TWELVE

55 2 0
                                    



Parang kisap-matang lumipas ang weekend at ngayon nga'y aburido akong lumabas ng gate para harapin si Kuneho. Ni-ready ko na rin ang sarili ko sa another stike ng pang-iinis niya.

Mas nakadagdag pa ng pagka-badtrip ko ngayon dahil ang aga-aga pa naman. Dapat nga mga 9 na ako pupunta at foundation week naman pero kailangan niya raw na maagang makarating sa Fortuna kaya wala rin akong choice. Idagdag pa iyong tungkol sa pinapagawa sa'kin ni Sir Earl.

"Hmmm," nasa baba niya iyong isang kamay niya at sinusuri ako mula ulo hanggang paa. "Last time you look like a rocker with an extreme hangover, this time hmm. Mukhang direct descendant ka na ng mga dinosaurs at kakainin mo sino mang humarang sa daraanan mo," napapatango-tango pa siya as if napaka-informative ng pinagsasabi niya. "Interesting," dagdag niya.

"Oo, kaya tumabi ka!" asik ko.

Kaso ang sira ulo mas lumapit pa sa'kin para harangan ako. "I'm willing..." ayan na naman ang mapang-asar niyang tingin at ngiti.

I so damn hate his guts.

"Pinagsasabi mo?" I said as I return his gaze with real dead eyes.

Biglang namula ang gago. He even cleared his throat saka tumalikod at binigay sa'kin iyong tela kahapon. Ipinatong ko naman ito sa legs ko pagsakay ko at hanggang makarating kami ng Fortuna ay di na siya muling nagsalita pa.

Which is good dahil baka masapok ko na siya.

Naghiwalay agad kami ng landas. Aasikasuhin ko 'yong sa lintik na basurang 'yan. Tapos siya naman bigla na lang nawala matapos sabihing tatawagan niya ako mamaya para dun sa lintik na wish, wish niya ring iyan.

Dumeritso ako sa utility room para kumuha ulit ng isang sako. Ako na lang mag-isa ang magpupuno. Wala na akong pakialam kung I'll be doing Maricon a favour by doing this. I just badly want this connection between us to end nang mas ASAP pa sa ASAP.

Hindi ko na talaga kaya ang isa pang kunsumisyon dahil lang kay Maricon.

"Hija, 'di ba ikaw iyong kumuha rin ng sako dito nung nakaraan?" tanong sa'kin ni manong. Tumango naman ako, "ay naku, ikaw bata ka, sa susunod doon mo ilagay sa tambakan ng basura iyong mga naipon mo. Hindi ''yong iiwanan mo lang sa classroom niyo."

Napapikit na lang ako nang mapagtanto ko na ang mga pangyayari.

"Opo, pasensya na ho," mahina kong pagkakasabi nang nakayuko.

Sinabayan ko si manong habang naglilinis pero pinipili ko lang iyong mga plastic.

Parami nang parami na rin ang mga tao at nagsidatingan na ang mga grades 10 at 11 para mag set-up. Mamayang alas nueve pa naman kasi ang opening ng foundation week.

Base na rin sa mga nagdaang taon ay usually ang opening at last day ang pinakamatao at pinakamaraming ganap. Welcome rin kasing maglabas-masok ang mga tao kahit na taga ibang school o kung sino mang gusto lang makinood.

Tapos eto ako ngayon, namumulot ng basura at mukhang pinabayaan ng gobyerno ang hitsura.

Binilisan ko ang kilos ko. Si manong nga napatulala na lang sa'kin tuwing uunahan ko siyang nilisin ang mga plastic na madaanan namin.

Naintindihan niya naman agad ang ginagawa ko kaya he purposely leave the plastics for me to pick.

Alas siete na pero nangangalahati pa lang ako. Ubos na rin ang mga basura sa paligid. Iyong mga trash cans sa bawat classroom wala ring laman kasi usually ang assigned cleaners na ang nagtatapon doon sa tambakan ng basura.

Nang mapagod ako ay naisipan kong magpahinga sa ilalim ng puno kung saan ko nakita si Kuneho nung nakaraan na nakatayo sa ibabaw ng sementong paikot na lamesa at parang may inaabot sa itaas.

Youth In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon