CHAPTER 7

1.7K 56 3
                                    

SHANTELLE's Point of View

Habang ako ay naglalakad dito sa hallway patungo sa aking room at bigla na lamang akong napahinto dahil may limang babaeng humarang sa aking dinadaanan.

"Kailangan niyo?"mahinahong tanong ko sa kanilang lima.

"Pag sinuswerte ka nga naman ngayong umaga Red ohh."nakangising wika ni Blue saka ito nag cross arm.

"Malas yang babaeng yan , lam mo ba yon?"wika ko sa kaniya na ikinataas naman ng isang kilay ni Red.

"Alam mo---"

"Hindi ko pa alam."putol ko sa sasabihin ni White.

"Namumuro ka ng babae ka ahh!"inis na sigaw sakin ni White.

"Kalma lang Puti baka ikamatay mo yan , sige ka."mapang-asar na wika ko sa kaniya.

"Bitch!"wika naman sakin ni Red , at akmang sasampalin ako nito ngunit nakaiwas ako.

"Hindi ako ikaw , okay?"wika ko sa kaniya.

"Tara na Red , mamaya na yan. May kailangan pa tayong unahin kisa diyan sa babaeng walang kwenta."mataray na wika ni Green saka niya ako nginisihan.

"Walang kwenta?"takang tanong ko sa kaniya.

"Oo wala k---"

"Ahh.... parang ikaw."nakangiting wika ko sa kaniya saka nag flip hair at iniwan sila doon.

"Hoy babae bumalik ka dito , di pa tayo tapos!"rinig kong sigaw ni Red , ngunit di ko na ito pinansin.

Tsk! Iiwas at iiwas ako sa gulo hanggat maaari. Hindi pwedeng palagi na lamang akong nasasangkot sa gulo rito dahil bagohan pa lamang ako sa university na ito.

Lalo na't si Ash pa lamang yung kilalang-kilala ko dito.

"Shantelle!"

Agad naman akong napalingon ng marinig ko ang boses na iyon.

"S-sander?"takang wika ko.

"A-anong g-ginagawa mo rito?"gulat ma tanong ko sa kaniya ng makalapit ito sa akin.

"Tila'y kinakabahan o nagulat ka yata ng makita mo ako aking binibini."nakangiting wika nito kaya huminga ako ng malalim at tumayo ng maayos.

"Anong sadya mo bat ka naparito?"mahinahong tanong ko.

"Hinahanap ko ang aking kapatid rito ngunit ikaw ang aking nakita."nakangiti paring sagot niya.

"Dito kana pala nag aaral , bakit hindi mo sakin ibinalita?"tanong niya.

"At bakit ko naman ibabalita sayo na dito na ako ngayon nag-aaral , eh hindi naman kita kaibigan."taas kilay na wika ko sa kaniya.

"Excuse me."napatingin naman kaming dalawa ni Sander sa kaniyang likod ng may nag salita doon.

"May kailangan ka?"tanong ko sa lalaki at umiling naman ito.

"Okay , pwede na ba akong umalis Mr.?"tanong ko kay Sander at tumango naman ito kaya pike akong ngumiti sa kaniya saka nagpatuloy na sa paglalakad papuntang room.

"Magandang umaga , Shantelle."pagbati sakin ni Ash at ngumiti at tumango lamang ako sa kaniya at pumunta sa aking upuan saka umupo.

Alam kong nagsisinungaling lamang sa akin si Sander kanina. Ramdam kong ako ang pakay niya rito at hindi ang kapatid nito , kaya kailangan kong mag-ingat dito sa university na ito. Lalo na't nandito siya.

"Mukhang napakalalim na yata ng nasisid nang iyong isipan , aking kaibigan."napatingin naman ako sa tabi ko ng magsalita si Ash.

"Hindi naman masyado."wika ko sa kaniya.

"Nabalitaan kong nakausap mo raw ang kapatid ni King Sycho na si Sander."nakangiting wika nita.

"M-mag kapatid sila?"gulat na tanong ko sa kaniya.

"Yup."sagot niya habang tumatango.

"Kaya pala magkamukhang-magkamukha sila ng malapitan."wika ko na lamang at tumango-tango.

"Bakit mo pala kilala si Sander?"takang tanong niya. "At anong pinag-usapan niyong dalawa kanina?"tanong nita habang palakad-lakad ito sa harapan ko.

"Mahabang kwento , Ash. At hindi mo na kailangang malaman iyon dahil wala namang kwenta ang bagay na iyon."sagot ko sa kaniya.

"Okay , sabi mo eh."wika niya at umupo na rin  ito sa upuan niya na katabi ko lamang.

"Hmmm.... matagal na ba kayong magpakilala?"tanong ni Ash sakin.

"Ahmm....siguro , yata , iwan , parang hindi din naman."naguguluhang sagot ko sa kaniya.

"Tongno anong klaseng sagot yan?"nakangiwing labi na tanong nito sakin at nagkibit balikat lamang ako sa kaniya.

"Hay nako! Tatahimik na nga lang."wika niya at sakto namang pumasok si prof upang mag discuss ng mga lesson niya.

Mas mabuti pa nga.

_________________________

"Anong connection mo sa kapatid ng King of Psycho rito?"tanong ng nasa likoran ko.

Saka nga pala nandito ako sa garden ng  university at kanina ko pa nararamdaman na mayroong sumusunod sa akin kaya dito ako pumunta.

Nilingon ako naman ito saka ngumiti. "Bakit mo ako sinusundan , Puti?"tanong ko sa kaniya.

"Sagutin mo na lamang ang tanong ko , babae."wika niya at tinutok niya sa aking leeg yung katanang hawak-hawak niya.

"Matatakot na ba ako niyan?"mahinahong tanong ko sa kaniya.

"Punyeta! Sagutin mo na lamang ako , pwede ba?"wika nga saka niya ibinalik sa bag niya yung katanang itinutok niya sa akin kani-kanina lamang.

"Wala naman."simpleng sagot ko sa kaniya. "Sadyang alam lang naming dalawa yung mga pangalan namin , pero."

"Pero ano?"tanong niya.

"Pero hindi yung tungkol sa mga buhay naming dalawa."sagot ko sa kaniya.

"At bakit kaba tanong ng tanong huh? Ikaw bang babae ka ay may gusto sa kaniya?"taas kilay na tanong ko at umayos naman ito ng tayo. "Hindi."deritsong sagot niya saka niya ako iniwan dito sa garden.

"Yon na man pala , may pasunod-sunod pang nalalaman. Yowo."mahinang bulong ko at akmang aalis na din sana ako sa garden ng may tumigil sa akin.

"Anong kailangan mo?"tanong ko sabay lingon sa likoran ko.

"May mga ilang katanongan lamang ang kaibigan ko para sayo."wika niya.

"Sino ba yung kaibigan mo?"tanong ko.

"Si Sycho."

'Si Sycho.'

'Si Sycho.'

'Si Sycho.'

"H-huh sino ?"

"Alam kong narinig mo iyon , Shantelle. Kaya sumunod ka na lamang sa akin."wika nong lalaki at umalis kaya sinundan ko na lamang ito.

Ano na naman kaya ang kailangan sakin ng Sycho na iyon?

_______________________
Thanks for reading!

SAAVEDRA QUADRUPLETS #1: SYCHO BATES SAAVEDRA (COMPLETED)Where stories live. Discover now