CHAPTER 12

1.3K 53 0
                                    

Shantelle's point of view

"Musta na nga pala yang kamay mo?"tanong ni Ash. Nandito kase kami sa likod ng university nanonood sa mga istidyanteng nag iinsayo gamit ang iba't-ibang uri ng patalim o armas.

"Okay naman siya , hindi na masakit."sagot ko habang nakatitig sa kamay ko.

"Nalaman mo na ba kung sino yung nagtangkang pumatay sayo nong nakaraang gabi?"mahinang tanong niya kaya napatingin ako sa kaniya.

"Sa ngayon hindi pa."sagot ko sa kaniya na kahit ang totoo ay alam ko na kung sino  ang hinayupak na iyon.

"Ahh ganon ba."wika niya at tumango lamang ako. "Sige doon muna ako."turo niya doon sa mga istudyanteng nag iinsayo at tumango lang ako.

______________

Habang ako ay nanonood sa ginagawa ni Ash kasama ang ibang istudyante dito sa university ay naramdaman kong may nag mamasid samin , kaya inilibot ko ang aking paningin at may nakita akong isang lalaki na nakahodie jacket at mask sa dulo.

Nang mapansin nitong nasa kaniya na ang buong attention ko ay bigla na lamang itong umalis , kaya naman tumayo ako para sundan ito.    

At dahil sa kakasunod ko sa lalaking iyon ay nakaabot na ako dito sa harapan ng lumang building.

"Miss Sandoval!"tawag isang boses lalaki sa likoran ko kaya napalingon ako. "Anong ginagawa mo dito?"si Kelvin lang pala yung kaibigan ni Sycho.

"Wala naman , gusto ko lang maglibot libot."sagot ko na lamang sa kaniya habang ito lumalapit sakin.

"Alam mo bang ipinagbabawal na ni King Sycho ang pagpunta dito sa abandonadong building na ito?"tanong niya at umiling lang ako sa kaniya dahil hindi ko naman talaga alam na bawal  palang pumunta sa building na ito.

"Sige na bumalik kana doon at wag ka ng babalik dito."wika niya at tumango naman ako saka muling tumingin sa lumang building.

Habang pinagmamasdan ko ang lumang building ay napansin kong napakatahimik at maalikabok doon at hindi ko na nakita ang lalaking sinusundan ko kanina na pumasok doon.

"Sige aalis na ako."wika ko sa kaniya kaya tumango ito saka ako naglakad papalayo doon.

Kung ipinagbawal na pala ni Sycho ang pagpunta sa building na iyon , sino ang lalaking pumasok doon?
At anong ginagawa ng lalaking yon sa loob non?

"Hey!"napatingin naman ako sa kanang bahagi ng daan ng marinig ko ang boses ni Pula.

"Oh?"

"Nabalitaan kong may nagtangka raw na patayin ka nong nakaraang gabi lamang."wika niya kaya napairap ako. "Masarap ba sa pakiramdam?"nakangising tanong niya.

"Eh kung ikaw kaya yung hagisan ko ng  katana para malalasap mo rin yung sarap na naramdaman ko nong nakaraang gabi."nakangisi ko ring wika sa kaniya kaya napairap ito at umalis.

Tsk! Mang aasar pa eh yowo siya! Sino ba naman kasing tao na masasarapan pa pag na daplisan ng katana sa kahit anong parte ng katawan diba. Ano baliw lang?

________________

"Oh! Shan , ikaw pala."wika ni Ash ng makabuksan nito ang pinto ng dorm niya.

Nandito kase ako ngayon sa tapat ng dorm niya.

"Anong ginagawa mo dito? Gabi na auhh , halika muna pumasok ka."wika niya kaya pumasok ako at umupo sa isang sofa at ganon din ang ginawa nito.

"Kumain kana?"tanong ko sa kaniya at tumango naman siya. "Tungkol nga pala doon sa lumang building."

"Bakit anong meron sa lumang building?"takang wika ka. "Auhh okay. Get's ko na. Wala naman , sadyang ipinagbabawal lang ni King na pumunta doon kase luma na nga may posibilidad na masira iyon kaya bawal ng pasukin."

"Ehh?"takang wika ko. "Auhh sige paalam na at ako'y aalis na dahil lumalalim na ang gabi."wika ko na lamang at tumango naman ito kaya niya ako sinamahan hanggang sa pinto. 

"Sige , matulog kana."wika ko sa kaniya ng nasa labas na ako ng dorm niya.

"Sige. Saka nga pala mag ingat ka baka mangyari na naman sayo yung nangyari nong nakaraang gabi."wika niya kaya tumango na lamang ako at naglakad na papunta sa aking dorm.

Habang naglalakad ako dito sa hallway ng mga dorm ay ramdam kong may sumusunod sakin kaya binilisan ko na lamang yung paglalakad ko dahil wala ng ibang tao maliban sa sumusunod sakin.
At dahil sa inis ko ay nilingon ko na lamang ito upang pagsabihan.

"Ikaw lang pala taena! Ano na namang kailangan mo."wika ko ng mapagtanto kong si Sycho lang pala ang sumusunod sakin.

Hindi ito kumibo at hinila na lamang nito yung kanang braso ko at naglakad papunta sa aking dorm.

"May problema ba?"mahinang bulong ko ng mabilis ako nitong pinasok sa aking dorm at agad nitong nilock ang pinto saka siya nagmasid sa buong dorm ko.

Tumingin lamang ito sakin habang kalmado ang mukha nito at umiling saka niya ako niyakap kaya niyakap ko rin siya. "Sorry."

"Para saan?"tanong ko ng maghiwalay kami ng yakap. At tumingin ito sa kamay ko saka niya ito hinawakan at hinalikan na ikinabigla ko at  ngumiti na lamang ito.

"Nothing."wika niya kaya napatango naman ako. "Are you hungry?"tanong niya.

Kaya umiling ako. "Kumain na ako kanina."wika ko sa kaniya at umupo sa sofa.

"Nga pala , sino yung lalaking pumasok kanina sa lumang building?"tanong ko sa kaniya baka kase alam niya.

"I don't know."kalmadong wika nito. "Do you saw his face?"tanong niya at umiling ako.

"Pero nong sinundan ko ito may nakita akong tattoo sa leeg niya."wika ko na ikinataas ng kilay niya.

"What kind of tattoo?"

"I think it's a letter D , yeah his tattoo is a letter D."tango tango kong wika.

"Are you sure about that?"takang tanong niya at tumango tango naman ako.

"Okay."wika nita at tumango din. "But  what was he doing here earlier."he whispered.

"You know who he is?"takang tanong ko at tumango naman siya.

"Yeah. His one of my brother."wika niya kaya napatango naman ako.

"Go to sleep. Tomorrow we'll talk again I just going somewhere , lock the door okay."wika niya saka niya ako hinalikan sa noo saka siya lumabas kaya nilock ko na ang pinto.

Pumunta naman ako sa aking kwarto at nagbihis saka umupo sa dulo ng kama ko.

Ano ba meron saming dalawa bat parang napapadalas na yung pagkikita ,  paguusap at panghahalik niya sakin?

"Yowo may halikan ng nagaganap samin eh wala naman kaming label."wika ko sa aking sarili saka umiling iling at natulog na lamang.

Punyowo ka talaga satanas!

_________________________
Salamat sa pagbabasa!

SAAVEDRA QUADRUPLETS #1: SYCHO BATES SAAVEDRA (COMPLETED)Where stories live. Discover now