CHAPTER 6

1.7K 69 1
                                    

Habang kumakain sina Shantelle at Ash sa cafeteria ay pumunta naman si Red sa likod ni Shantelle kasama ang mga pinsan nito , kaya napatingin sa kanila ang lahat ng mga istudyanteng kumakain din.

Nagulat naman si Shantelle ng maramdaman nitong may bumuhos mg kung ano sa ulo nya , kaya nakatayo ito at maging si Ash din ay nagulat sa biglaang pagtayo ni Shantelle.

"R-Red."utal na wika ni Ash habang nakatingin kay Red.

"Bat mo ako binuhusan ng malamig na tubig?"mahinahong tanong ni Shantelle habang nakatitig sa mga mata ni Red.

"I just want to say  that Mr. Sycho Saavedra is mine not yours."nakangiting wika ni Red kay Shantelle kaya napataas ang isang kilay nito.

"Ay wehhh , totoo?"mapang-asar na wika ni Shantelle kay Red.

"Respect our Queen of Psycho , miss Shantelle."wika naman ng pinsan ni Red na si White saka ito umirap.

"Kailan ba deneklara ni King Sycho na may girl friend na ito?"takang tanong ni Ash kay White habang may ngisi sa labi nito.

"Manahimik ka!"inis sigaw naman ni Red kay Ash , at akmang sasampalin niya si Ash ngunit umiwas ito.

"Kalma lang nagtatanong lang ako."nakangising wika ni Ash.

"Alam niyo , sa pagkaka-alam ko walang queen of Psycho sa university na ito."mahinahon pa rin na wika ni Shantelle.

"Ngayon alam mo nang meron , and that's me."pagmamalaking wika ni Red.

"Walang girl friend si King Psycho , remember?"nakangising wika ni Shantelle sa kaniya.

*pak*

Napangisi na lamang si Shantelle habang umiling iling matapos siyang sampalin ni Red.

"Ang hina naman non , kala ko ba ikaw yung queen of Psycho dito."nakangising wika ni Shantelle na ikinagalit ni Red.

"W.A.L.A.N.G P.S.Y.C.H.O Q.U.E.E.N N.A M.A.H.I.N.A."madiing wika ni Shantelle kaya napangisi naman si Ash sa sinabi nito.

"Narinig mo naman yata yung sinabi ng aking kaibigan diba? Walang Psycho Queen daw na mahina. It's mean hinding-hindi ka magiging Psycho Queen dahil mahina ka."wika ni Ash kay Red kaya napangiti naman si Shantelle habang si Red at mga pinsan nito ay galit na nakatingin sa kanilang dalawa.

"Red."wika ni Green sa pinsan nitong si Red ng akmang susugudin nito si Shantelle.

"May araw din ang babaeng yan , umalis na tayo dito."wika naman ni Green kay Red at hinila nila ito palabas ng cafeteria.

"Ayos ka lang?"tanong ni Ash kay Shantelle , dahil kitang-kita ng dalawang mata niya na namumula na ang pisngi ni Shantelle.

"Ayos lang ako , hindi naman masakit."sagot ni Shantelle saka sya ngumiti kay Ash.

"Eh bat namumula yang pisngi mo?"taas kilay na tanong ni Ash.

"Sadyang sensitive lang ang balat ko."sagot ni Shantelle kaya tumango na lamang si Ash.

"Oh anong tinitingin-tingin nyo samin?"mataray na tanong ni Ash sa mga estudyanting nakatingin sa kanila.

"Pabayaan muna sila , tara na samahan mo na lang ako sa locker at banyo. Magbibihis lang ako."wika ni Shantelle.

"Okay sige , masyadong basa na yang uniform na suot mo eh."wika naman ni Ash kay Shantelle , kaya lumabas na sila sa cafeteria at pumunta sa locker upang kunin ang extrang uniform ni Shantelle bago sila pumunta sa banyo upang makapagpalit ng damit si Shantelle.



Habang naghihintay si Ash sa labas ng banyo na pinasukan ni Shantelle ay bigla na lamang may tumawag sa cell phone nya kaya sinagot niya ito.

"Anong kailangan mo , bat napatawag ka?"tanong ni Ash sa tumawag sa kaniya.

"(May gusto lamang akong ipaalam sa iyo kaya puntahan mo na ako dito sa ating tagpuan.)"wika ng isang taong tumawag sa kaniya sa kabilang linya.

"Ok , papunta na."sagot niya at pinatay ang tawag.

"Sige na puntahan mo na yon , baka importante iyon."wika ni Shantelle kay Ash mula sa loob ng banyo.

"Sure ka?"paninigurado ni Ash kay Shantelle.

"Oo , malapit naman din akong matapos dito."sagot ni Shantelle.

"Sige mauna na ako."paalam ni Ash saka ito umalis.



Nang  matapos makapagpalit ng uniform si Shantelle ay agad naman siyang lumabas sa banyo na iyon.

"Ahhh....."mahinang daing ni Shantelle ng may biglang tumulak sa kaniya kaya napasandal siya sa pader.

"A-anong k-kailangan mo?"kinakabahang tanong ni Shantelle sa binatang nasa harapan niya.

"What happened?"tanong ng binata sa kaniya habang nakatingin lang ito sa kanang pisngi niya na namumula.

"Bakit , pake mo?"mataray na wika ni Shantelle sa binata kaya napairap ito.

"Just answer my question , miss Sandoval."seryusong wika ng binata.

"Sinampal."sagot naman kaagad ni Shantelle.

"Who did that?"taas kilay na tanong ng binata.

"Alangan namang sarili , syempre ibang tao diba."mataray na sagot ni Shantelle.

"C-charot lang!"wika ni Shantelle at nag pieace sign dahil masama ang titig ng binata sa kaniya. "Syempre yung babaeng feeling Psycho Queen eh mahina naman manampal."sagot niya at umirap.

"I don't have a girl friend , but I have a Queen."wika ng binata.

"Tinatanong ba kita?"mapang-asar na wika ni Shantelle sa binata.

"Tsk!"asik ng binata at umalis ito sa harapan nya.

"Kala mo naman kung sino , tanong ng tanong. Hindi ko naman siya boy friend. Wooohhh hindi naman pala siya nakakatakot eh."mahinang wika ni Shantelle at bumuntong hininga saka siya nag tungo sa room niya.

______________________
Thanks for reading!

SAAVEDRA QUADRUPLETS #1: SYCHO BATES SAAVEDRA (COMPLETED)Where stories live. Discover now