EIGHT

56 3 0
                                    



"Pare, sa tingin ko. You're taking what's mine." May diin ang boses ni Nikolai at kita ring mas humigpit ang pagkakahawak niya kay Lee Ross which makes him to flinch a little.

Halos magkasing-tangkad lang sila but Nikolai is a lot bulkier kay Lee Ross dahil na rin siguro sa pagiging athlete ni Nik.

"Ikaw pala yung Nikolai na sinasabi nila," sagot nitong kuneho na tila di man lang naintimidate kay Nik. "Lee Ross nga pala, close friend ni Genie – este Danya."

Tinignan naman ako ni Nik as if saying, 'sino 'to, ba't ngayon ko lang nakita?' look. Hindi ko naman alam kung paano ipapaliwanag kaya nataranta akong tumayo at kinuha sa kamay ni Lee Ross ang baon ko pati na ang tray na dala ni Nikolai nilapag ko rin sa mesa.

Inalis ko rin ang pagkakahawak ni Nik kay Lee Ross at namumula na yung kamay nung tao. We are also starting to attract more attention kaya dapat matigil na 'to agad para di na umabot sa mga teachers.

"Nikolai, boyfriend ni Danya," nagtitigan lang sila na animo'y nagsusukatan ng tingin.

Alam kong hindi ito ang tamang oras para kiligin pero kinikilig ako. First time kasing sabihin ni Nik na boyfriend ko siya sa harap ng maraming tao. Mahiyain kasi siya kaya nga halos pictures niya lang tsaka mga tungkol sa sports lang ang laman ng social media niya. Hindi rin naman kasi namin ina-advertise ang relationship naming dalawa para umiwas sa gulo. Kaya naman, him saying those words right now makes me feel assured. Yung doubts ko lately, unti-onti ulit na nawawala.

Napayuko na lang ako para itago yung ngiti sa labi ko.

"Ok. N-nice to meet you." Inilahad niya ang kamay niya for a hand shake. Tinaggap naman ito ni Nik pero sobrang bilis lang at napasalubong pa ang mga kilay niya. Humarap naman siya sa'kin at tinignan yung baon ko.

Hinawi ko ito palayo saka kinuha yung tray ng pagkaing binili ko sa kanya kanina, "ililibre na lang kita ng mamahaling pagkain sa sunod, okay?" Pabulong kong sabi sa kanya, sabay hinila ko siyang maglakad pabalik sa table nila dala yung pagkain niya.

"Pero, mas gusto –"

"Ssshhh!" pigil ko sa kanya. Lumingon pa siya sa kinatatayuan ni Nik bago tuluyang maupo.

"Promise yun ah?" Nakapout na naman siya.

"Oo na." Mabilis kong sagot at bumalik sa pwesto namin kung saan nandun si Nik na sinimulan nang kainin yung baon ko.

Usually kasi sa kanya ko pinapakain yung baon ko dahil mas marami ang laman kumpara sa canteen, para mas nabubusog siya lalo na't lagi siyang nagpapagod. Kaya niya na rin nasabi yun kanina.

Sinimulan namang mag kwento ni Massie ng tungkol dun kay Lee Ross pero sinenyasan ko siyang 'wag nang banggitin yung tungkol sa insedente. Kaya yung information lang din na galing kay Ayesha ang nasabi niya kay Nik.

Si Alex naman, nakafocus lang sa pagkain at sumasabat paminsan lalo na kung pang-asar o kaya'y sarcasm yung sasabihin niya. Ganyan siya sa tuwing kasama namin si Nik.

"Kung bago lang siya rito, bakit sabi no'n close raw kayo?"

"Feeling close kasi. 'Wag mo ng pansinin weird lang talaga yun," sabay subo ko sa kanya ng pagkain.

"Pansin ko nga," tinignan niya naman yung kamay niyang pinang-shake hands kay Lee Ross tapos napailing.

"Kumusta pala quiz mo kanina?"

"Ayun pasado naman," nginitian niya lang ako at nagpatuloy sa pagkain.

Last subject na namin sa hapon at busy na ring mag-ayos ang mga kaklase ko. Yung dalawang assigned na cleaners naman ay nagsimula nang burahin ang mga nakasulat sa board.

Youth In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon