SHANTELLE's Point of ViewMaaga akong nagising upang maaga din akong makapasok. Dahil baka makasalubong ko na naman yung lalaking nag ngangalang Sycho.
Habang ako ay nag lalakad dito sa hall way papuntang room ay nag taka ako kasi lahat ng taong madadaanan ko ay nakatingin sakin.
Lalong lalo na yung mga kababaihan na ang sasama ng tingin sakin , ngunit di ko na lamang iton pinansin at patuloy na lamang sa paglalakad.
"Hoy bruha!"tawag sakin ni Ash ng makapasok ako sa room.
"Bakit?"takang tanong ko sa kaniya.
"Alam mo bang kalat na kalat na dito sa boung university na kasama mo kahapon si King Sycho sa library."wika nya na ikinakunot ng noo ko.
May nakakita samin?
"Pano nangyari yon , at saka nagkataon lang talaga non na nandoon ako kase may ibinalik akong libro. At saka di ko naman alam na nandoon din sya dahil nga diba may ibinalik akong libro doon."sagot ko na lamang sa kaniya at pumunta sa upuan ko at umupo.
"Alam mo bang maraming kababaihan ang galit sayo , lalo na yung limang babaeng may iba't ibang kulay ng buhok."wika ni Ash na ikinataka ko.
Kaya ba ang sasama ng tingin sakin kanina ng mga kababaihan sa hall way?
"Bakit naman sila galit sakin , eh wala naman akong malamang ginawa sa kanila ahh."wika ko sa kaniya.
"Galit sila sayo dahil nakasama mo si King Sycho kahapon na di ka man lang pinarusahan nito , habang sila hindi pa nakakalapit kay king Sycho at yung iba nakalapit naman pero pinarusahan ang mga ito kaya sila nakalapit."wika nya.
"Saka lahat ang mga yan at may gusto kay King Sycho , lalo na yung mga babaeng may iba't ibang kilay ng buhok."wika nya pa.
"Eh bat naman agad silang magagalit , hindi ko naman gusto si King Sycho. At isa pa tinulungan nya lang ako yun lang."sagot ko sa kaniya.
"Tinulungan?"mahinang tanong nya at tumango naman ako.
"As in ikaw tinulungan ni King Sycho?"malakas na tanong nya kaya napairap ako.
"Oo nga."wika ko.
"Anong klaseng tulong ba yon?"tanong nya sakin.
"Kahapon kase habang ibinalik ko sa tamang lalagyan yung librong hiniram ko at nahulog ako sa hagdan na inaapakan ko. Akala ko nga mahuhulog na talaga ako sa sahig eh , pero maramdaman kong may bigla na lang sumalo sakin."sagot ko.
"At si King Sycho nga ang sumalo sayo?"paninigurado nya at tumango naman ako sa kaniya.
"Paniguradong hindi ito papalagpasin nina Red , Violet , White , Green at Blue."wika nito sakin.
"Bat naman , wala naman akong gusto doon e."wika ko sa kaniya.
"Kahit na. Lumapit ka pa din kay King Sycho."
"Anong lumapit? Duhhh di ako yung lumapit no. Kasalanan ko bang sinalo nya ako?"may pagkamataray na wika ko.
"Hay nako basta pag nakita mo yung limang babaeng yon , umiwas ka na lang. Kung ayaw mo ng gulo , Okay?"wika nya kaya tumango na lamang ako.
_____________________
Thanks for reading!
YOU ARE READING
SAAVEDRA QUADRUPLETS #1: SYCHO BATES SAAVEDRA (COMPLETED)
RomanceThey say....... "The psycho's do not know how to love." But why is this King of Psycho named Sycho Saavedra already falling in love with a woman. Napaibig siya sa babaeng nagpatibok sa matigas niyang atay- ay este puso pala. ______ STARTED: MAY 27...