chapter 28

2.2K 49 1
                                    

Nangingig kong inangat ang tingin at mas lalo lang napaluha ng mag tama ang tingin naming dalawa.

"I'll calll the doctor."dinig kong sabi ni tito at agad na lumabas pero hindi ko pinansin iyon.

"Raven!"

"Daddy..."

Agad akong napatayo at wala sa sariling nayakap siya, pero agad ring nagsisi ng marinig ang daing niya.

"Oh my god! sorry!"agad akong bumitaw sa kaniya at napaiwas ng tingin.

How could I hug him like nothing had happened? I'm shameless!

Napatingin ulit ako kay raven ng muli siyang dumaing. "Gray!"

Gulat ako ng makitang siya naman ang nakayakap sa ama. Pero imbis na pigilan siya ay natakpan ko na lang ang labi ko ng makita ang umiiyak niya mukha.

Hindi siya nagsasalita pero malalaman mo sa lakas ng iyak niya na nangulila siya ng sobra. Narinig ko rin ang hagulgol ni tita.

Tinignan ko si raven na hindi rin makapaniwalang nakatingin kay gray habang tinitiis ang sakit ng katawan. bumaling siya sakin bago muling tumingin kay gray at niyakap ito.

"Daddy! Daddy! Daddy!"

Napaiwas ako ng tingin.

Agad akong lumapit sa isang dispenser at kumuha ng dalawang cup para sa tubig, bago lumapit pabalik kay gray at raven.

"Drink this first."mahinang sabi ko napabaling naman sakin si raven, matamlay akong ngumiti sa kaniya bago umiwas ng tingin.

Pinainom ko silang dalawa ng tubig at tama namang pumasok ang mga doctor.

Hinila ko muna si gray papalayo roon, na ngayon ay sakin na nakayakap.

"Mommy..."napatingin ako kay gray ng tawagin niya ako, hindi pa rin siya kumakalas at nararamdaman ko ang mahina niyang hikbi"Thankyou po."

Hindi ako sumagot at ngumiti lang sa kaniya.

"C-can't you make it fast?"mahina pero dinig kong inis na tanong ni raven. Nangunot naman ang noo ko at tinignan siya.

"Son, calm down!"si tita

"J-just make it fast!"namamaos ang boses nito at nakatingin lang samin, hindi ko mabasa ang iniisip niya.

Hindi ko rin alam kung ano ang reaksyon niya ngayon, kaya hindi ko matagalan ang tingin niya.

Napatingin ako sa pinto ng pumasok si papa kasama si tita yna na agad na tumingin samin.

"Daddy lolo is here."bulong ko kay gray lumingon naman siya bago muling yumakap sakin. "crying is not cool."  Bulong ko pa muli bago pilit na tumawa.

"I'm still cool!"bahagya pa niyang pinadyak ang paa kaya napangiti ako.

"It's done."bulong ko kay gray ng makitang nang lumabas na ang mga doctor kasama sila tito at tita.

"I want to talk to my dad."sabi niya agad naman ako tumango. "Kami lang po!"

"Kahit ako bawal?"tanong ko at tumawa agad naman siyang tumango kaya hinayaan ko na. "I'll stay here then."

Bumitaw siya sakin at humalik sa pisngi ko bago tumalikod at pumunta kay raven, tinignan ko lang silang dalawa.

Nakatingin lang si raven sa kaniya at ganun rin naman si gray, maya maya ay naguusap na sila.

hindi ko maiwasang malungkot ulit habang tinitignan sila. I would love to see this everyday.

Napayuko ako at napabuntong hininga.

"You okay?"napatingin ako kaya tita yna ng lumapit siya sa akin.

"Okay lang po."

"Sana makapag usap kayo ng maayos."sabi niya at tumingin kay raven at gray na ngayon ay nakangiti na. "He look so happy, they both are."

Malungkot akong ngumiti at sumang-ayon sa sinabi niya. Ang saya nga nilang tignan.

Masaya kaya kami kung hindi nangyari iyon dati? Masaya kaya kami kung nakapag usap kami ng maayos.

"Naaalala mo pa ang sinasabi ko sayo dati?"sabi ni tita kaya napatingin muli ako sa kaniya, umiling ako ng walang matandaan.

Napangiti siya kaya napatingin ako kay gray at raven.
Gray is talking about something and raven's just smiling while listening to him.

"Ikaw ata itong mas matanda satin ah."natatawang sabi ni tita at hinaplos ang buhok ko. "I once told you to 'Expect nothing and turn back without losing anything. Maganda man o masama ang maging resulta ng relasyon ninyo you still have gray with you."

Napatanga ako bago tumango ng maalalang sinabi niya nga iyon dati pero agad rin napailing.

"Pero si raven...."napatingin ako kay raven "he has the right to do whatever he wants with gray, he lost 5 years thinking our son doesn't exist."

"That's why you have to fix your relationship, hija"muling akong napayuko.

Maayos pa kaya namin? How about the girl he suppose to marry? Napabaling ako kay tita mom. Tatanggapin pa kaya nila ako.

Napabuntong hininga ako at napailing.

"I'll respect whatever his decision will be."sabi ko at natahimik na kami

Napasarap ata ang kwentuhan ni gray at raven ng tumagal ito at dahil galing pa kaming sa byahe at hindi pako nakakapagpahinga hindi ko na namalayang naka tulog doon.

Hindi ko alam kung anong oras na pero nagising ako medyo madilim na, wala nang tao sa at may kumot na nakabalot sakin kaya gulat akong napabangon.

"Aray!"

"Ouch!"

"Ah, mommy!"

Napahawak ako sa ulo ko ng magkauntogan kami ni raven, agad ring nakabawi ng muntik ng mahulog si gray na hindi ko man lang napansing nakahiga sa tabi ko.

"W-what are you two doing here!"gulat kong sabi habang inaayos paupo si gray, napatingin ako kay raven at ganon na lang ang gulat ko ng bigla niya akong halikan.

"Goodmorning..."sabi niya muntik na namang mahulog si gray mabuti na lang at nasalo niya dahil hindi ako nakagalaw sa gulat. "Hey!"

"S-sorry!"sabi ko pa pero hindi ako nakagalaw, dinig kong tumawa ito.

"Mommy!"si gray at masama akong tinignan.

"I said sorry!"guilty'ng sabi ko, napailing naman ito na parang animo'y matandang namomroblema, bago siya humalik sa pisngi ko.

"Goodmorning mommy!"

Agad akong napabaling kay raven at masama siyang tinignan.

"You should be in your bed!"hindi siya sumagot at tumitig lang sakin kaya naiilang akong umiwas ng tingin, tinignan ko ang higaan niya at napailing ng makita ang inalis niyang swero sa kamay.

"I was just watching you sleep!"nangunot ang noo ko ng sabihin niya iyon.

At bakit naman niya gagawin iyon?

"Bumalik kana sa higaan mo, tatawagin ko ang doctor."sabi ko at agad na tumayo.

"Mommy is mad."bulong ni gray pero hindi ko na sila pinansin at tumawag na ng doctor.

_____

@ash_aries

Mafia's Baby [Gracianna Vizco  #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon