chapter 12

2.4K 48 1
                                    

Hindi ako nag atubiling pindutin iyon at agad na bumungad sakin ang iba't ibang picture ni raven kasama ang isang pamilyar na babae.

Mas lalo lang nangunot ang noo ko ng makilala iyon.

It was the same girl na nakita ko sa opisina ni raven noong nakaraan, what was her name again? Elaine? Ellen i think ellen zeliando. Nagbasa pako ng ibang nakasaad doon.

Ilang beses raw ang dalawa nakitang kumakain at mukhang nagdadate sa iba't ibang restaurant sa mga sikat na five stars hotels. Minsan rin raw silang nagkita pa sa isang party.

Mayroong picture doon napareho silang nakangiti at mukhang naguusap. Ang isa at nakahawak ito sa braso ni ellen at ginagiya kung saan. At ang panghuli doon mas lalo akong magalit.

They were entering a party wearing a formal and elegant attire. Raven's wearing a formal tux he looked neat and cool wearing those tux and madalas niya magulong buhok nakaayos na bagsak lang nahati sa noo niya. At gusto ko iyon.

Ellen look stylish and fierce in her red mixed with maroon glitters nighter dress with a slit on exposing her right leg.

Wala naman sanang problema doon but they look like a sweet couple walking and entering a party. Raven's holding on to her waist like a possessive man afraid to lose her woman.

Pinakilala niya si ellen bilang date niya sa party. When someone ask him about his wife he didn't say anything and just shrugged it off at umalis daw ito agad.

Noong nakaraan lang raw at muli silang nakita sa isang restaurant na naman kumakain ng dinner habang nag-uusap. I remember that day ito yung araw na bumali kami ng damit ng baby. pareho ang suot niya ng araw na iyon at ito rin ang araw na hindi siya sumabay ng dinner samin dahil ang sabi niya ay may business dinner raw itong pupuntahan.

Marami agad ang nag conclude na baka nagdivorce na kami o kaya nagchecheat itong si raven. I was never introduced in public dahil ayaw ko at dahil na rin sa nangyari noon na nalaman ko.

I got more furious kaya wala sa sarili kong tinapon ang cellphone. Parang may mabigat na kung anong pinatong sa dibdib ko na hindi ako makahinga.

"OH MY GOD!"biglang napatayo sa gulat si jenny at tumingin sakin.

Kinagat ko ang labi at mariing hinawakan ang unan na nasa gilid ko, parang kunti na lang mapupunit na iyon. Hindi ko rin maintindihan ang nararamdaman ko na nagagalit, nalulungkot, naiiyak at kung anong hindi ko maipaliwanag.

Galit kong tinitigan ang cellphone.

"Anong nangyari? Ate Grace okay ka lang ba?"agad na lumapit sakin si jenny pero hindi ako sumagot. "Ate grace?"

Natatarantang umalis si jenny sa kwarto ko at agad rin namang bumalik pero may katawagan na sa cellphone. May hawak itong baso ng tubig at lumapit sakin.

Kinuha ko sa kaniya ang tubig at sinubukang pakalmahin ang sarili pero hindi man lang nabawasan ang kung anong nararamdaman ko.

"S-si ate g-grace kasi---"

"Sino yan?"tanong ko at binalik sa kaniya ang baso na agad naman niyang tinanggap at nilagay sa side table.

"S-si sir R-raven po!"

"Let me talk to him."seryuso kong sabi agad naman niyang binigay ang cellphone. "Pauwiin mo muna si adrian at cain please jenny." Mahinahon kong sinabi iyon na agad naman niyang tinanguan at umalis na siya bumaling ako sa cellphone ni jenny at nakitang naroon pa rin si raven.

"Raven!"tawag ko agad naman itong nagsalita

"Love! What happened? Are you okay?"

"Definitely not!"galit kong sabi at hindi na napigilan ang luhang pumatak. "Don't... don't ever come near me again...raven... Let's break up!"

Mafia's Baby [Gracianna Vizco  #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon