"She will come with me , aunt Chamelle and i have already talked about this."kalmadong wika ni Sycho sa mga tauhan ni daddy , habang hawak hawak niya ang isang kamay ko. "Don't worry. She will not perish as long as she is by my side."
At dahil sa sinabi ni Sycho sa mga tauhan ng magulang ni Shantelle , tumango ang mga ito. "Don't take your attention away from miss shantelle because something bad could happen to her in just a few seconds , be alert."pormal na wika nito.
"Don't worry. I could protect myself."wika ni Shantelle. "Sige na umalis na kayo."
Tumango ang mga ito , bago umalis sa harapan nilang dalawa.
"Nasan ang kotse mo?"tanong ni Shantelle kay Sycho.
Hindi kumibo si Sycho at hinila niya na lamang si Shantelle papunta sa private parking lot nito , kung saan naka-park ang kaniyang magara at mamahaling kotse.
Nang makalapit sila sa itim na kotse ay pinagbuksan ni Sycho si Shantelle. "Get in."wika niya kaya pumasok na lamang si Shantelle.
At nang makapasok na din si Sycho sa driver seat ay dumukwang ito sa Shantelle , upang isuot ang seat belt.
"S-salamat."naiilang na pasasalamat ni Shantelle kay Sycho dahil masyadong malapit ang mukha nilang dalawa.
Napatingin naman si Sycho sa labi ni Shantelle saka niya iyon hinalikan.
Umayos ng upo si Sycho. Binuhay niya ang makina ng kaniyang sasakyan at nagmaneho palabas ng university.
"Yung mga gamit pala natin nasan?"takang tanong ni Shantelle habang nakasandal sa backseat.
"Nandoon na sa pupuntahan natin."
Nagtataka man ay tumango pa rin si Shantelle sa sinagot ni Sycho.
"Malayo ba pa tayo?"tanong niya.
Tumango lang si Sycho habang nasa daan ang attention nito , kaya napagpasiyahan ni Shantelle na matulog na lamang.
Habang nagmamaneho si Sycho ay ramdam niyang may sumusunod sa kanila. Naisipan niyang ibahin ang daan na tinatahak nila , upang iligaw ang isang van na panay sunod ng sunod sa kotse niya.
Nagising naman si Shantelle ng biglang huminto ang kotse na sinasakyan niya. "Nandito na ba tayo?"tanong ni Shantelle at tumingin kay Sycho.
Hindi kumibo si Sycho dahil nasa harapan lang ang paningin nito.
Nagtaka naman siya kaya sinundan niya ang tinitignan ni Sycho. Napataas naman ang isang kilay niya ng may isang itim na van ang nakaharang sa harapan nila.
Umupo ng tuwid si Shantelle ng lumabas ang mga armadong kalalakihan sa itim na van. Lumingon siya sa likuran at may nakita rin siyang isa pang van at lumabas din ang mga armadong kalalakihan na nakasakay doon at pinalibutan ang kanilang sasakyan.
"Baba!"sigaw ng isang armadong lalaki habang ang armas nito ay nakatutuk sa kanilang dalawa.
"Sy."pagtawag niya kay Sycho.
Humarap naman si Sycho kay Shantelle at binigyan niya ito ng isang katana , matulis na katana.
"Gamitin mo yan incase na sasaktan ka nila."kalmadong wika ni Sycho.
"Baba!"ikadalawang ulit na sigaw nong armadong lalaki.
Dumukwang si Shantelle kay Sycho upang yakapin ito at hinalikan naman ni Sycho si Shantelle sa noo bago sila humiwalay sa pagkakayakap.
"Mag ingat ka."
Tumango si Sycho kay Shantelle at ngumiti. "I will."sagot ni Sycho at binuksan niya ang pinto ng driver seat.
YOU ARE READING
SAAVEDRA QUADRUPLETS #1: SYCHO BATES SAAVEDRA (COMPLETED)
RomanceThey say....... "The psycho's do not know how to love." But why is this King of Psycho named Sycho Saavedra already falling in love with a woman. Napaibig siya sa babaeng nagpatibok sa matigas niyang atay- ay este puso pala. ______ STARTED: MAY 27...