chapter 38

1.8K 43 2
                                    

"Mommy! Mommy! Wake up!"dinig ko ang mahinang boses ni gray na agad naman akong napabangon, nilingon ko ito akmang magsasalita na ako ng sinenyasan niya akong tumahimik."shh daddy's asleep."

Gulat akong tumingin sa gilid ko at nakita si raven na natutulog, ngayon ko lang rin naramdaman ang kamay nitong nakapatong sa akin.

"Kailan pa siya dumating?"

"I don't know po, but I heard tito gavin's voice sa baba." Ibig sabihin nandito rin ang ibang pa niyang pinsan?

"Bumaba ka na muna, greet them first susunod ako."ngumiti ako at hinalikan siya sa noo, tumango lang siya at agad na umalis.

Ibinalik ko ang tingin kay raven, mukhang pagod na pagod siya. Nahiga ulit ako sa tabi nito at siniksik ang sarili sa kaniya.

"Miss me that much?"hindi na ako nagulat ng magising siya, mas hinigpitan ko na lang ang pagyakap sa kaniya bilang tugon. "I can't stop thinking about you crying in my arms while begging me not to leave."

Hindi ako sumagot, hinaplos niya ang buhok ko at niyakap ako pabalik.

Bigla ay hindi ko na maalala ang nakakatakot na panaghinip na iyon.

"Tapos na...tapos na ang lahat."

Kumalas ako sa kaniya at naupo ulit para harapin siya.

"Anong nangyari?"tanong ko ngumiti lang siya at inabot ang pisngi ko, hinawakan ko naman ang kamay niyang naroon. "You won't tell me?"

"Nah, it's nothing."

Paano naman naging 'nothing' yon? Siraulo ba siya?

Tsk!

Tumayo na ako at nagbihis, nakatingin lang naman siya sakin kaya pinangkunotan ko siya ng noo.

"Bumaba kana. Naghihintay ang mga pinsan mo roon."sabi ko at pumasok ng banyo.

Paglabas ko nandoon pa rin siya at nakangusong nakaupo sa kama.

"What? Hindi ka ba bababa?"tanong ko umiling lang siya kaya tinignan ko siya ng masama at sinuklay na ang buhok ko, I'm putting some light make up on my face nang bigla siyang at lumapit sakin.

"Why do you have to put those---things on your beautiful face!"ngumiwi siya habang tinuturo ang mga make up kong nasa drawer. "Naglalagay ka rin ba nyan dati?"

"Why? Naglalagay na naman ako nito since college, hindi naman lagi at light lang."sabi ko at tinignan ang mukha ko. "Pangit ba?"

"Nagpapaganda ka ba, para kanino? And you're way more beautiful without make up!"sabi niya at bahagyang  binura ang powder na nilagay ko kaya agad ko siyang siniko napaatras naman siya.

"Nasa baba ang mga pinsan---"

"May nagugustuhan ka ba sa mga pinsan ko? Why would you---"

"What I mean is nasa baba ang mga pinsan mo kaya bumaba kana, naroon din si gray kaya samahan mo muna sila roon---"

"I'll wait for you."

"Raven!"inis na singhal ko at tinapos na ang paglalagay ng powder sa mukha.

"Grace!"masama ko siyang tinignan ng ginaya niya ang boses ko na parang nangaasar.

"Ngayon ayaw na kita makita! Nakakaasar ka!"inis ko sabi at pinagtutulak siya palabas.

"Ah talaga?kaya pala nagmakaawa ka saking wag kang iwan---"

Tinakpan ko ang tenga ko at sinipa siya pero agad niyang hinawakan ang paa ko para pigilan ako sa pagsipa.

"Talaga grace? Ayaw mo akong makita?"hinampas ko na naman ulit siya kaya binitawan niya ang paa ko at kamay ko naman ang pinigilan.

Mafia's Baby [Gracianna Vizco  #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon