FOUR

69 3 0
                                    

//YEAR 2017//

Isang kanto bago ang eskwelahan ay hindi ako magkandaugaga sa pag-aayos ng sarili. Na late kasi ako ng gising kaya ito late na naman. Matapos kong suklayin ang mahaba kong buhok ay nilabas ko na ang pangmalakasan kong liquid eye liner.

Kung sa iba mas pinagtuunan nila ng pansin ang mga kilay nila, sa'kin naman ang eye liner ko ang pinakamahalaga and I usually likes it dark and thick. Also, I definitely can't be seen by those school rascals without it.

Kakatapos ko pa lang maglagay sa isang mata nang bigla kong maalala ang tungkol sa pera para dun pinag-iipunan ko. Sumaglit pa kasi ako sa 7/11 para mag encash kaya mas na late pa ako. I took out the bills from my pocket tsaka yung dati kong pera sa wallet and I started counting all of it. "Yes! Mukhang magkakasya na 'to," nakangiti ako habang nagbibilang at iniisip kung anong bibilhin ko sa sobra.

"Magnanakaw-magnanakaw! Uy, uy pigilin mo yan! Tulong!"

Naputol ang pag-iisip ko at napalingon sa kabilang dulo ng eskinita kung saan bago pa man ako makaiwas ay nabangga na ako ng lalaking hinahabol naman nung isa pang papalapit. Dahilan upang matumba kami pareho at tumilapon rin sa ere ang mga pera ko. Hinawakan ko sa damit niya ang lalaki, pero malakas siya at ang malala pa ay nagawa pa niyang damputin ang mga perang papel bago tuluyang tumakbo papalayo.

Wala na akong nagawa kundi ang titigan ang lalaking tumangay ng pera ko habang nakadapa ako sa semento.

"Arggh! Bwisit! Bwisit! Tagal kong inipon nun eh! Tsk!" Pagmamaktol ko.

"Hala miss, okay ka lang?" Napalingon ako sa nagsalita at ilang segundong napatitig sa kanya.

Bumungad sa'kin ang isang pares ng mapupungay na mga mata at napakakakapal na kilay. Makapal at may kahabaan rin ang buhok niyang maayos na nahahati sa gitna at lagpas sa mga kilay ang haba. Matangos rin ang ilong niya, mapupula ang labi, pero may kalakihan ang tenga. Natauhan ako dahil dun, I even snorted a laugh kaya bigla akong bumangon mag-isa, "Sorry ah, nadamay ka pa tuloy. Tinangay kasi nung lalaki ang wallet pati cellphone ko. Nasugatan ka ba?"

Tinignan ko lang siya ng may halong inis at sinimulang pagpagan ng dumi ang suot kong above the knee, black and red stripes skirt, puting blouse na short sleeves, at mahabang pulang necktie na school uniform dito sa Fortuna High School.

Pinasadahan ko naman siya ng tingin at masasabi kong may kakisigan nga ang lalaking ito. Matangkad rin pala siya, halos hanggang balikat lang nga ako. Sakto lang ang katawan, hindi patpatin pero hindi rin mataba. Nakasuot siya ng plain brown shirt, nakamaong na pantalon, at may sukbit na maliit na itim na backpack. Ang knowing how he got robbed ay pihadong bagong salta lang siya rito. Medyo na conscious naman siya dahil sa'kin, so he cleared his throat and look away.

More like he's got that good guy image, well at least for now.

"Sa Fortuna high ka ba nag-aaral? Papunta rin ako dun. Gusto mo sabay na tayo? Ako na magbibitbit ng bag mo para makabawi." Ang lawak ng ngiti niya, na mas nagpaaliwalas ng mukha niya. In short mas lalo siyang gumwapo.

Pero ano daw? Siya na magbibitbit ng bag ko? Ha! Ayos lang ba siya? Aside from the fact na hindi ko siya kilala, eh ano siya boyfriend o kahit kaibigan man lang to do that?

Kunwari hindi ko na lang siya narinig at tumingin ako sa relos ko, "Shit 5 minutes na lang," sabay takbo. Tinawag pa niya ako pero 'di na ako lumingon.

"Miss! Kulang ng itim yung kabilang mata mo!" Sigaw niya. Shit. Shit. Did he just...? No way! Kainisss!

I stop and quickly put an eye liner on my right eye. Basic naman kasi sa'kin 'to lalo na't matagal ko nang ginagawa.

Youth In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon