chapter 5

3.6K 67 6
                                    


"Lea!"tawag ko

"Oh my god geanna! Okay ka lang ba? May masama bang nangyari sayo? Bakit ang tagal mong umuwi? Nagaalala ako sayo!"sunod sunod na sabi nito halos hindi ko pa masundan.

"Kalma ka lang ate!"natawa ako ng tawagin siya ate ni Adrian.

"Hoy anong ate! Teka sino ba tong mga to?"tanong ni Lea at tinuro ang dalawa.

"Si Adrian at Cain nga pala ito si Lea uhh---"

"Ano? Okay ka lang ba? Hindi ka naman napagod? Wala namang nangyaring masama sayo?"

"Ah oo lea okay lang ako."ngumiti ako sa kaniya. "Mauna na muna kami papasok may gagawin pa kasi ako."

"P-pero---"sabi nito at tinignan ang dalawa kong kapatid at tinignan ng masama.

"Sige lea!"sabi ko at pumasok na kami sumunod naman ang dalawa.

Inayos ko ang mga gamit ko habang ang dalawa naman ay nagtitingin sa paligid. Mukhang hindi nagugustuhan ang nakikita.

Pagkatapos ay nagpaalam ako sa receptionist, at agad rin namang bumalik ng bahay. Hindi ko na ulit nakita si lea kaya hindi na ako nakapagpaalam.

"You're back!"salubong ni tita kaya ngumiti ako sa kaniya. "Halika na ihahatid kita sa kwarto mo."

"Salamat po."

Hinatid nga niya ako sa kwarto at sinaulo yung lugar ayoko na kasing maligaw ulit.

"Magpahinga kana, grace you need some rest"tumango lang ako kay tita at nagpahinga na nga.

Kinabukasan ay sinamahan ako ni tita sa hospital para magpacheck up, marami na namang ginagawa dahil bago na naman ang obstetrician doctor ko, hindi ako sanay dahil mas gusto ko ang personal doctor ni raven na si doctora reyes, mas marahan kasi siyang kumilos at gusto ko iyon.

Kahit ganun hindi ko naman siya pwedeng lapitan dahil lang sa siya ang gusto ko. At paniguradong malalaman iyon ni raven.

Sa sumunod na mga buwan wala akong ibang ginawa kundi magpahinga, gusto ko sanang may gawin kahit ang maglinis man lang ang kaso ay ayaw naman ni tita.

Sinubukan ko ring tanongin si papa kung pwede ba akong magtrabaho sa kompanya niya pero ayaw niya rin.

Kaya wala kong nagawa kundi magchill lang sa bahay. May ina-assign din silang nurse na nagbabantay sakin kung sakaling may mangyari sakin at sa baby, medyo mas lumalaki kasi ang tiyan ko at nahahalata na ang baby bump ko.

Mas madalas na rin kasi lumalabas ang symptoms ng pagbubutis ko, kaya medyo nahihirapan ako.

"Jenny."tawag ko sa nurse agad naman itong lumapit.

"Bakit po maam?"tanong niya napasimangot naman ako.

"Grace nga!"

"Bakit po maam grace?"mas lalo akong napasimangot.

Ilang beses ko na kasi siyang sinabihan na ate grace na lang ang itawag niya saakin dahil hindi naman nagkakalayo ang edad namin kaedad lang naman niya si cain.

"Sorry po iyon po kase ang utos ni tita marya sakin."sabi nito

"Sino ba boss mo?"tanong ko natahimik naman ito. "Grace na lang ang itawag mo saakin!"

"Sorry po. Opo."

"Oo nga pala, wala pa ba sila tita?"

"Wala pa po eh, bakit may gusto po ba kayong kainin?"tanong niya nagisip naman ako, bigla namang nagsipasok sa isip ko ang mga pagkain kaya agad akong nagutom.

"I want fresh strawberries!" Sabi ko hindi agad ito umalis kaya tinignan ko siya."bakit?"

"Eh kasi po a-ate grace... Medyo malayo po ang pinakamalapit na pagkukunan ng strawberry na gusto niyo baka po matagalan sila. "sabi niya tumango lang ako sa kaniya at bumalik sa panonood ng tv.

Ilang oras na kong naghihintay wala pa rin iyong strawberries kaya naiinip na kong lumabas ng bahay. Mabuti na lang wala si ate marya kaya nakatakas ako.

Nilakad ko ang village nila hanggang makalabas, hindi naman sobrang layo pero napagod ako, medyo bumigat kasi ang katawan ko.

Nilingon ko ang pinanggalingan, naisip kong bumalik, mas maganda ngang mahiga na lang ako sa kwarto ko kesa may gawin, napasimangot ako.

Naiiyak kong tinignan ang gate ng village at tinignan ulit ang daan pabalik. Uwaa hindi ko na tuloy alam ang gagawin.

Naglakad na lang ulit ako sa gate, nakita ako ng guard kaya agad itong lumapit sakin.

"Goodmorning maam, may maitutulong po ba ako?"tanong nito

"Strawberries..."naiiyak kong sabi

"P-po?"

"I want to eat strawberries---"

"T-teka lang po maam! Saang residence po ba kayo? B-baka may magagawa sila..."

Umiling ako sa kaniya. Naisip ko si raven.

Right! Maraming strawberries si Raven! Sa kaniya na lang ako pupunta!

"Si raven! Raven--- residence?  Dalton?"hindi ko maalala kung anong tawag sa residence ni raven kaya naiiyak akong tumingin kay kuyang guard.

"S-sandali po maam tatanongin ko po."sabi nito at umalis, napailing ako ay lumabas ng gate ng hindi nagpapaalam.

Pumara ako sa isang taxi, sinabi ko ang alam kong address ni raven at agad naman itong nag drive.

Nakarating kami sa gate nila, bumaba ako at agad naman akong nakita ng isa niyang butler at gulat na lumapit sakin.

"Madam!"

"Kuya nandito po ba si Raven?"tanong ko umiling ito kaya tinignan ko ang taxi na naghihintay "p-paki bayaran naman po muna please!"

Tumango ito at agad na lumapit sa taxi pumasok ako sa loob at nagulat ang lahat ng butler at mga namamahala sa bahay ng makita akong papasok ng bahay.

Wala ako ni isang pinansin at dumeretso sa kusina nila.

"Jusmeyo!"gulat na sigaw ng isang katulong ng makita ako pero hindi ko ito pinansin at nilibot ang tingin sa paligid.

Halos sumigaw ako sa tuwa ng makita ang nagkukumpulang mga strawberry sa isang lalagyan, agad akong lumapit doon at naupo sa isang high chair saka nilantakan iyon.

Ilang minuto akong kumakain doon at hindi pinansin ang tingin ng mga taong nasa paligid ko, mukhang nagulat talaga sila sa pagbalik ko.

"Grace! Jusko kang bata ka! Saan ka ba nang galing?"si yaya tinignan ko lang siya at hindi sumagot.

"Madam..."

"Mabuti naman po at bumalik ka na"

"Oo nga po mas lalo po kasing nakakatakot si sir."

"Hoy ano ka ba naman rose!"

Nagpatuloy ako sa pagkain at napatingin lang ulit ako sa kanila ng isa't isa silang nagsi alisan.
Halos mapatalon ako sa gulat ng may marinig na may nabasag kung saan.

Takot ako napatingin sa sala ng makita ang pagkabasag ng isang vase...si Raven.

___

Ash_Aries

Mafia's Baby [Gracianna Vizco  #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon