"Hoy, ano ba kayo. Relax lang okay?"
"Paano ako mag re-relax?" Sabay pa kami ni Alex.
"Okay. Okay. Chill, men," Nakataas ang dalawang kamay ni Kuneho bilang pagsuko.
"Alex, you'll gonna be fine, okay? Hindi nga natin sure kung sasama iyong si Jared eh. Kaya kalma lang, hmm?" Hinimas-himas ni Massie ang likod ni Alex na panay pa ang pag kuyakoy ng paa.
"Eh paano kung sumama? Ehhh! Ayoko dun! 'Di yun kaya ng powers ko!" Pagmamaktol pa niya. Ang laki niyang tao tapos nag gaganyan pa siya, nagmumukha tuloy siyang bully na natalo sa asaran. "Ikaw na lang ang pumunta madi, please?" Sabay-yakap niya kay Massie.
"As if naman pwedi. Tsaka kahit pa pwedi, ayoko nga. Ikaw ngang matapang, natatakot eh ako pa kaya na tamang pa cute lang." With actions pa siya. Ayun pinitik ni Alex ang noo, at lumingon sa'kin.
"Ikaw na lang kaya?" Pagmamakaawa niya.
"'Di ako bumili." Mabuti na lang.
"Bakit ba takot kang makasama iyong si Jared. Siga-siga ka naman, tapos ganun din siya edi bagay kayo. Yeeiiiiii." Kita mo 'tong lalaking 'to hindi talaga alam kung kelan ang tamang oras ng pagbibiro.
Ayan tuloy, na headbut siya ni Alex. Lumipat siya sa tabi ko para lumayo. As if naman kakampihan ko siya eh may sarili rin akong problema.
"Bakit ikaw Lee, 'di ka ba takot kay Jared?" usisa ni Massie. Iyong grupo na lang kasi ni Jared ang hindi niya pa nagayuma sa classroom. At saka syempre ako, nasasama lang naman ako sa kanya kasi wala akong choice, tapos ang kulit pa niya, parang linta.
"Hindi. Binibigyan ko lang siya ng mas mahaba pang oras, bago ko kaibiganin. Sure naman akong magiging barkada ko iyon in the right time. Kasi syempre, no one can resist me. 'Di ba, Genie?"
This time ako naman ang nang headbut sa kanya. Lakas din kasi ng hangin.
"Seryuso nga kasi. Sa tingin ko wala ka naman dapat ikatakot kay Jared, Alex. Nararamdaman ko namang mabuting tao iyon. Judgmental lang talaga kayo," dagdag niya habang sapo ang noo.
"Wow! Feeling mo talaga eh napakatagal mo na dito, no? Padi, ilang taon ko nang kilala iyong tao, at alam kong malapit na iyong maging apprentice ni Satanas, konting kembot pa." Natawa na lang si Massie dahil kay Alex. Si Kuneho naman napanguso na lang. "Eh kung mag back-out na lang kaya ako?
"Gaga! 2 days paid trip 'yon sa Palawan. 'Wag kang mag inarte d'yan. Masasabunutan kita." Ang cute ni Massie habang pinagagalitan si Alex. "Mamayang after class, magsimula na tayong bumili ng mga dadalhin mo para hindi ka na ma hassle pag nando'n ka na."
"Eh? May one week pa naman bago iyong trip, madi." angal ni Alex.
"Okay lang iyon. May kailangan rin naman akong bilhin. Tara balik na tayo sa room at simulang mag lista." Hinahatak niya si Alex para tumayo. "Lee, ikaw na bahala kay Danya at hindi ko naman alam pinoproblema niyan. Ikaw try mo, baka ma gets mo."
"Ow sure no problem. Ako na bahala. Bye. Alis na kayo. Bilis. Mmm, mmm, alis na. Byeeeee." Mukhang tanga. Kinakampay pa ang mga kamay niya para paalisin iyong dalawa. Sarap upakan. Pasalamat siya at sobrang nanghihina ang katawan at kaluluwa ko ngayon.
"Sayang Genie, ano? Kung tayo sanang dalawa ang nanalo dun sa raffle, edi sobrang saya mo sana."
"Hindi nga ako bumili 'di ba?" sabi ko nang nakapangalumbaba.
"Nice. Edi you're not against the idea na ako sana kasama mo kung sakali. Yeiiii." He poked my cheek and I gave him deadly stare.
Actually, gulat na gulat ang lahat nung foundation night kasi wala nga namang nag akala na ganun pala ang magiging grand prize. Sobrang laki kasi ng agwat dun sa mga dating pa premyo.

BINABASA MO ANG
Youth In Love
Teen FictionYou know what, I've been cracking my entire brain cells to come up with a catchy description but I just couldn't fully decide. So I guess, it's best if you would just give this a chance and judge it afterward. Read this story and then pag-usapan na...