"Saan ba tayo pupunta?" I asked. Medyo siksikan kaya tinignan ko rin ang reaksiyon niya. Alam ko kasi sa mayayaman hindi naman sila nag ko-commute. But somehow he's managing fine, parang natural nga lang din sa kanyang mag-abot ng bayad.
"Pauwi."
"Bakit naman ako uuwi sa bahay niyo?"
"Bakit ka naman uuwi sa bahay ko?" Tinignan niya ako na parang may masama akong balak sa kanya. Napansin rin iyon ng ale sa harap namin. Alam ko nang hinuhusgahan niya na ako sa isip niya. Buang kasi 'tong lalaking 'to.
"Ha?"
"Ha?"
Tumigil kami pareho at hindi na kami magkaintindihan.
"Uulitin ko. Saan ba kasi tayo pupunta? Marami pa akong kailagang gawin kaya wala akong time sa mga kalokohan mo."
"Uuwi sa inyo. Ihahatid na kita. Yun naman usapan natin nina madam kanina 'di ba?"
"Ba't kasi di mo sinabi agad?" Isinukbit ko na yung bag ko sabay sigaw, "manong para ho!"
Nasa gitna kami ng kawalan ngayon, mabuti na lang may mga street lights at familiar naman sa'kin ang lugar.
"Bakit tayo bumaba? Sa'n na ba tayo?" Tanong niya na pilit sumisiksik sa likod ko.
"Takot ka ba sa madilim?" tanong ko.
"Medyo," that's my cue para tumakbo agad, "hoy! Teka lang! Hintay!"
Nang maabutan niya ako, kahit hinihingal pa siya ay tinali niya na ang magkabilang string ng bags namin.
"Para di mo na ako maiwan. Ha. Ha. Hiningal ako dun ah." Natatawa ako sa ginawa niya at sa sitwasyon namin ngayon pero pinigilan ko ang sarili ko. "Bakit nga tayo bumaba? Tignan mo tuloy wala nang dumadaang jeep."
"Hindi naman kasi yun yung jeep na sasakyan ko pauwi."
"Ay hindi ba? Ba't di mo sinabi agad?"
"Nagtanong ka?" Ako naman ngayon ang namimilosopo.
"Tss," nag pout na lang siya. "Nagugutom na ako."
"Tiisin mo muna, may kainan sa dulo nitong daan." 24 hrs bukas ang kainang yun para sa mga motorista at drivers nilang customers.
"Ano kakain tayong ganito? Tanggalin mo na." Nasa kainan na kami at merong mangilan-ngilang customers rin na kumakain.
"Kasi ang hirap tanggalin. Nabuhol ng sobra." Mukha siyang bata na hindi alam ang gagawin, "gupitin na lang kaya natin?"
"Sira ka ba? Ayoko nga. Ito na nga lang ang branded kong bag sisirain mo pa?!" Agaw ko sa bag ko.
"Ay isa lang ang branded mong bag? Ako kasi madami." Wow. Nakuha pa niya talagang magyabang sa sitwasyon namin.
"Ah basta. Kung kailangang iuwi ko yang bang mo 'wag lang masira yung akin."
"Ayoko nga, baka kung ano pang gawin mo sa bag ko." Hinila niya naman ito, natangay rin pati yung akin.
"Ito na po orders niyo." Tumigil lang kami sa pagbabangayan ng dumating ang orders namin. Full meal ang sa kanya noodles naman yung sa'kin. Ayoko kasing magpakabusog ng sobra at alam kong may hinandang pagkain sa'kin si lola sa bahay.
Tahimik kaming kumain at nung medyo nag subside na yung gutom ay nagsalita na ulit siya.
"Ano payag ka na ba?" Alam kong yung sa sinabi ni madam ang tinutukoy niya, kaya hindi ako sumagot. "You have to give me an answer now or else you'll lose the chance. Baka i-partner ako ni madam sa iba bukas kung 'di ka pa rin papayag," patuloy niya habang busy rin sa pagkain.
BINABASA MO ANG
Youth In Love
Teen FictionYou know what, I've been cracking my entire brain cells to come up with a catchy description but I just couldn't fully decide. So I guess, it's best if you would just give this a chance and judge it afterward. Read this story and then pag-usapan na...