Nasa practise pa si Nik. Ayoko naman i-text o ano man iyong si Kuneho at baka makaistorbo ako sa kanila ng girlfriend niya.
Lintik na. Paano na naman kaya ako uuwi nito?
"You know what, Danya?"
I know, Francis is talking to me pero hindi ko ma process iyong sinasabi niya. Patuloy lang ako sa pagsalansang ng mga librong ilalagay namin dun sa storage room.
"Danya, will you please stop?! Alam mo, panggulo ka lang sa ginagawa ko. Dun ka na nga!"
Pwersahan niyang inagaw ang librong hawak ko at malakas iyong ibinagsak sa loob ng kartong pinaglalagyan namin.
Nagulat ako sa ginawa niya kaya natameme ako ng ilang segundo.
Kumuha ako ng isang libro at pabagsak rin iyong inilagay doon sa karton bago ako umalis sa harap niya.
Problema niya? Okay naman siya nung mga nakaraan, tapos ngayon kung magsungit akala mo siya lang marunong.
Kung ayaw niyang nag-aayos ng books, edi dun ulit siya sa counter. Sino ba kasing nagsabi sa kanya na kailangan ko ng tulong? As far as I'm concerned, I don't.
Natapos ang shift kong badtrip ako.
Kairita!
Sumasakit ang ulo. Ang dami na naman kasing emosyong parang nag bungee jumping sa pagkatao ko. Thinking all about it right now, pakiramdam ko naubos ulit ako.
Tipong battery ng phone na konting charge pa nga lang tapos na drain ulit.
Kapag nagpatuloy 'to, panigurado magkakasakit na talaga ako.
Ewan ko ba. Nabibigla yata ang katawan at kaluluwa ko sa mga ganap sa buhay ko lately. Ang daming ganap!
Hawak-hawak ang sentido ay naglalakad ako patungong gate. Bahala na. Basta sasakay na lang ako ng jeep tapos pagdating dun sa babaan lalakarin ko na lang.
May lumipad namang bag sa harap ko. Buti na lang at mabilis ang reflexes ko kaya nasalo ko ito agad.
"'yon oh! Nice catch, Genie!" Ibinaba niya iyong pusa bago tuluyang lumapit sa'kin. "Ikaw ang daya mo. Bigla ka na lang nawala kanina. Iniwan mo ako kay Julie." Nakapagkunot ang noo niya at nakanguso ang labi.
Anong ginawa niya dito? I am expecting na kasama niya pa hanggang ngayon ang girlfriend niya. Mukhang miss na miss naman nila ang isa't-isa, halata naman kanina.
"Hindi naman sa nagrereklamo ako ah, kasi masarap naman kasama iyong si Julie. Tawa nga ako ng tawa, pati nga iyong teammates ko napapatawa niya. Pero kasiiii, umm..."
Hindi ko na talaga alam ang gagawin sa lalaking ito. Can't he read the atmosphere? I clearly don't want to talk right now pero ayan siya ang daldal. I wonder kung ito ang nagustuhan sa kanya ng girlfriend niya.
"Natatakot ako, baka awayin siya nung ilan sa soccer team. Panay kasi haplos niya ih, kung sa akin lang wala namang kaso iyon at magkaibigan naman kami, pero sa iba alam mo na. Hehe," Bulong niya sa'kin.
"Bakit pala ganyan ang suot mo? Sa'n mo yan nakuha?" Hinawakan niya pa ang magkabilang balikat ko at pinihit ako patalikod para makita niya ang kabuuan ng suot ko. "Bakit may nakalagay na 'Faculty'?"
"Ang ususero mo!"
"May nangyari ba sa uniform mo? Next time sa'kin ka na manghiram, branded pa ipahiram ko sa'yo."
Tss. Ang yabang talaga.
Halos "ah", "okay", "sige", lang ang mga sagot ko sa lahat ng kwento niya buong biyahe.
BINABASA MO ANG
Youth In Love
Teen FictionYou know what, I've been cracking my entire brain cells to come up with a catchy description but I just couldn't fully decide. So I guess, it's best if you would just give this a chance and judge it afterward. Read this story and then pag-usapan na...