CHAPTER 33

726 27 0
                                    

NAPATIGIL sa paglalakad si Shantelle ng tumigil si Cathyline. "Nasa labas na si Sycho." wika nito at mapaklang natawa habang napapailing.

Naglakad siya papunta sa harapan nito. "You really love him?" mahinang tanong niya.

Tumango ito sa kaniya at tipid na ngumiti. "Pero nabawasan na iyon mula nong araw na nasaktan niya ako." wika nito.

Kitang-kita niya ang malungkot na mga mata nito kaya niyakap niya ito at ininda sa sakit sa katawan.

Wala na siyang ibang alam kung ano nga ba talaga ang totong namamagitan kina Sycho at sa babaeng nasa harapan niya na si Cathyline noong mga panahong nasa Japan pa siya nag-aaral , maliban sa kinuwento sa kaniya ni Ash na tatlong taon na raw ang lumipas simula nong inilipat si Cathyline sa ibang university na pinanghahawakan ni Sander. 

"Saka  huwag ka ng mag-alala.  S-simula sa araw na ito , sisiguraduhin kong m-mawawala na itong nararamdaman ko para sa k-kaniya." wika nito at tumugon sa yakap niya.

Naawa siya para sa dalaga. Gusto niyang marinig o malaman mula kay Sycho ang buong kuwento , kung bakit sinabi nito sa kaniya na nabawasan na ang pagmamahal nito para kay Sycho mula nong araw na sinaktan ito ng kasintahan niya.

"Sige na. Lumabas kana , bilisan mo. Bibigyan lamang kita ng isang minuto." walang kabuhay-buhay na wika nito at humiwalay sa yakap niya.

"Bakit?" nagtatakang tanong niya.

"Kapag hindi ka pa nakalabas rito sa loob lamang ng isang minuto,  aagawin ko siya sayo—"

"Akala ko ba  magkaibigan na tayo?" magkasalubong ang dalawang kilay niya.

"Kaya nga mas mabuting lumabas kana dahil isang minuto lamang ang ibibigay ko sayo upang makalabas sa gusaling ito." iritang wika nito at hindi pinansin ang sinibi niya. "Mag-ingat ka." may babala sa boses nito.

"Ikaw rin." sagot niya na lamang at nagmamadaling tumakbo ngunit napahinto siya ng magsalita ulit ito.

"Tanga , hindi diyan ang daan." rinig niyang mataray na wika ni Cathy kaya nilingon niya ito habang napapakamot sa kaniyang batok.

"Ay." nakangiwing wika niya habang si Cathy ay napapailing.

"Sa kaliwa , tatanga-tanga eh!" pagtataray sa kaniya ni Cathy.

"Salamat ahh." sarkastikong wika niya rito.

"Takas na." wika sa kaniya nito.

Nag-irapan pa muna ang dalawa bago tuluyang tinahak ni Shantelle ang daan palabas.

Lakad at takbo ang ginawa niya kahit mas lalong sumasakit ang buong katawan , ininda niya iyon. Marami rin siyang nakikitang tauhan ni Cathyline at hindi naman siya pinipigilan ng mga ito.

Nagningning ang mga mata niya ng mahagip ng paningin niya ang isang pamilyar na lalaki. "Sy.." nakangiting sigaw niya ng tuluyan na siyang nakalabas .

Nakaharang ang mga armadong kalalakihan kina Sycho upang hindi makapasok sa gusali at nakatutuk rin ang mga armas ng mga ito sa lalaking mahal niya at sa mga kasama nito.

Naluluhang tinakbo niya ang pagitan nilang dalawa. Ngunit hindi pa siya masyadong nakalapit rito ng bigla na lamang sumabog ang gusaling nilabasan niya ilang segundo ang nakalipas. 

Nagsi-talsikan silang lahat dahil  sa malakas na pagsabog ng gusali.

"Damn it ,  Shantelle fvck!"

Agad na tumakbo si Sycho patungo kay Shantelle na sugatan.

"Baby."mahinang wika nito bago siya binuhat at patakbong tumungo sa sasakyan nito.

SAAVEDRA QUADRUPLETS #1: SYCHO BATES SAAVEDRA (COMPLETED)Where stories live. Discover now