THIRTEEN

53 2 0
                                    



Halatang nagulat si Nik nang makita niya ako kaya ilang segundo rin siyang natulala. Pero agad niya naman akong nilapitan at hinawakan ang kamay nang matauhan siya. Kaya lang medyo awkward ang ngiti niya, siguro dahil rin doon sa kung sino man ang kausap niya kanina.

"Babe, bakit ka nandito? Pupuntahan pa lang sana kita mamaya eh."

"Baka kasi hindi ka nag-almusal kaya dinalhan kita ng pagkain." Ngumiti siya at kinain agad 'yong burger.

Naupo kami sa isang malapit na bench para mas maayos siyang makakain. Namimiss ko na talaga siya pero kailangan kong tiisin dahil alam kong importante sa kanya ang baseball.

"Babe, tignan mo yang mga ka-team ko parang nakainom ng ilang energy drink sa sipag mag exercise," sabi niya kahit na punong-puno ang bibig. "Excited na mga yan para makapaghunting ng mga babae." Napangiti na lang rin ako habang pinapanood ko siyang magsalita, "kaya babe, 'wag kang lalapit sa kahit na sino sa mga yan buong foundation week ah. Nagiging halang ang mga bituka niyan sa mga ganitong panahon." Tuluyan na akong natawa dahil sa sinabi niyang iyon.

Dahil sa mga ganitong kwento ni Nik ay pakiramdam ko kahit paano'y kilala ko na ang teammates niya. Hindi niya pa kasi ako pinapakilala sa kanila ng pormal hanggang ngayon. Ang sabi niya lang sa'kin na iniisip niya lang daw ako lalo na ayokong napapaligiran ng maraming tao.

Totoo naman iyon pero kasi syempre para sa'kin na girlfriend niya gusto kong ipapakilala niya ako sa mga kaibigan niya. Para kasing dagdag assurance 'yon na seryuso nga siya sa kung anong meron kami.

Kaya lang hindi ko naman masabi sa kanya na 'yon 'yong gusto ko. I want him to realize it by himself. I want him to show me off dahil 'yon talaga ang gusto niyang gawin. Pero sa lagay na 'to malapit na kaming mag isang taon pero parang wala pa rin talaga siyang balak.

"Mga brad, easyhan niyo lang!" sigaw niya.

"Gago! Halika na dito at mag praktis," sigaw rin sa kanya pabalik nung isang player.

Tumayo na rin siya at hinalikan ako sa noo, "I'll see you later."

***

Gaya ng inaasahan ay napakaraming tao dito sa eskwelahan.

Halos siksikan na rin kaya ang hirap makadaan. Ang lakas-lakas pa ng sound systems kaya hindi na rin magkarinigan.

Naiirita ako sa ingay pero wala akong magagawa. Kailangan kong pumasok para sa attendance at saka may library duties pa ako mamayang gabi.

Magmula kanina ay napakarami nang ganap. Mula sa introduction ng mga big bosses ng school, mga invited guests, faculty, entrance performances ng iba't-ibang sports team ng school gaya ng basketball, volleyball, soccer team, at marami pang iba. Pero syempre ang pinakatinutukan ko ay ang sa baseball team, halos dalawang minuto lang sila sa gitna ng grounds pero 'yong sigawan ng mga tao ay talagang nakakabingi.

Ang dami ring babaeng may dalang placard o kaya banner na may mukha ni Nik. Hindi pa siguro nila alam na iba na ang face ng Fortuna kaya ganyan.

Kaya lang ewan ko ba, alam kong dapat maging masaya ako kasi 'yong lalaking hinahangaan nila ay boyfriend ko na pero sa halip ay nakaramdam na naman ako ng insecurities. Ang gaganda kasi nila, mukhang mayayaman, hindi kumplekado ang buhay at pagkatao, at lahat sila naghihintay lang na pansinin ni Nik.

That scares me.

Tinugunan ko ang ngiti ni Nik nang magawi ang tingin niya sa'kin. Nakaupo na kasi sila sa gitna ng grounds at ako naman nasa unahan malapit sa stage dahil dito ako pinapwesto ni Kuneho. Ayoko nga dapat kaya lang nagpumilit na itong sina Alex, Massie, pati na si Julie na may mga hawak na placard at banner na nakalagay naman ang mukha at pangalan ni Kuneho,

Youth In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon