FIVE

66 3 0
                                    

Bumaba siya sa tapat ng gate ng subdivision nila na medyo may kalayuan. In fairness, halatang bigtime nga siya, ang ganda ng landscape nung subdivision tsaka ang gaganda rin ng kabahayan.

Busy akong mag kalikot ng phone and didn't bother to say bye to him.

"Hindi ka pa ba bababa?" Nasa labasan siya ng tricy, sa harap ko. Pinanliitan ko na lang siya ng mata, "Baba na, ihahatid kita pauwi." Eh? This time confuse na ako, "halika na," hinawakan niya ang palapulsuhan ko as if normal na bagay lang 'yon. Tinapik ko ang kamay niya, saka umirap.

"Mukhang ayaw pong bumaba ni ma'am, sir. Ako na pong bahala sa kanya," singit ni manong driver.

Nakita kong biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Tumalikod siya saglit, bago ako hinawakan sa kamay. Namilog ang mga mata ko sa ginawa niya. Aba teka nga, kanina mga hawak lang sa wrist, tapos ngayon holding hands na rin? Who the hell he thinks he is?

Magsasalita pa sana ako ng pagtutol when he bites his lips in annoyance. Wow, siya pa 'yung galit ngayon? I'm not stupid, para sumama sa isang lalaking kakakilala ko lang kanina – ay wait hindi nga kami officially magkakilala kasi we never introduced ourselves to each other naman.

"Sir, 'wag niyo po sanang pilitin si ma'am kung ayaw niya." Tama si manong driver, baka kung anong masamang balak pa niya sa'kin.

"Pasensya na ho kuya ah, pero may konting tampo lang po 'yong girlfriend ko sa'kin eh," Kung kanina, namimilog lang ang mata ko sa gulat, ngayon jaw drop na rin sa pagkabigla. Hinahatak niya pa rin ako palabas ng tricy, which starts to creep me out. Nakaramdam na ako ng pagbilis ng tibok ng puso ko tsaka parang hinahalo na rin ang laman ng tiyan ko which makes me feel unwell.

I begin thinking kung what if, masamang tao pala siya at mali lang yung first impression ko ng good guy image sa kanya kanina?

"Ay naku totoy, duda akong girlfriend mo si ma'am. Kanina lang nung pagsakay niyo sa'kin, hindi naman kayo mukhang mag shota. Kaya bitawan mo na ang tricycle ko at ihahatid ko pa si ma'am," Sinimulan na rin ni manong na padyakan ang motor ng tricy para umandar, while I silently prayed na umandar agad dahil natatakot na ako.

Patuloy pa rin ako sa pagpupumiglas sa pagkakahawak niya sa'kin pero mas lalo lang itong humigpit kaya nasasaktan ako.

"Girlfriend ko ho ang babaeng to kuya. Binayaran na kita kaya pwedi ba 'wag kang makialam?!" May bahid ng pagbabanta at diin ang boses niya, malayong-malayo sa tono kung paanong kinakausap niya ako mula kaninang umaga.

Pinagpapawisan na ako ng malamig. Gamit ang isang kamay ay pasimple kong tinawagan ang number ni Nikolai, ang kaso hindi niya sinasagot.

Nikolai please pick up I really need you right now, please, please. Paulit-ulit kong sabi sa utak ko.

Paandar na ang tricycle nang pwersahan niya akong hilahin palabas at tumama ang braso ko sa bakal kaya imbes na sumigaw ako at humingi ng tulong ay mas naunang lumabas sa bibig ko ang salitang "ARAAAAYY!" dahil sa sakit, kasabay ng mahigpit niyang pag yakap sa'kin.

"HOY! ANONG NANGYAYARI DITO HA?!" Isang boses na sa palagay ko ay mula sa isang lalaking medyo may edad na. Rinig ko ring humarurot na pa layo ang tricycle kaya ang naisip kong ang bagong dating na manong na lang ang tanging pag-asa ko para makalayo dito sa baliw na'to. Ang kaso sobsob pa rin ang mukha ko sa dibdib niya, at ang higpit pa rin ng pagkakayakap niya sa'kin kaya ang hirap magsalita.

Sa sobrang gulo ng utak ko ay natulala na lang ako at tila tinakasan ng lakas ang buong katawan. Agad niya naman akong inalalayan at pinakawalan sa pagkakayakap.

"Miss ayos ka lang ba?" Nagbago na naman ang ekspresyon niya, bumalik na sa kaninang mukha niya. He somehow looks worried.

"Hija, 'wag ka ng mag-alala. Ligtas ka na." Security guard pala yung isang manong na kakarating lang. At paanong ligtas, kung hawak pa rin ako nitong baliw na lalaking 'to?

Youth In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon