chapter 29

2.2K 46 2
                                    

Wala talaga sila papa at tita yna maging sila tita mom at tito dad pero paglabas ko may nakita akong dalawang pamilyar na body guard na nakabantay sa pinto.

Kasabay ko na ang doctor ng pumasok pabalik sa kwartong iyon.

"Lagot ka po! She's mad!"

"No, She's not!"

"Mommy is mad!"

"She is not mad!"

"Mommy is mad!"

Masama kong tinignan ang dalawa ng makapasok kami ng doctor.

"Look po daddy! she really is mad!"bulong ni gray at yumakap sa leeg nito.

Ano yan? Okay na talaga sila. Ang ganda naman tignan tsk. Naiinggit na agad ako.

"Bitaw na galit nga!"sabi nito at agad naman bumitaw si gray at bumalik na si raven sa hospital bed niya. Tinignan siya ng doctor at lumapit naman si gray sakin.

"Mommy!"sabi niya at hinalikan ako sa pisngi at yumakap sa leeg ko, ginagawa niya to kapag nagagalit ako sa kaniya at hindi siya pinapansin, naglalambing.

Hindi naman kasi talaga ako galit, hindi ko lang talaga alam ang mararamdaman ko. Sino ba naman ang hindi malilito.

He kissed me!!! Kakagising ko lang at Naco-conscious ako sa amoy ko! Sino namang matutuwa sa ganon? Tsk!
At hindi pa siya magaling tumatayo tayo na siya sa higaan niya!

"Mommy hindi ka po galit sakin diba po?"napatingin ako kay gray, hindi ako sumagot at pinanliitan siya ng mata. "Mommy? Sorry na po!"

Inayos ko siya ng upo sa sofa at tumayo bago dumeretso sa cr.

Inayos ko ang sarili doon at tinignan kung may laway bang natuyo sa baba ko.

Pagkatapos ay lumabas na rin pagkatapos kong maghilamos. Nasa labas ng banyo si gray at mukhang hinihintay ako.

"Mommy sorry po!"sabi niya mukhang naiiyak at niyakap ako sa binti kaya natatawa ko siyang binuhat.

"Mommy's not mad."sabi ko at hinalikan siya sa noo agad naman siyang yumakap sakin

"Grace...let's talk."napatingin ako kay raven ng sabihin niya iyon, seryoso ang mukha nito kaya tumango ako at tinignan si gray.

"Can I go out mommy?" Mukhang naintindihan niya ang sinabi ng daddy niya at gusto niyang iwan kami para makapag usap.

"Ask the man outside to go with you, please take care!"bulong ko at hinalikan ang noo niya, agad naman siyang tumango at naglakad palabas, hinintay ko pang matapos siyang makipag usap sa mga bantay sa labas bago umalis.

Napahinga ako ng malalim bago ako tumayo at lumapit kay raven.

Nanginginig ako sa kaba, hindi ko alam kung ano pag uusap namin, kaya mas lalo akong kinabahan.

Tinapik niya ang gilid ng kama, nakagat ko ang labi at tinitigan lang iyon.

"Maupo ka rito."halos mapudpod ang labi ko kakakagat dahil sa lamig ng sinabi niya, muli pa akong napahinga ng malalim bago lumapit at umupo sa tabi niya.

Ilang sandali kaming natahimik, hindi siya nagsasalita kaya hindi ako mapakali, hindi ko alam kung ako ba dapat ang unang magsasalita o maghihintay na lang ako ng sasabihin niya.

Wala akong nagawa kundi manahimik at hintayin ang sasabihin niya. Hindi rin ako makatingin dahil nararamdaman ko ang titig niya sakin.

Ilang minuto na ang lumipas at hindi pa rin siya nagsasalita, naiilang na ako dahil naka titig pa rin siya sakin, kaya nilakasan ko na ang loob ko.

Mafia's Baby [Gracianna Vizco  #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon