chapter 34

1.8K 43 1
                                    

Days and days past...

Everything is coming back to normal. Well except that we have gray, may maingay na sa bahay, and he already had a playmate which is his cousins, Nikolas and yana, a twin.

A year younger than him. Anak ito ng nakakatandang kapatid ni ylona na si yvonne, mas matanda ako ng dalawang taon sa kaniya, I met her days ago, pumunta siya rito kasama ang asawa at anak niya para bisitahin kami, like ylona mataray rin siya pero mabait siya sakin.

Madalas na nga niyang pinapapunta sina nikolas at yna rito para makipaglaro kay gray, kaya medyo mas lalong umingay ang bahay.

"Tita! tita! Can we eat chocolate please po?"nakasimangot na sabi ni yana sakin agad naman akong umiling kaya napairap ito. Natawa naman ako, parehong pareho sila ng mama niya. Nasa dugo nga nila ang pagiging mataray.

"Magagalit ang mommy mo sakin, yana! You have to ask for your mom's permission first!"sabi ko

"Okay."tumango ito at bumalik na sa pakikipaglaro kay gray at nikolas, may kung ano ano pa itong binubulong sa dalawa.

"No. Yana!"

"But, gray?-- to eat -- secret!"

"We cant--mommy"

"Shh--mad! I---"

"Stop---nikolas"

Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nito kaya nakangunot na lang ang noo ko at tinignan silang may kung anong pinaplano, tinawag ko ang isang kasambahay.

"Prepare a hot chocolate and cookies for the kids, paki tago na rin ng ibang naka stock na chocolate sa ref, please."

"Sige po."

Tumayo ako at pinaandar ang TV.

"You guys wanna watch?"tawag ko sa pansin nila

"Barbie! Tita!"

"Superhero, tita!"

Nagkatinginan ng masama ang kambal at agad namang pumagitna si gray sa kanila.

"Do you want to watch separately, then?"tanong ko ulit agad naman silang umiling. ganoon sila, lagi silang nag aaway pero ayaw naman mapahiwalay sa Isa't isa. "What about you gray? What do you wanna watch?"

"Ice age?"mukhang iniisip niya rin kung magugustuhan ba ng dalawa ang gusto niyang panoorin.

"Oh i like that!"

"Yup!"

Natawa ulit ako bago ipinalabas sa tv iyon, agad naman silang nagsi upuan sa sofa at tumutok na sa TV. Hinayaan ko naman sila roon at pumunta ng kusina para tignan ko naitago na ba lahat ng chocolate, panigurado kasi kukunin na naman ng kambal iyon at mabuti na lang ay naitago naman.

"Ako na."sabi ko ng makita ang nakahanda ng meryanda ng mga bata, kinuha ko iyon at hinatid na sa kanila. "Snacks?"

"Wow! Cookies!"

"Hot chocolate?"

"Its still a chocolate."

"Thanks mommy!"

Dahil sa dalawa mukhang nagiging mature si gray, pasaway ang kambal at palaging si gray ang sumasaway sa kanila, neutral rin siya, walang kinakampihan, lagi na rin siyang seryoso kaya nahihirapan ang kambal na kunin ang loob niya para kumampi sa kanila. Tsk tsk!

"Be good, okay? I'm going to check on your dad."sabi ko at ginulo ang buhok niya.

"Yes po" napasimangot naman ito at inayos iyon ulit, hinalikan ko siya sa noo bago pumunta ulit ng kusina, kumuha akong ng snacks para kay raven, he's not into coffee kaya juice ang inihanda ko para sa kaniya, I usually serve him, fruits than sweets at hindi naman siya nagrereklamo, pero sa ngayon bibigyan ko siya ng chicken sandwich.

Nag aalala pa rin kasi ako sa kalusugan niya kahit na ilang linggo na ang nakalipas nang nakalabas siya ng hospital.

Inayos ko sa tray ang snacks niya at dinala iyon paakyat sa opisina niya, kumatok muna ako sa pinto bago iyon binuksan.

"Hi love."ngiti ko ng makita siyang busy sa mga papel niya.

Ilang araw lang bumalik na ulit siya sa trabaho kahit na sinabi ni tito dad na magpahinga muna siya at ito na ang bahala sa company nila, hindi talaga siya nakikinig.

"Mm... how's the kids?" Nilapag ko sa mesa niya ang dala ko bago siya hinalikan sa pisngi.

"Good. What about you? You should take a break!"sabi ko at tinulak sa kaniya ang inihanda kong sandwich, kinuha naman niya iyon at kumain.

"Still have things to manage"

"Is there something wrong?"tanong ko at hinaplos ang buhok niya, he look so restless, madalas ko siyang naabutang nagpupuyat.

"Mm, some annoying client and business partners keep bugging me about a rumored that isn't even true."

"What is it?"

"It's nothing, you don't  have to worry."sabi niya at inubos na ang sandwich pagkatapos ay uminom naman siya ng juice bago humarap sakin.

Parang ayaw niyang sabihin sakin ang problema niya. Hindi ko na lang pipilitin, mukhang stress na siya ayoko ng dumagdag.

"Remember to take a rest." Niyakap niya ako sa bewang at sinandal ang ulo niya sakin.

"I'm resting."

"I mean sleep, rave."sabi ko at  hinila siya patayo. "Sleep atleast an hour or two."

"I have to work."

"Work can wait, please... love?"tinitigan ko siya at tinitigan niya rin ako pabalik.

"Fine."sabi niya at muli pa akong niyakap.

Hinila ko siya ulit patayo at giniya siya paupo sa sofa ng opisina niya.

I let him lay on my lap at take a rest, hinahaplos ko ang buhok niya habang hawak naman niya ang isa ko pang kamay, nag hu-humm ako ng kung anong kanta katulad ng ginagawa ko kapag nagpapatulog kay gray.

I stayed like that for a minute hanggang sa narinig ko na ang malalim na paghinga ni raven na tingin ko'y nakatulog na.

"Sleeptight, my love..."bulong ko pa rito

Hindi ko siya iniwan roon at tinitigan lang siya habang natutulog, napalingon ako sa pinto ng may kumatok roon.

"Daddy? Mommy?"

"Come in gray."mahinang sabi ko tama lang na marinig ni gray, agad naman siyang pumasok.

"Tita yvonne is here na po."si gray humina ang boses niya ng makita si raven na natutulog kaya ngumiti ako sa kaniya.

"Can you say hello for me? I don't think makakaalis ako rito."

"Yes po."sabi niya at lumapit kay raven saka ito hinalikan sa noo. "Sleep well daddy."

Napangiti ako sa ginawa niya, agad rin naman itong lumabas. My baby is so sweet omg!

I giggled and look at raven again.

Pareho sila.

Maya maya ay bumalik si gray at may dalang kumot. "Umalis na po sila, they said 'thankyou' for taking care of the twins."

"Sure thing"ngiti ko tinignan ko lang si gray na kinumotan si raven pagkatapos ay mahina niyang hinila ang maliliit na sofa at pinagdikit saka siya nahiga roon sa tabi ni raven. "You wanna sleep?"

Tumango lang siya at bahagyang hinila ang kumot para magkaparte siya, hinayaan ko siya sa gagawin niya, sinubukan ko ulit mag humm ng kanta ng makaayos na ito ng higa.

Humigpit ang hawak ni raven sa kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya. Dilat na ang mata niya at nakatitig na ito sa nakapikit na si gray.

"You should sleep more."mahinang sabi ko at hinaplos ang pisngi niya kaya pumikit na ulit ito.

Hindi ko rin namalayan ang sariling nakatulog kasama sila.

____

@Ash_aries

Mafia's Baby [Gracianna Vizco  #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon