Sa classroom hindi na kami nagpapansinan nung Kuneho na yun, busy siyang makipag-biruan sa mga kaklase namin, pati nga sina Alex at Massie aliw na aliw sa mga supposedly funny but unbelievable stories niya. Buti na lang at wala kaming first period ngayon.
Ang pinagtataka ko lang ay kung bakit ang dali niyang napalagayan ng loob ang mga kaklase namin. Ano bang meron siya for them to easily like him? Kasi ako sa totoo lang, I find it hard to like people that much and that easy. Siguro dahil ayoko lang na nagpapasok agad-agad ng mga tao sa buhay ko, kasi ibig sabihin lang din nun na I am giving them the opportunity to hurt me in the future since relationships or connections also means attachments.
Hanggang ngayon nga halos kasya lang sa mga daliri ko sa kamay ang mga taong pinagkakatiwalaan ko at maituturing na malalapit sa'kin sa loob ng eskwelahang ito. Pero syempre I still maintain a civil relationships with everyone as much as possible.
Kaya nga nakakamangha rin on the other side ang mga gaya niyang people smart. But that is also one of the reason bakit kailangan kong umiwas sa kanya. Being connected with him also means diving in into his interconnected webs or relationships and that's really isn't my cup of tea. Plus the fact na parang kakakambal rin niya ang kapahamakan. Kaya iwas na lang talaga sa lalaking Kuneho – este transferee, ah eh, ano nga ulit ang pangalan niya?
"Lee Ross!"
Tama, Lee Ross nga. Ay wait, sino yung sumigaw ang sakit sa tenga.
Nagpulasan naman ang kumpulan nila to give way sa nagmamagandang si Ayesha na basta na lang pumasok ng classroom namin.
"Guys sino may laboratory class ngayon? May nakawalang frog oh, pls pakidampot naman!" Sigaw ni Julie sa hallway kung saan may ilang estudyanteng nakikiusyuso. Pigil naman ang pagtawa nilang lahat lalo na't pinandidilatan sila ni Ayesha.
"May nasabi ka ring tama, Hulyan." Singit ni Alex kasabay ng mabagal na pag palakpak niya. Basta talaga pagdating kay Ayesha nagkakasundo ang dalawang 'yan. Tinaasan lang naman siya ng kilay ni Julie as if saying 'I know, right?'
"Excuse me? Are you referring to me?" Nagpataasan pa sila ng kilay.
"Hello girl? Sino pa bang mukhang palaka dito, eh ikaw lang naman?! Duh!" Napasnap pa siya ng fingers at halos mabalian ng leeg sa pag hilig pa-kaliwa at pa-kanan.
Na pa padyak na lang si Ayesha at alam niyang hindi siya mananalo sa tarayan kay Julie, "may oras ka ring sa'king bakla ka!"
"Yes I'm bakla. Loud and proud!" Nagpose pa ito na animoy isang beauty queen.
"Grrrrr, I hate u!"
"Gooorlll, same."
Ang sarap talagang manood ng mga ganitong eksena, mukha silang mga tanga.
Dineadma na lang siya ni Ayesha at lumapit pa kay Lee Ross.
"Oh! Ikaw yung nagbigay ng pagkain sa'kin kahapon di'ba?" Masayang sabi naman nung Lee Ross na ikinakunot noo naman ni Ayesha.
"Yes, that was me and my name is Ayesha, nakalimutan mo na agad?" Tinaasan niya ng kilay ang lalaki, "Anyway, I am here to inform you na ikaw ang napili kong maging escort ko sa Founding anniversary ng school next week. I'll text you the details." Inilahad niya ang palad niya sa harap nung Kuneho.
Teka nga, who is she to decide that? Ang alam ko automatic na si Nikolai dapat yun dahil siya naman yung official endorser at face rin Fortuna. Si Ayesha ang muse at si Nik ang escort. Ano, ganun-ganun na lang na papalitan niya si Nik? Alam kaya ni Madam Merced ang tungkol sa pinag-gagawa ng babaeng 'to?
"Akin na. Your phone. Bilis."
Binigay naman agad nung Lee Ross ang cellphone niyang mamahalin. Pagkatapos ay umalis rin naman si Ayesha na inikot-ikutan pa ni Julie hanggang makalabas ito ng room.
BINABASA MO ANG
Youth In Love
Teen FictionYou know what, I've been cracking my entire brain cells to come up with a catchy description but I just couldn't fully decide. So I guess, it's best if you would just give this a chance and judge it afterward. Read this story and then pag-usapan na...