Bago umalis si madam Galve ay ni-remind niya kami ng tungkol sa foundation day next week. Natuwa naman ang lahat kasi ibig sabihin nun isang linggong pahinga rin ang magaganap. Graduating na kasi kami kaya hindi na kami iniinvolve masyado sa mga events lalo na kung for entertainment purposes lang naman. Kaya yung mga Grade 10 – 11 na ang laging inaassign sa mga both, decorations, performances, ganyan.
Speaking of foundation day, I wonder kung ano nang desisyon tungkol dun sa magiging escort ni Ayesha. Tanungin ko na lang mamaya si Nik.
Pasimple na lang akong umiidlip throughout the remaining morning periods. Parang lumulutang kasi ang ulo ko sa antok.
Nung lunch break na wala na naman si Nik. May aasikasuhin daw siya kaya di na ako nag-usisa pa total wala rin naman ako sa mood na makipag-usap kahit kanino.
Tahimik lang akong kumakain sa tabi nina Alex at Massie na hindi pa rin makaget-over sa recitation kanina ni Kuneho.
Habang karamihan ay kumakain o di kaya'y tumatambay lang sa student lounge ay may mga grade 10 at 11 students nang naglilibot-libot at ngbebenta ng tickets para daw sa pa raffle sa foundation night or yung last night ng event. Bumili sina Alex, ako naman deadma lang.
Pagkatapos ng klase sa hapon, sinabi ko sa dalawa na dadaan muna ako sa faculty room para puntahan si Sir Earl. Kaya naman ang dalawa nagpumilit na sumama sa'kin kahit maghintay na lang raw sila sa labas.
Ang totoo kasi, crush namin yang si Sir Earl buhat ng ma assign siya rito mag tatalong taon na rin ang lumipas. Fresh grad siya nun tapos halos tatlo o apat na taon nga din ang agwat ng edad niya sa'min hindi na kasi inabutan ng k-to-12. Kaya nga napakaraming nagkakagusto sa kanya ma pa estudyante man o kapwa niya teacher.
Siya kasi yung exact definition ng isang heartthrob Sir. Napakagwapo kasi lalo na ang buhok niyang deritsong sinuklay mula sa harapan papuntang likod ng ulo, paresan pa ng manipis lang niyang eye glasses na mas nakakatulong upang mas mapansin ang may sa kastila niyang ilong. Sobrang fit rin ng katawan, maayos at malinis manamit, at higit sa lahat napakabango.
Yung medyo downside nga lang sa kanya ay napakasungit at pa misteryuso ang datingan, which of course ay benta rin sa kababaihan ng Fortuna. Kadalasan nagsasalita o nakikipag-usap lang yan kung tungkol sa trabaho ang topic. Which turns him into a passionate teacher na halos hindi niya na mapansin na nagkukunwari lang madalas ang estudyante na hindi naiintindihan ang lesson para lang makuha ang attention niya. Ganyan kasi madalas ang mga galawan nina Alex at Massie.
Lantaran rin pati kung kiligin yang dalawa na halos maglaway na nga tuwing nag le-lesson si sir, kaya bakit pa nga ba ako nagugulat na hindi man lang nila ako nagawang tawagan kahapon at ni hindi nga napansing wala ako sa classroom during sa time ni sir Earl. For sure tumunganga lang sila the whole time.
Ang ikinaganda lang ng sitwasyon na ganito eh sineseryuso rin nilang dalawa ang subject ni sir kasi gusto rin nilang magpabibo sa quizzes at recitations. Ako naman, kabaliktaran ang nagiging epekto. Nararattle ako tuwing ako na ang natatawag sa recitation kaya di ko madalas nasasabi yung mga insights ko at basta na lang akong uupo at 'di na magsasalita kahit anong pilit. Tapos yung mga written works madalas mababa rin yung nakukuha kong scores dahil inuunahan ako ng kaba lalo na 'pag naamoy ko yung pabago niya every time na nag-iikot-ikot siya sa classroom habang nagsasagot kami.
Napansin rin naman siguro yun ni sir lalo na't kasama ako sa top 10 best student ng school tapos ang poor ng academic performance ko sa subject niya, dahil rin dun kaya natatandaan niya ako. Pero ngayon o most exactly nung dumating si Nik nawala na yung atensyon ko sa kanya ay umayos na rin ang standing ko sa subject niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/250800351-288-k62974.jpg)
BINABASA MO ANG
Youth In Love
Teen FictionYou know what, I've been cracking my entire brain cells to come up with a catchy description but I just couldn't fully decide. So I guess, it's best if you would just give this a chance and judge it afterward. Read this story and then pag-usapan na...