THREE

71 3 0
                                    

"Madi!!! Danya!!! Dito!" Sobrang lakas ng sigaw ni Alex kaya kahit na ang layo ko pa ay nakita ko na siya na may hawak pang placard at may nakasulat na 'Welcome Home Madi!' Napatakbo naman ako kaagad sa kanya with open arms.

"Madi huhu. I miss you!!"

"WAAAAHHHH!!!" At magkayakap kaming nagtatalon-talon at paulit-ulit na binabanggit ang pangalan ng isa't-isa. Mukha kaming tanga sa ginagawa namin, mabuti na lang at natutuwa yung mga nakakakita dahil normal naman na itong eksena sa mga airports.

"Grabe totoo nga ang glow-up! Ikaw pa ba ang Danya na kaibigan ko? Saan na napunta yung mukhang patatas kong kaibigan? Yung makakapal mong eye liner at maiikli mong kuko? Madi na'san na yun?" Natatawa kami pareho sa ginagawa niya, na iniikot-ikutan pa ako habang pinipisil-pisil ang buong katawan. Nakakakiliti tuloy.

"Ano ka ba madi, ako lang to oh? Para namang hindi mo ako nakikita pag nag v-video call tayo."

"Oo alam ko naman yun, pero iba pa rin talaga pag nakikita na ng mga mata ko sa personal, tipong mas may buhay ka ng tignan ngayon. Tsaka itong pagiging blodenang kulot mo rin ay mas bumagay sayo. Waaahhh grabe, siguradong maglalaway sayo ang mga single nating ka-batch mate. Ay mali, baka pati nga yung mga may asawa na eh." I am wearing, a fitted, turtle necked, orange long sleeves, silver necklace on top of it at naka tucked-in sa black jeans with two inches heels shoes.

"Hoy! Hahahaha ang sagwa ng mga pinagsasabi mo. Tumigil ka nga." At ikinawit ko na sa braso niya ang kamay ko para igiyang maglakad.

"Seryuso, napakasopistikada mong tignan at mas mukha ka nang normal na tao ngayon. Hahaha!"

"Alam mo bwisit ka. Wala ka pa ding pinagbago."

"Tss. Agree."

We both laughed.

Wala na kaming lakas nang marating ang pick-up truck na dala ni Alex.

"Gara ng sasakyan ah." Papuri ko, habang sinusuri ang makintab na itim na sasakyan sa harapan ko.

"Syempre naman, ako pumili niyan!" At pumasok siya sa driver's seat.

"Halata nga. Ganitong-ganito ang style mo eh. Napakaimposibleng si kumpare ang mag maheno ng ganitong klaseng sasakyan!" Tumawa ako bago sumakay.

"Sinabi mo pa! Eh napakaarte ng roommate ko na 'yon." Then she started the engine.

"Teka nga. Madi parang ano eh..."

"Ano?"

"Umm parang may nakakalimutan yata ako..." Pakiramdam ko talagang may kulang.

......

"Madi, YUNG BAGAHE KO!"

"Shuta, oo nga!"

Mabilis naming binalikan ang mga bagahe ko sa loob ng airport at halos mamatay na sa kakatawa nang makabalik kami sa sasakyan. Good thing na nga rin at pick-up truck ang dala ni Alex, good for my baggage. Pero konti lang naman ang mga dala ko, mostly yung mga naipon kong pasalubong kay Alex at sa ibang family members dito sa Pinas. Wala rin naman kasi akong balak na mag stay ng matagal dito.

"Madi, may pagkatanga ka pa rin pala talaga no? 'Di ka pa rin nagbabago." Natatawang aniya habang nakatingin lang kami sa isa't-isa sa loob ng sasakyan at bumabawi ng hininga. Sa bahay muna nila dito sa City kami mag i-stay at bukas na ulit bi-biyahe papunta sa probinsya.

"Ewan ko ba, ikaw din nga halos wala ka ring pinagbago." Kasi naman, noon hanggang ngayon ay may pagka boyish pa rin talaga ang babaeng 'to. Mula sa taste sa sasakyan tapos pananamit Alex na Alex pa rin. Tsk. Siga-siga yan noon haha.

Youth In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon