CHAPTER 37

660 25 1
                                    

MAAGANG nagising si Shantelle, napabaling naman siya sa lalaking nakayakap sa kaniya. Sinadya niya talagang unahan ang binata sa paggising upang makaalis kaagad sa dorm nito.

Ayaw niya muna itong makita kahit pansamantala lamang, gusto niyang magpakalayo-layo muna sa binata para makapagisip-isip ng nararapat na gawin.

Humugot siya ng malalim na hininga bago niya hiniwakan ang mga kamay nito at maingat niyang inalis iyon mula sa kaniya at bumangon bago umalis sa kama at nagtungo sa banyo.



"AYOS KA lang ba?" may bahid na pagalala na maririnig mula sa boses ni Ash.

Tanging tango lamang ang natanggap ni Ash mula kay Shan.

"Kanina ka pang tahimik , may problema ba?"

Umiling lamang si Shan sa kaibigan. "May ini-isip lang."

"Tungkol saan?" Hindi ni Ash maiwasang umusisa sa iniisip ni Shan , nababahala kasi siya sa pagiging tahimik ng kaibigan niya , gusto niyang malaman ang iniisip nito.  "Nagaway ba kayo ni Sycho?"


NASA LABAS lamang ang tingin ni Shan habang nakaupo at nakasandal sa bintana. Nang mapansin siya ni Ash at hanggang sa nagtanong na ito ng nagtanong.

"Okay lang naman kami ni Sycho." sagot niya kahit hindi siya sigurado  kung okay lang ba talaga silang dalawa ng binata dahil sa nangyari kagabi.

Nilingon niya ito ng marinig niya ang pagpakawala nito ng marahas na hininga. "Baka ikaw meron." mapanuri niya itong tinitigan.

Pinaikutan lang siya nito ng mata na ikinailing niya. "Anong oras nga pala natin malalaman kung pasado tayo next school year?" naitanong niya na lang upang hindi na ito mabahala sa katahimikan niya kani-kanina lamang.

"Mamayang 4:00pm daw sa gym." sagot nito. "Any way , uuwi ka ba mamaya o bukas na lang ng umaga?"

"Oo." sagot niya. Kagabi pa lang ng tulog si Sycho ay niligpit na niya ang lahat ng mga gamit niya. "kung may taxi pa akong  masasakyan mamaya."

"Meron pa yan , pero akala ko ba si Sycho ang hahatid sayo?"

"Hindi , busy kasi yon ngayon." pagdadahilan niya.

"Hindi ba magaalala yon sayo? Sa tingin ko pasado 5pm ka na makakaalis rito. Hindi ka ligtas sa labas."

"Don't worry , kaya ko namang protektahan ang sarili ko." sagot niya rito at ngumiti. "Ikaw , uuwi ka mamaya?"

Umiling ito. "May kailangan pa kaming taposin ni Khillion baka bukas pa ako makakauwi samin." sagot nito. "Nga pala , may balak ka bang magbakasyon? You know chillax time." wika nito with taas baba pa ng dalawang kilay.

"Ewan , siguro  sa bahay na lang ako with my parents. Miss na miss ko na rin kasi sila , ilang buwan ko na silang hindi macontact." napailing siya ng maalala niya kung ilang besis sa isang araw niya sinusubukang tawagan ang mga magulang niya.

Nasa UK pa ba sila?  Kaya hindi ko sila macontact , no that's impossible!  naisambit niya na lamang sa kaniyang isipan. Alam niyang nakauwi na ang mga ito dahil mahigit isa or dalawang buwan lamang nagtatagal sa ibang bansa ang mga magulang niya , mainipin ang mga iyon , uuwi at uuwi ang mga yon.  

Ilang minuto din silang binalot ng katahimikan ngunit di katagalan ay nagsalita rin si Ash.

"Tara punta na tayo sa gym." pangaaya nito sa kaniya.

SAAVEDRA QUADRUPLETS #1: SYCHO BATES SAAVEDRA (COMPLETED)Where stories live. Discover now