SIX

60 3 0
                                    


Hingal na hingal ako nang marating ko ang ballpark. Mag gagabi na rin kaya medyo madilim na ang paligid. Wala na nga ring mga tao, kaya ti-next ko na si Nikolai para sabihing nandito na ako habang naglalakad-lakad para hanapin siya.

Hindi na siya nagreply, sa halip ay na tanaw ko na lang siyang nakatayo sa kabilang dulo ng baseball field. Nakatingin siya sa'kin suot-suot ang uniform ng team nila at kahit sobrang layo pa ng agwat namin sa isa't-isa ay naramdaman ko nang mabigat ang dinadala niya. He's not even smiling or waving at me na usual niyang ginagawa every time na pinupuntahan ko siya rito.

I run towards him as fast as I can. Agad ko siyang niyakap at ganun rin siya. Isinubsob niya ang ulo niya sa leeg ko and we stayed like that for a couple of minutes. Naririnig ko rin ang mga mahihinang paghikbi niya na mas ikinadurog ng puso ko.

Nung medyo kumalma na siya, kumawala siya sa pagkakayakap sa'kin. This time maayos ko nang nasilayan ang mukha ng taong mahal na mahal at miss na miss ko na. Nakatingala ako sa kanya saka ko hinawakan ang pisngi niya na hinawakan niya rin and even kissed my hand.

Naupo kami dun mismo kung saan nagkalat ang maraming baseball at bats. Alam kong nag practise na naman siya ng sobra. Pansin ko ring namayat siya kumpara nung huli kaming magkita.

Ang rami rami kong tanong at gustong sabihin sa kanya. Kung saan siya nagpupunta these past few days at kung bakit hindi niya sinasagot ang mga calls ko kahapon. Pero kahit alin dun ay balewala na sa'kin ang tanging gusto ko na lang malaman ay kung anong nangyari sa kanya at ganito siya ngayon at saka ang importante sa'kin ay sa wakas kasama ko na siya.

"Babe...," basag niya ng katahimikan.

"Hmm?"

"I'm sorry kung hindi kita nabibigyan ng atensyon nitong mga nakaraan ah, ang dami kasing problema. Ayoko namang idamay ka pa." Ang weak ng boses niya, kaya mas nag-aalala ako.

"Ano ba yung problema babe? Maybe I can help alam mo namang gagawin ko rin ang lahat para matulungan ka di'ba? You can always tell me anything, hmm?" I said as I cupped his face between my hands.

Habang nakatitig ako sa kanya, hindi pa rin ako makapaniwala na ang ganitong ka-gwapong nilalang ay boyfriend ko. He's also tall and very athletic kaya nga isa rin siya sa mga pinagkakaguluhan ng babae dito sa campus. Siya at si Ayesha rin ang models ng Fortuna High kaya marami ring nakakakilala sa kanya kahit sa ibang lugar. Minsan nga napapaisip na lang ako kung ano bang nagustuhan niya sa'kin. Hindi naman kasi ako sobrang maganda, average lang kumbaga, kung hindi rin nga siguro ako kasama sa top 10 ng mga matalino sa campus eh walang papansin sa'kin.

May kinuha siyang papel sa bag niya at pinakita iyon sa'kin. Nakalagay dun na pweding hindi siya ma qualify para maglaro for this year's baseball tournament kung hindi tataas ang academic standing niya. May maintaining grades rin kasi silang mga athletes to make sure na hindi rin nila napapabayaan ang kanilang pag-aaral, and Nik's grades are just way lower no wonder na nabigyan siya ng notice na ganito.

"Babe baka hindi ako makalaro. Last year ko pa naman na 'to. Baka hindi ako makapasok sa gusto kong college kapag hindi ako nakalaro sa tournament." He looks so worried at ramdam ko ang fraustrations niya.

"It's okay babe, makakaya pa rin nating habulin 'tong grades mo. Akong bahala." Sagot ko habang hawak ang mga kamak niya. "Bakit pala hindi mo sa'kin sinabi na nahihirapan ka sa acads mo edi sana natulungan agad kita?"

"Nahihiya kasi ako sa'yo. Magmula ng maging tayo halos ikaw na sumasalo ng lahat ng school works ko. Pasensya na ah, hindi kasi talaga ako magaling sa pag-aaral kaya nga mas nagpupursige ako pagdating sa mga sports para mapunan 'yun," nakatungo lang siya.

Youth In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon