ano.

"I thought you will sleep with tito?"tanong ko agad naman siyang umiling "did you change your mind again?"

"I want to sleep with you mommy!"natawa naman ako at humalik sa pisngi niya.

"Okay then."

Agad akong nagbihis at pinatuyo ang buhok ko saka ko siya tinabihan.

"Baby.. I want to ask you something"

"Yes mom?"napangiti ako ng humikab na siya

"If ever na magkita kayo ng daddy mo...what will you say to him?"hindi agad siya nagsalita at yumakap sa akin.

"Will you love mommy the way i love her..."sabi niya na ikinagulat ko "I hate you..."Unti unti na itong pumikit at maya maya pa ay nakatulog, hindi ako nakapag salita napatitig lang sa mukha ni gray.

____

@ash_aries

Mafia's Baby [Gracianna Vizco  #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon