FOURTEEN

52 2 0
                                        



Halos masiraan ng bait ang mga nanonood dito ngayon.

Si Julian may gusto nang sabunutan kasi na o-over power 'yong sigaw niya. Idagdag pang napakalaki rin ng dilemma niya ngayon at both teams ay shirtless.

Si Alex naman sa team nina Kuneho ang suporta, mabuti na lang 'tong si Massie at parehong team ang chini-cheer.

Sobrang dikit ng laban. Kung titignan nga parang walang nangyayari sa sobrang pagkabalanse ng lakas ng magkabilang grupo.

"Grabe naman pala itong dalawang teams natin. Seryusong-seryuso sa laro, bigla tuloy nahiya iyong papremyo naming isang-libo, 'di ba partner?" sabi nung host sabay tawanan. Ilang minuto na kasi silang ganyan at walang gustong magpatalo.

"Magdadagdag ako ng isang libo pa dahil mukhang nag-eenjoy naman ang mga estudyante natin," dagdag ni Madam Merced na mas ikinalala ng sigawan.

"Isang libo rin sa'kin!" Singit nung isa yata sa big bosses ng Fortuna.

Nagpatuloy ang pag dagdag ng pera nang mga high profiles na nanonood mula sa stage.

"We're making history, guys!" Sigaw ulit nung isang host.

"Yes, partner. Indeed. This year's foundation week will always be remembered!"

"True! So, as per decided by the organizers we are giving 5000 pesos to the future winner of this thug of war game and 2500 pesos for the losing team!!"

Mukhang mas ginanahan pa lalo ang dalawang teams. Sino ba naman kasi ang aayaw sa 5000 pesos. Pweding-pwedi na nilang ipang-inom 'yon.

Isa pa, sa tingin ko hindi lang pera ang pinaglalaban nila kundi pati na rin ang pride nila. Lagi namang may rivalry lahat ng sports team dito eh.

"Hindi lang yan, partner. Dahil sobrang generous ng big bosses at guest natin ngayon, ay nakapag-accumulate rin tayo ng mas malaking pa premyo para sa mga susunod pa nating games!"

"Wow! Talaga ngang a year to remember ang foundation week natin this year!"

Tumagal pa ng ilang minuto bago tuluyang napaupo sa damuhan ang magkabilang grupo at nabitawan ang lubid.

Hindi malinaw kung sino ang nanalo basta na lang sinugod ng mga taga suporta nila ang kanya-kanyang team at nagyakapan.

Tie ba ang nangyari? Imposible naman yata 'yon? Pero bakit parehong grupo ang nag ce-celebrate?

Itinaas na rin ng teammates niya si Nik at gayun din ang ginawa ng grupo ni Kuneho sa kanya.

Kaming mga nanonood na medyo sa malayo ay hindi maintindihan ang nangyayari. Maging ang hosts ay hindi rin nakapagsalita agad. Not until lumapit na sa stage iyong nag bantay ng game.

"The winner of this year's thug of war is none other than, Fortuna's aces, the baseball team!!" at tuluyan na ngang nag wala ang mga tao. Nagsipuntahan sila sa gitna para makicelebrate.

Maging ako man ay tuwang-tuwa rin kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong pumalakpak ng paulit-ulit kahit na ang sakit na sa kamay.

Ang sarap sa puso na makitang ganito kasaya si Nik, pakiramdam ko kasama na rin ako dun sa nakipaghilahan kanina.

Sa kabilang banda. May sariling victory rin ang soccer team which is odd. Why would they celebrate their loss, lalo na sa baseball team pa sila natalo?

Tuwang-tuwa sila habang tinuturuan ng victory dance nila si Kuneho. Speaking of him, he's also genuinely happy right now. 'yong tipong pakiramdam na parang muli niyang nakita ang mga dati niyang kaibigang ilang taong nawalay. Ganoong klaseng saya ang meron siya ngayon.

Youth In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon